Epilogue

856 34 0
                                    




It's been a week after that night...

Andito ko ngayon sa isang bagong bukas na café samin na may pangalanv Infinite's Cafe, mag isa ako at may hinihintay.

Habang mag isa ay inisiisip ko kung gaano kabilis tumatakbo ang oras. Sobrang  daming bagay ang nangyari sa loob lang ng mahigit isang buwan.

"Samahan mo na kase ko sa bilihan ng pabango mamaya." Pag pilit ni Kent kay Nat habang nag lalakad silang dalawa papalapit sa table kung saan ako nag hihintay.

"Ano ka bata? Katanda tanda mo na manong pumunta nalang mag isa." Sagot naman ni Nat.

"Pero Nat!" Pag pilit ni Kent kay Nat.

"Bahala ka sa buhay mo." Wika naman ni Nat sa kanya. "Kanina ka pa Aeron?" Biglang tanong naman ni Nat.

"Hinde naman kakarating ko lang den." Sagot ko naman.

Isang malaking pag babago din itong naganap kay Nat. Nag simula sa pag iyak ng paulit ulit kay Pat na kahit ilang beses siyang niloko ay pinapatawad niya pa rin dahil saw sa mag mamahal pero ngayon ay binitawan niya dahil sa pag ibig pala hindi lang sapat na mahal mo lang, dapat masaya ka den.

Pero mukhang masaya naman na siya kay Kent. Ewan ko ba kung ano ang meron sa kanilang dalawa pero halatang sobrang naaalagaan siya ni Kent

Kase tumataba na si Nat.

"Oy mga kaibigan! May i-norder na ba kayo? Nagugutom na ko eh." Biglang wika ni Josh na kakarating lang.

"Hindi ko alam, kakarating ko lang den." Sagot naman ni Nat Kay Josh.

"Oo naka order na ko, maya maya siguro darating na." Sagot ko naman sabay upo nung tatlo.

"Buti naman! Galing akong practice dahil may intermission daw kami sa susunod na lunes." Wika ni Josh.

Teka teka, akalain mo yon. Sa naka lipas na mahigit isang buwan, walang naging Girl Friend si Josh? Tulad nga ng sinabi ko noon ay Sobrang babaero niya at halos lahat ng section ay may naging Jowa siyang isa. Pero ngayon it's a Miracle wala.

Balita ko may niligawan siya kaso na basted, yung member ng Triangulum. Ngayon ewan ko kung may dini-diskartihan ang mokong na 'to.

Kung meron man, mukhang si Godwin yon.

"Teka matanong ko, pupunta ba dito si Shift?" Tanong ni Nat na medyo nakapag patigil sakin.

"Ewan, baka hindi. Mukhang malungkot pa rin siya e. Hanggang ngayon di ako nilulutuan ng ulam. Na pupurga na nga ako sa sardinas at Pancit Canton." Sagot ni Josh.

Hindi naman lahat ng tao nag kakaroon ng happy ending sa totoong buhay di ba? Isang patunay si Shift. Hindi namin alam kung anong nangyari sa kanya pero after ng pageant ay naging malungkot siya at bumalik ang pagiging seryoso na mas matindi pa kesa noon.

Sabi samin ni Josh hindi daw makakain ng maayos at minsan ay naririnig niyang umiiyak sa kwarto mag isa. Hindi kapani-paniwalang umiiyak si Shift dahil alam na alam namin ang personality niya pero ngayon mukhang totoo dahil di na rin sumasama samin.

Sabagay ako rin naman walang happy en...

*RING* *RING*

Biglang tumunog ang cellphone ko dahil tumatawag si Kuya Gess. Bago ko sagutin ay lumabas ako ng Cafe para di mag ingay sa loob pero habang nag lalakad papalabas ay di ko napansing may nabunggo ako.

Napahinto ako ng makita si Zac na may seryosong mukha.

Iniisip niyo ba kung okay lang ba kami?

***
~~~THROWBACK~~~

"Hindi ko alam kung ko nga ba si Rim na hinahanap mo o si Aeron lang na kasama mo sa bahay pero isa ang sigurado ko. Mahal na mahal kita Zac." Wika ko Sa Kanya.

"Ibig sabihin ba nito tayo na?" Tanong niya sabay abot tengang ngiti.

Nag iba timpla ng mukha ko.

"Sorry pero hindi."

Yan ang sagot ko sa tanong niya kung pwedeng maging kame.

Natigilan siya sa sinabi ko sabay alis ko ng kamay niya sa kamay ko sabay talikod at dahan dahang nag lakad papalayo pero~

Bigla akong humarap ulit sa kanya at niyakan siya ng mahigpit sabay sabing...

"Sorry Hindi! Hinde ko pwedeng tanggihang maging Boy friend ka dahil tulad ng sinabi ko, Mahal na Mahal kita." Wika ko.

At niyakap niya ko na parang wala nang bukas.

~~~END OF THROWBACK~~~

Ang seryosong mukha niya ay napalitan ng ngiti.

"Happy Weeksary!" Wika niya sakin sabay abot ng isang buquet ng Puting Rosas.

"Ka OA mo naman. Isang linggo palang may ganto ka. Hayst! Manong mag tipid!" Sermon ko naman sa kanya.

"Ganon talaga dahil bawat oras na kasama ka ay gusto kong maging memorable Rim. Yung kahit kailan man ay hindi mo na makakalimutan." Wika niya na nag pakilig sakin.

Sabi ko sa inyo noon ah may tatlong  may bagay lang talaga kong gustong malaman,

kung ano ba talaga ko, malay niyo kase alien ako di ba?

kung paano ako tataba dahil sawang sawa na ko sa pandesal kong kasarap ibenta sa bakery,

And kung true love does exist, na mukhang totoo naman.

Pero mas mukhang totoo ang destiny.

"Pitong taon na kitang mahal, at meron pa kong Infinity para Mahalin ka pa. I Love You Aeron." Wika niya sakin in a very sweet way.

"I Love You Too." Sagot ko naman sakanya sabay kiss sa Cheecks.

I Don't know if you believe in Forever, or if you believe in Destiny. The only thing I know is Love is just a Word until someone comes and give meaning to it.

AG19

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon