CHAPTER 46: Side Story

729 26 6
                                    




Dreamline Academy

1:00 Pm

Josh's POV

This is it Pancit!

Ngayon na ang araw ng Pageant at andito kami ngayonsa School para sa final blockings ng mga Candidates.

"Hello Aeron, asan ka na?" Tanong ko kay Aeron Through Phone.

"Andito na sa labas, papasok na ko." Wika naman ni Aeron at maya maya ay pumasok na siya sa Covered Gym kung saan gaganapin ang pageant at Party mamayang gabi.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko kay Aeron dahil alas dose ng tanghali ang usapan.

"Hinatid ko pa si Kuya sa Bus stop." Wika niya na kinagulat ko dahil madalang umuwi si Kuya Gess, ang Kuya ni Aeron.

"Hah? Umuwi si Kuya Gess?" Tanong ko kay Aeron.

"Oo." Sagot naman niya na parang wala masyadong energy.

"Anong ginawa niya dito? Bakit siya umuwi?" Tanong ko.

"Dinala niya kang yung susi ng kaarto kung saan matutulog si Zac." Sagot naman niya na biglang may pumasok sa isip ko...

"Kamusta pala yung Sign na napag usapan natin nung Friday?" Tanong ko dahil di ba, kapag may Ben and Ben na tumugtog ay aamin na uata si Aeron ng tunay na nararamdaman niya at alam naman naming mag kakaibigan na para kay Zac yon.

Matagal hindi naka sagot si Aeron at parang sumimangot pa ang mukha nito. Imbis na sa akon tumingin ay bigla niyang binaling ang tingin sa mga candidate na nasa Stage.

"Pwede ba wag muna nating pag usapan yon Josh, let's be Professional muna dahil mamaya na ang pageant." Wika niya na sobrang seryoso, yung tipong mas malala pa sa pagiging seryoso ni Shift.

Pero at some point naman ay tama siya, kailangan naming mag focus sa Pageant dahil mamaya na yon.

"Sige." Sagot ko naman.

Maya maya ay biglang dumating si Godwin sabay sabing....

"Kuya nag text po sakin si Sir Chen." Wika ni Godwin.

"Ano sabi?" Tanong ko naman.

"Sabi po manonood daw po yung mga member ng Triangulum mamaya atmag laan daw po ng seats para sakanila. Saka kung kailangan daw po ng mag i-intermission, sabihin lang daw po." Wika ni Godwin.

"Sige ako na bahala." Wika ko kay Godwin sabay hawak sa buhok nito.

Parang habang tumatagal, gumagwapo sa paningin ko tong si Godwin.

"Aeron, reservan daw ng upuan mga triangulum sa pageant mamayang gabi." Wika ko kay Aeron dahil wala naman akong alam sa mga uupuan at tickets ng Pageant.

"Triangulum? Pang ilan nga pala sila sa Dance Battle?" Biglang tanong ni Aeron.

"Nabasa ko sa Group Chat namin, champion daw yung Seniors tapos pang 4th yung mga junior." Sagot ko naman.

Hindi na masama para sa juniors dahil halos baguhan lahat.

"Kagaling naman. Pasabi sa Triangulum Sige okay lang naman but si Shift yung umaasikaso ng upuan kaya pa sabi nalang din sa kanya Josh." Wika ni Aeron na seryoso pa rin.

"Sige sige." Wika ko at agad ko naman tinawagan si Shift.

Ilang minuto pa ay sinagot na ni Shifta ng tawag.

"Oh bakit ka napatawag?" Tanong ni Shift sa cellphone.

"Sabi ni Aeron upuan daw para sa mga triangulum." Wika ko kay Shift.

"Sige, pa text nalang yung dami ng mga manonood ako na bahala." Wika naman niya. "Yun lang ba?" Dagdag pa na tanong niya.

"Oo pero Shift..." medyo nang aalangan ako kung sasabihin ko to kay Shift.

"Bakit Josh?" Tanong niya.

"Shift hindi ko sure kung bakit pero si Aeron sobrang seryoso ngayon." Wika ko dahil di naman nag seseryoso tong si Aeron kahit ano mangyari.

Saka ayokong maging kasing sungit ni Shift si Aeron. Okay na yung may isang epal sa barkada.

"Totoo? Baka stress lang. Kausapin nalang din natin mamayang gabi pag nag kita kita tayo." Wika sakin ni Shift.

"Sige garod, i di-dismiss ko na din tong mga candidate para maka pag pahinga pa sila." Wika ko.

"Okay, pasabi sa Don ko, good luck at galingan niya. Hindi muna yata siya gagamit ng cellphone hanggang sa matapos yung pageant para walang distruction." Utos ni Shift sakin.

The Heck! Gagawin pa kong instrumento ng kalandian ng pinsan ko. Manong kung gusto talaga mag good luck ay puntahan.

"Ayoko nga." Pag tanggi ko dahil tinagamad ako.

"Sige subukan mo, hindi kita lulutuan ng ulang sa loob ng isang linggo." Pananakot niya sakin at syempre ako itong si Duwag, natakot dahil hindi ako marinong mag luto.

"Oo sige na. Bye Mahal na hari." Pag papaalam ko at syempre ako rin itong si Tamad, hindi siya susundin.

Bahala ka Shift sa buhay pag ibig mo! Matanda ka na alam mo na dapat responsibilidad mo!

"Lahat ng Candidate, pwede na kayonumuwi para maka pag pahinga, See You Later!" Sigaw ko na nag papa uwi na sa mga Candidates.

Note: Dapat this Chapter ipapakilala kung sino si Rim but nag palit palit ang nga chapter so sa susunod na Chapter na mai papakilala si Rim.

Promise Sa susunod na Chapter niyo na talaga siya makikilala at Promise ulit, BUKAS na yon!

See you tomorrow night, to know the TRUTH...

---READY FOR THE TRUTH?---
Ag19

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon