CHAPTER 34: Want

900 29 1
                                    




Dreamline Academy

12:45 Pm

Josh's POV

Busog na busog ako dahil kakayari ko lang kumain ng tanghalian. Ang ganda ng panahon ngayon at May kuryente di tulad kahapon na halos matunaw kami sa init.

Nag lalakad ako ngayon mag isa papuntang classroom ni Godwin para sunduin siya at pumunta sa dance Studio ng Triangulum.

Iniisip niyo siguro kung bakit mag isa lang ako ngayon at hindi ko kasama yung mga kaibigan ko. Lahat kase sila ay nag gagayak ng mga dadalhin at isusuot para sa photoshoot dahil mamayang gabi na aalis at oo, hindi ko pa rin alam kung sasama ba ko o manonood ng laban.

"Hello andyan si Godwin?" Tanong ko sa pinto ng Grade 11 GAS B.

Nang mag salita ako ay agad agad tumayo si Godwin sa kina uupuan niya at lumapit sakin.

"Kuya bakit po?" Tanong niya sakin.

"Kunin mo na gamit mo tapos tara nang pumunta sa Dance Studio." Wika ko sa kanya.

"Sige po pero bakit niyo pa po ako sinundo?" Tanong niya sakin.

"Nag text sakin kaninang umaga si Sir. Chen, sunduin na rin daw kita pag pumunta ko." Sagot ko naman dahil sabi ni sir baka daw ma late daw si Godwin sa pag punta.

"Ah sige po kunin ko na po ang gamit ko." Wika niya sakin.

Agad naman niyang kinuha ang mga gamit niya at nag lakad na rin kami papuntang Dance Studio.

***

Triangulum's Dance Studio

1:00 Pm

Andito na kami sa Studio at mukhang lahat ng member ay busy sa pag aayos ng mga gamit at pag re-recall ng steps. Halata sa atmosphere na may mga excited, kinakabahan at mga matagal nang member na parang normal lang.

Hinanap ko si Sir Chen para mag pakita at agad ko naman siyang nakita. Agad agad namin siyang nilapitan ni Godwin.

"Sir kamusta po ba?" Pag approach ko sa kanya.

"Oy Josh buti andito ka na, halos lahat may ginagawa kaya mamaya sayo ko inaasa yung video ah." Wika sakin ni Sir na naka puro lang sa tabi at relax na relax.

"Sige po Sir, ako na po bahala don." Wika ko naman.

"Nga pala Josh, bago ko maka limutan. Kelan mo balak ligawan si Nice?" Wika ni sir na medyo napa isip ako.

Liligawan ko nga ba si Nice?

"Sir wala pa po akong plano saka po sa dance contest po focus ng lahat ngayon." Sagot ko naman.

"Hay nako, kung ako sayo puntahan mo ngayon tas i boost ko yung confidence." Wika naman ni Sir na parang medyo na pilitan naman akong gawin.

"Sige sir puntahan ko, Godwin diyan ka muna." Pag papaalam ko kay sir at Godwin at agad ko namang hinanap si Nice.

Nakita ko si Nice kasama ang mga senior dancer na mga kakilala ko.

"Oy mga par Good Luck mamaya." Wika ko sa kanila.

"Salamat Josh, buti naka punta ka." Wika ng isa sa mga senior.

"Oo naman, basta para sa inyo par." Sagot ko naman.

"Sana ol na kaka alala, sayang nga lang at di ka naka sali this year. Kung alam lang natin na mamo-move yung pageant, sana kahit papano naka habol ka." Wika ng isa pang senior na naka pag malungkot sakin.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon