CHAPTER 40: Stuck

825 31 1
                                    

NOTE of the Author:
The final 10 Chapters of this story will soon to publish after this Chapter and it will become a roller coaster Ride of Emotions. Pwede kang kililigin, sumaya, umiyak, matakot at magulat sa mga twists. At ngayon palang ay Thankful na ko sa inyong lahat and sana i add niyo din sa reading list niyo ang susunod kong gagawing story na 'Chasing Him, Just Once' na sobrang ganda din.

Please Don't Forget to Vote, Comment and Share this Story.

Heritage House

12:00 Pm

Aeron's POV

Sobrang ganda ng ambiance dito sa lugar na ito pero hindi ko halos ma-enjoy dahil tago ako ng tago. Oo daig ko pa ang isang mag nanakaw na pinag hahanap ng mga pulis dahil sa ginagawa ko.

Hindi ko alam kung bakit pero simula nga nung niyakap ako ni Zac ay sobra kong nahiya sa kanya at dahil don ay lumayo at nag tatago ako.

Pano ba kase tuwing lalapit siya ay parang mahuhulog ako.

"Kuya, sasabay po ba kayong mag tanghalian sa mga officers or kila Kuya Nat po kayo sasabay?" Tanong ni Term sakin.

Kasama ko si Term dito sa labas ng Heritage House dahil kakayari lang ng photoshoot at hindi ko alam kung asan yung mga kaibigan ko.

"Hindi ko sure pero chat nalang kita kung sakali." Sagot ko naman.

Mag lalad na sana ko pabalik sa loob upang kuhanin ang mga gamit ko nang bigla kong nakita si Zac na papasok din sa loob kaya agad agad akong pumunta sa isang kwarto na madilim para mag tago.

Sa sobrang bilis ko para kong sasarili ng marathon pero syempre in a tahimik way para di mahalata.

Mamaya ay sinindi ko ang ilaw sa kwartong napasukan ko dahil nga madilim at nagulat ako ng CR pala yung napasukan ko.

Sobrang linis at bango naman ng CR kaya okay lang saka madaming Toilet at hand washing area yung parang mga CR sa mga mall saka sa mga gantong panahon na kailangan ko mag tago ay hindi ko naman kayang maging maselan.

Binuksan ko ng konte ang pinto para silipin kung umalis na si Zac pero sobrang gulat ko ng makita ko siyang nag lalakad papuntang CR kung asan ako.

Agad agad akong nag tago isang toilet na may pinto. Narinig kong parang bumukas ang pinto na nakapag pakaba sakin dahil baka si Zac na iyon na pumasok sa loob. Narinig ko ding sinara ang pinto at bumukas ang gripo. Baka mag hihilamos si Zac or mag huhugas ng kamay.

Pag katapos ng ilang minuto ay naramdaman kong oarang bumukas ang pinto at nasara ulit ito na hudyat na lumabas na si Zac ng CR at aa wakas ay pwede na kong lumabas.

Lumabas na ko ng toilet na pinasukan ko at nagulat ako ng makita ko si...

"Ui Aeron, ano ginagawa mo diyan?" Tanong ni Zac sakin.

Mukhang hindi pa siya lumalabas at isang malaking pag kakamali ang umalis sa pinanggalingan ko.

"Oo hehe. Sige alis na ko." Wika ko sabay lakad ng mabilis papuntang pinto pero nung binibuksan ko na ay ayaw mabuksan.

Tae mukhang na stuck pa yung pinto.

"Oh kala ko ba aalis ka na? Bakit ayaw mo pang lumabas?" Tanong ni Zac.

"Mukhang na stuck yung pinto. Hehe." Wika ko na medyo kinakabahan.

"Hah? Totoo ba?" Tanong ni Zac sabay lapit din sa pinto at sinubukan itong buksan pero mukha ngang na stuck ito.

"Hindi mo rin ba mabuksan?" Tanong ko.

"Oo, mukhang kailangan nating humingi ng tulong sa labas." Wika ni Zac.

"Teka pano kung wala na sila? Dito na tayo habang buhay? Hindi pwede! Madami pa kong pangarap! Tulong tulong!" Wika ko sabay hingi ng tulong dahil sobra na kong kinakabahan hindi lang dahil kasama ko si Zac kung hindi dahil baka umalis na yung mga kasama namin sa Heritage House dahil Half day lang kami dito at lunch time na.

"Kung ako sayo, mag text or chat ka nalang kesa sumigaw." Wika ni Zac sakin.

"Sige sige." Wika ko sabay text kila Nat, Shift, Term at sa iba pa.

Habang nag te-text ay sobrang tahimik namin yung tipong parang may isang dosenang anghel na dumaan.

Nagulat ako nang biglang tanong ni Zac na "Galit ka ba sakin?"

"Hindi ah, bakit naman ako magagalit." Sagot ko naman na may kaba pa rin.

"Napapansin ko kase na para kang umiiwas, saka hindi mo pa ko tinabihan sa Bus kahapon." Wika niya.

"Bakit kailangan ba tabi tayo?" Tanong ko naman na feeling ko ay nakaka-offend.

"Ay hindi pala, sabagay nga naman." Wika niya na parang may onting hiya na.

"Sorry." Wika ko.

"Bakit ka nag so-sorry?" Tanong niya.

"Kase parang lumalayo ako. Siguro natatakot lang ako." Wika ko.

"Bakit ka naman matatakot? Nangangain ba ko? Gusto mo bang kainin kita?" Wika niya na pabiro.

"Bugok Hindi! Siraulo ka ba!" Hysterical na wika ko na naka pag ka gaan ng sitwasyon.

"E ano nga?" Tanong niya.

"Wala! Bulok ka!" Pang aasar ko nalang na nag pa realize sakin na wala naman yatang mali yung sakaling mahulog ako sa kanya at wala rin akong karapatan na iwasan siya or taguan siya dahil sa nararamdaman kong wala pa namang kasiguraduhan.

"Bahala ka nga! Hindi kita lulutuan ng hapunan mamaya." Wika niya.

"Bahala ka! Isusumbong kita kay Tita Pitchy o kaya kay Shift!" Pang te-threat ko sa kanya.

"Edi sumbong mo sasabihin ko inaaway mo ko!" Sagot naman niya na nag pasaya sakin at ng atmosphere.

"Salamat ah." Biglang wika ko na hindi ko napigilang sabihin sa kanya.

"Para saan?" Tanong niya sakin.

"Sa lahat siguro, sa pag aasikaso mo sakin habang wala si Tita, sa nga pang aasar mo, sa mga luto mong masasarap, sa mga tulong na binigay mo sa pageant, sa pag tapon mo sakin ng Strawberry Milkshake na paborito ko at sa lahat." Pag da drama ko.

"Mamatay ka na ba? Bakit parang nag papaalam ko na at pupunta ka na sa kabilang buhay." Wika niya na nanira na mood kong mag drama.

"Ewan ko sayo bahala ka!" Sigaw ko sabay talikod sa kanya at binuksan ko ang cellphone ko para mag check kung may nag reply na.

Pero napatigil ako ng hawakan niya ang braso ko at iharap niya ko sa kanya sabay yakap sakin.

Bakit ang sarap ng yakap niya?

Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko at parang this time sobrang lakas, yung tipong parang aalis na ng dibdib ko yung puso ko.

"Wag ka mag alala, thankful din akong nakilala kita." Bulong niya sakin kaliwang tenga ko na sobrang sweet at sarap pakinggan.

Putcha Eto na ba yung Love? Nahuhulog na nga ba ko kay Zac? Bakit? Pano?

Dami kong gusto sabihin sa kanya pero sa oras na ito ay gusto ko kang ma enjoy ang yakap niya.

Biglang bumukas ang pinto ng CR.

"Aeron... anong ginagawa niyo?" Wika ni Josh na nag tataka ko kung bakit asa Heritage House pero mas inisip ko ngayon ang mga reaksyon nila dahil si Josh, Nat, Shift, Godwin, Don at Kent ay nasa labas ng CR at gulat na gulat nang makita kaming mag kaakap ni Zac.

Wow! Tanginang Timing!

---TRUE LOVE IS VERY PRECIOUS ---

AG 19

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon