CHAPTER 36: K Drama

855 26 1
                                    




Heritage House

10:00 Pm

Aeron's POV

Bakit ba ang hirap-hirap
Magsabi nang diretsahan?

Yan ang paulut ulit na nag pe-play na kanya sa utak ko mula kanina na umalis kami na parang bawat titik sa lyrics ay ginawa para sakin.

Naka silip ako ngayon sa bintana. Sobrang dilim na ng paligid at hindi halos makita ang buwan at bituin sa langit dahil makulimlim at may nag ba-badyang ulan.

Hindi naka sama si Josh at yung Junior niya samin. Ang mga kasama lang namin ngayon sa bus ay labing dalawang lalakeng candidate, labing dalawang babaeng candidate, apat na teacher, ilang mga officers, si Nat, si Shift at ang humabol lang na muntik na maiwan na si Zac.

"Kuya pano po pala yung mga tutulugan?" Biglang tanong sakin ng katabi kong si Term.

Oo, si Term ang katabi ko ngayon sa Bus at hindi si Zac. Asa bandang harap si Zac malapit sa driver samantalang asa bandang likod naman kami.

"Bali sampo yung room na available tapos bawat room ay may apat na kama. Bali yung mga Candidate sama sama tapos yung mga officers and organizers." Sagot ko naman.

"Sige po, I orient nalang po natin sila pag baba." Wika ni Term at nag suot na si Term ng ear phone na mukhang ma tutulog.

Mag susuot na rin sana ko ng earphone para antukin pero napatigil ako ng marinig kong parang may umiiyak sa likod ko.

Pag tingin ko ay natutulog si Kent pero umiiyak si Nat habang hawak ang cellphone.

"Oy Nat bat ka umiiyak? Si Pat nanaman ba?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

"Hindi Aeron." Wika niya habang umiiyak pa rin.

"Ano nga? May nangyari ba kay Tito or Tita na masama?" Tanong ko pa dahil di siya mahinto sa pag iyak.

"Eto kaseng pinapanood kong K drama nakaka iyak." Wia niya na biglang nag paiba ng mood ko na mula sa nag aalala ay nabuwisit.

"K drama lang pala, teka kelan ka pa nahilig sa K drama?" Tanong ko dahil di naman mahilig manood ng K drama si Nat o kahit sino samin.

"Kanina lang, pinasa sa cellphone ko ni Star. Matagal na daw ito pero try ko daw panoorin." Wika naman niya.

"Ano bang K drama yan?" Na cu-curious na tanong ko.

"Hotel Del Luna." Sagot naman niya.

"Hah? Nababalitaan ko na last year yang K drama na yan. Ano ba kwento niyan." Tanong ko pa.

"Basta yung lalake nakaka kita ng multo dahil kay Man Woel." Sagot ko naman.

"Oh ano nakaka iyak don?" Tanong ko.

"Basta episode 2 na ko, yung dati niyang General manager namatay na. huhuhu." Wika naman niya.

"Kala ko romance yan, bat may manager?" Litong litong tanong ko.

"Hay nako Aeron pasahan nalang kita mamaya, panoorin mo nalang." Wika naman niya sakin.

"Hoy Aeron at Nat, madaming natutulog. Mamaya na kayo mag kwentuhan." Biglang sermon si Shift na nasa harap ko naman ang upuan.

Mag katabi sila ni Don pero si Don at nag lalaro ng kung ano sa cellphone.

"Oo nga mamaya nalang pag baba natin tatapusin ko muna tong episode na to." Wika pa ni Nat.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon