CHAPTER 33: Choice

926 31 3
                                    





Dreamline Academy

7:00 Pm

Josh's POV

Madilim na at halos wala nang mga tao sa school, bukas na ang mga ilaw sa bawat hallway dahil may kuryente na, at sarado na ang mga classroom kase gabi na. Pero sa oras na to ay bukas pa ang Student Council Hall and nandito kami mag kakaibigan. Sino sino pa ba, si Shift, si Nat, si Aeron at syempre ako.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ko na may tonong pagod na pagod.

"Hindi pa, pero malapit na 'to." Sagot naman sakin ni Aeron habang nag ta-type sa laptop.

"Ano ba kase yang ginagawa mo?" Tanong ko naman sabay tingin sa ginagawa niya.

"Di ba nga kase kanina ina-nnounce ko na mag kakaroon ng photoshoot sa ibang lugar at principal yung sasagot ng gasto. But beside that hindi tayo pwedeng umalis ng basta basta dahil kailangan may resolution letter tayo about don." Sagot naman sakin ni Aeron.

"Iba talaga si Pres, may pa ganon." Wika ko dahil iba talaga ang kasipagan ni Aeron. "Pero nagugutom na talaga ko." Dagdag ko naman dahil nga gabi na.

"Hay nako Josh, kung ako sayo tulungan mo nLang kami dito sa ginagawa namin." Wika naman ni Nat habang katabi si Shift na may ginagawang props para sa stage.

"Oo nga, saka even if umuwi man tayo ngayon, wala ka pa ring kakainin dahil ako mag luluto. Kung ako sayo tulungan ko nalang kami." Wika pa ni Shift sakin.

"Hay nako Shift, alam mo namang hindi ako gifted sa arts e." Wika ko naman dahil totoo naman.

"Hayaan niyo malapit ko na mayari 'tong ginagawa ko." Wika naman ni Aeron na naka harap pa rin sa Laptop.

"Teka nga, ma tanong ko nga. Anong oras nga pala alis bukas ng mga sasama?" Tanong ni Nat.

"Oo nga, para maka gayak na." Dagdag pa ni Shift.

"Baka mga 6 ng gabi siguro dahil half day naman bukas." Sagot naman ni Aeron na medyo pinag taka ko kase bakit naman magiging half day.

"Hah bakit Half day?" Tanong ko.

"Naka limutan mo na ba? Pag may laban ang Triangulum ay nag re-request yung adviser niyo na i-cancelled ang klase the day before nung laban para ipanood yung ipe-perform nila sa contest." Wika ni Aeron na naka pag pahinto sakin.

F*ck Oo alam ko naman na pinili ko ang pag kakaibigan kesa sa dapat sanang last contest ko as a Member ng Triangulum pero nakakalungot pa din. Saka kung alam kong mamo-move ang pageant ay may onting pag asang naka sali ko sa laban.

"Ay oo nga pala hano sa friday na rin pala yon, manonood ka ba o sasama ka sa mga candidate?" Tanong sakin ni Nat.

"Hindi ko pa alam." Wika ko naman na may mahinang boses.

"I-inform mo ko agad kung sasama ka o manonood ka dahil kung sakaling di ka sasama samin sa Friday, ipag luluto kita ng hapunan bukas." Wika ni Shift na may toning seryoso as always.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon