CHAPTER 41: Sign

895 28 2
                                    




Heritage House

3:00 Pm

Aeron's POV

Ilang minuto nalang ay aalis na ang Bus namin papauwi at nag lalakad ako ngayon papasok sa convinient store malapit sa may Heritage House para bumili ng mga pag kain at tubig pero habang papasok ay may naka banggan akong lalake.

Matangkad, medyo maputi ang kulay ng balat, maganda ang build ng katawan at sabihin na nating gwapo.

"Sorry." Wika niya sakin.

"Okay lang." Sagot ko naman.

Pag katapos ay tuluyan na siyang umalis pero napahinto ako ng makitang may wallet na black sa sahig na mukhang pag ma-mayari ng lalakeng naka banggan ko.

Agad akong lumabas ay hinabol ang lalake. Habang tumatakbo ay tiningnan ko kung may ID sa loob ng wallet at may nakita kong School ID is From Maharlika  University. Chineck kung ano ang pangalan ng may ari at naka lagay dito ay 'Paul Xavier Villacero' .

Nang mahabol ang lalake ay tinanong ko siya.

"Kuya Ikaw ba si Paul Xavier Villacero?" Tanong ko.

"Yes. Why?" Wika naman niya sakin.

"I think this is yours." Wika ko.

Kinapa niya ang bulsa niya at mukhang sakanya nga dahil wala siyang na kapang wallet. "Oo akin nga yan. San mo nakita?." Tanong niya.

"Sa may Convinient Store po." Sagot ko naman.

"Salamat, una na ko dahil may pupuntahan pa ko." Wika niya.

"Sige po." Sagot ko naman.

***

3:30 Pm

Ang dami kong dala na galing sa store. Pag balik ko kung san naka parada ang bus ay nakita kong mag kakasama ang mga kaibigan ko na sila Nat, Shift ag Josh.

"Oy eto na pala si Aeron, tara picture." Wika ni Nat nang dumating ako.

"Sige tara. Sulitin natin ang lugar." Wika pa ni Josh.

"Sige." Wika ko naman at nag dikit dikit kaming apat at humanap ng magandang background at nag picture. Pag katapos ay nag tanong ako.

"Matanong nga kita Josh, pano ka ba naka rating dito?" Tanong ko dahil di naman namin niya kasama.

"Gamit ko yung kotse ni Shift papunta dito, kasama ko din si Godwin. Galing kaming Dance Battle." Wika naman ni Josh.

"Oo nga pala kamusta laban nila?" Tanong ni Nat.

"Maganda naman yung performance ng Senior pero hindi ko natapos at hindi ko na din napanood yung sa Junior dahil pumunta nga kami dito." Wika ni Josh.

"May update na ba sa nanalo?" Tanong ko.

"Wala pa ata." Sagot ni Josh.

"Teka buti na isipan mong sumunod dito." Wika ko.

"Kase nga mahal niya tayo. Ayie." Pamumuwisit ni Nat.

"Heh! Basta sumunod ako yun ang mahalaga. Teka ikaw nga Aeron matanong ko. Bakit mag kasama kayo sa CR ni Zac at mag kaakap pa kayo?" Biglang tanong ni Josh.

"Ay ano ah--ano." Pautal utal na wika ko dahil nahihiya ako.

Kanina kase nung na Lock kami ni Zac ay niyakap niya ako at saktong sakto nung oras na yon ay bumukas ang pinsto andon silang lahat. Buti nalang at sila sila lang walang ibang tao at buti nalang ay okay na kami ni Zac.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon