CHAPTER 5: Baggage

1.7K 36 0
                                    

Aeron's House

6:00 PM

Zac's POV

"Buti naman sabay kayo umuwi, na isip ko kaseng lutuan kayo ng hapunan. Kapag kase lumamig yung sabaw di na masarap kaya maganda nga kung sabay kayo uuwi parang niluto ko mainit pa pag kinain." Wika ni Tita Pitchie samin habang nag se-serve ng mga ulam samin.

"Wow, Tita ang bango, amoy palang pwede nang ulam." Wika naman ni Aeron.

Sabay nga kami umuwi ni Aeron kanina, medyo galit sakin nung una pero eventually sumabay din naman.

"Nga pala, kamusta namang kabahay itong si Aeron?" Tanong sakin ni Tita Pitchie.

"Bali.." mag sasalita na sana ko ng biglang sumingit si Aeron.

"Ay Tita Pitchie, sobrang bait ko po sa kanya, tuwang tuwa nga po siya sakin, para nga pong kahit matapos na po yung pag aaral niya dito gusto parin ako yung kasama niya." Wika ni Aeron. "Di ba Zac?" Dagdag pa niya na may kasamang tingin na parang gustong pumatay.

"Ay opo Tita, sa sobrang bait niya po, gusto ko na po siyang itali! Sa katawan ko para di na kami mag kahiwalay." Sagot ko naman sa kanya na may halo ring pamumuwisit.

"Ay ganon ba buti naman. Kamusta naman yung pag tulog niyo? Nag kasya ba naman kayo sa kama?" Tanong ulit ni Tita.

"Opo naman Tita. Alam niyo namang cute itong pamangkin niyo." Sagot naman ni Aeron.

Adik ba to? Tinatanong kung nag kasya tapos sasabihin cute siya? Kahit totoo yon mali pa din yon hay.

"Nga pala, tumawag Mama mo kanina sakin Zac. Sabi yung maleta mo daw baka mamaya maya pa daw dumating pero abangan mo na raw sa gate para hinde daw maligaw." Wika ni Tita.

"Ay sige po." Sagot ko naman.

"Ikaw naman Aeron aftee mo kunain, mag linis ka na ng katawan mo tapos samahan mo itong si Zac sa labas. Alam mo naman hindi pa siya masyadong kilala dito. Mamaya may mangyari pa sakanyang masama." Wika naman ni Tita kay Aeron.

"Ako Tita? Ang Cute mong pamangkin? Why? Malaki naman na si Zac kaya niya na sarili niya." Medyobad trii na wika ni Aeron.

"Mas mabuti ng may kasama siya sa labas para mas safe." Wika naman ni Tita.

Aeron's House Gate

7:00 PM

"Bat naman kase kailangan pa kitang samahan malaki ka naman na." Bwisit na bwisit na sila ni Aeron habang mag katabi kaming naka upo sa harap ng gate nila.

"Di ako nag utos, si Tita. Kaya wala kanv magagawa pandak." Sabi ko naman.

Bigla akong napa tingin sa langit. Kakaiba ang kalangitan ngayong gabi. Napaka aliwalas ng langit, kitang kita yung mga bituin sa langit. Tapos yung buwan napaka bilog at napaka liwanag. Tapos napaka tahimik ng paligid, walang halos sasakyan tapos yung hangin sobrang lamig.

"May tanong ako." Bigla akong napatingin sa Kaliwa ko kung nasaan si Aeron na naka tingin din sa langit.

"Totoo kayang may True love?" Wika niya na kinagulat ko. Nasanay na kase ko lagi kaming nag aasaran at nag kakapikunan.

"Bat mo naman na itanong yan?" Tanong ko naman sa kanya.

"Si Nat kase yung kaibigan namin, 12 na beses na siyang niloloko ng Girl Friend niya pero paulit uli niya parin itong binabalikan. Yun ba yung True Love or Tanga lang siya sa Love?" Hindi ko naasar si Aeron sa pag kakataon na to dahil na kikita ko sa kanyang mukha na seryoso siya.

"Hindi ako naniniwala sa True Love pero naniniwala ako sa Great Love. Yung taong matagal ng nawala pero hinahanap hanap padin ng puso mo." Sagot ko naman.

"Bakit meron ka bang ganon?" Tanong ulit ni Aeron habang naka tingin naman sakin.

"Ewan. Baka. Siguro. Hinde ko pa den siguro alam pero alam ko sa sarili ko na gusto ko siya mahanap. Yun muna siguro dapat kong panindigan." Sagot ko naman.

"Sige. Pero kung totoo yung Great Love or True Love, bahit kaya hindi nalang agad sila yung binibigay satin para wala ng nasasaktan? Walang naghihirapan? Walang umiiyak? " Sabi ni Aeron.

"Siguro choice nalang din natin yon, kase alam mo? Lahat kaya kang Saktan. Lahat kaya kang Saktan pero ang tama don ay mamili ka ng taong mahal na mahal mo na kahit saktan ka niya. Okay lang dahil mahal mo." Wika ko.

"Pwedeng pwede mo pala kong saktan." Wika ni Aeron na biglang pinag taka ko.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Kase mahal kita." Wika niya

Aeron's POV

"Sige. Pero kung totoo yung Great Love or True Love, bahit kaya hindi nalang agad sila yung binibigay satin para wala ng nasasaktan? Walang naghihirapan? Walang umiiyak?" Tanong ko dahil sa concern ko kay Nat.

"Siguro choice nalang din natin yon, kase alam mo? Lahat kaya kang Saktan. Lahat pwede kang Saktan pero ang tama don ay mamili ka ng taong mahal na mahal mo na kahit saktan ka niya. Okay lang dahil mahal mo." Habang sinasabi ni Zac yung mga salitang ito, biglang parang bumabagal yung mundo. Parang sakanya lang naka focus yung mata ko. Tapos bumibilis nanaman tibok ng puso ko.

"Pwedeng pwede mo pala kong saktan." Bigla kong nasabi.

"Bakit naman?" Tanong niya naman sakin.

"Kase mahal kita." Wika ko.

Ay F*ck bat ko to nasabi sa kanya. Bobo Aeron! Bobo!

"Hah? Anong ibig mong sabihin." Tanong niya sakin.

"Wala wala! Nahihilo na ko gabi na kase." Palusot ko sakanya

*beep**beep*

Tunog ng isang kotse na huminto sa harap namin.

Binaba niyo ang bintana sabay sabing "Sir. Emmanuel, andito na po lahat ng gamit niyo san ko po pwedeng ibaba." Tanong nung Driver na mukhang nag salba sakin ngayong gabi.

"Ibaba mo nalang dito, ako nalang ang bahalang mag pasok." Sagot naman ni Zac.

"Sige po Sir." Wika naman nung driver.

"Ay Zac mauna na ko pumasok sayo, bigla kaseng sumakit tiyan ko, natatae na yata ako.bye see you. Imean unana ko." Kinakabahan at nag mamadali kong sabi sa kanya. Agad akong kumaripas ng takbo kahit di pa siya sumasagot. Agad akong pumasok at nag kulong sa kwarto.

Aeron's Room

11:00 PM

Naka talukbong ako ngayon at na tutulog-tulugan. Ayokong mag karoon kami ng pag uusap ngayon ni Zac. Naramdaman kong pumasok na ng kwarto ni Zac dala ang kanyang mga gamit. Naramdaman ko ding mag taong huminga sa kama.

Yes! Buti nalangmatutulog na tong unggoy na to.

"Mahal ba?" Biglang wika ni Zac. "Good night Pandak." Dagdag pa niya.

Nakaka asar! May bago nanaman siyang pang asar! Kasalanan mo to Nat! Sana di nalang ako naging convern sayo!

Nat's Room

11:00 PM

Nat's POV

Kumakain ako ngayon ng chips and fries habang nanonood ng movie sa kwarto ko mag isa.

"ARAY!" Napahinto ako ng biga kong nakagat yung dila ko.

"Meron bang mga taong pinag uusapan ako o kaya gusto kong suntukin! Bat ko nakagat dila ko kasakit!" Wika ko sa saril ko

---Anyone can hurt you, but choose the right one---

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon