CHAPTER 11: The Tech

1.3K 39 2
                                    




Aeron's House

7:00 pm

Aeron's POV

Di ako maka paniwalang gagawin ko to'

Yan yung mga salitang paulit ulit kong sinasabi sa utak ko habang paakyat ng hagdan at papasok sa kwarto ko.

Kauuwi ko lang ngayon at eto mukhang gagawin ang isa sa pinaka mahirap na desisyon sa buhay ko.

Dahan dahan akong nag lalakad papasok ng kwarto ko at pag bukas ko  ay nakita ko....

"Ay sorry!" Sigaw ko kay Zac sabay takip ng mga kamay ko sa mukha ko at sinarado ang pinto.

Dito ay dumilit ako sa pinto. Nakita kong kalalabas lang ng cr ni Zac na parang kaliligo lang kasi nakita kong basa ang kanyang buhok at pumapatak ang tubig sa kanyang katawan.

Oo nakita kong naka hubad ni Zac at naka twalya lang

Hindi ko alam kung bat ko sinarado ang pinto pero mas hindi ko alam kung bakit pumitikok ng kay bilis ang puso ko ng ganto. Bakit lagi nalang ganto? Bakit sa tuwing nakikita ko siya o nakaka sama ay bumibilis ng ganto ang tibok ng puso ko.

Onti onting pumagaktak ang pawis ko mula sa mukha ko hanggang sa buong katawan ko.

Habang naka sandal ako sa pinto ay napahinto ako ng bigla ito bumukas at ako ay natumba at napahiga. Sa pag higa ko ay napapikit ako at hinawakan ang ulo ko dahil tumama ito sa sahig. Dahan dahan kong sinilat ang aking mata at nagulat ako sa pag patak ng tubig sa noo ko. Nang tuluyan ko nang dinilat ang mata ko ay nakita ko si Zac naka hubad padin at naka yuko sakin habang ako ay naka higa pa rin sa sahig.

"Diyan ka na ba matutulog sa may sahig?" Pamumuwisit na tanong sakin ni Zac.

Agad agad akong tumayo at inayos ang sarili sabay kapit sa may pinto at halata sakin na kabang baka ako dahil naka twalya parin si Zac.

"Hi-hindi no, pero kung ikaw gusto mo matulog sa sahig... sige doon ka matulog ngayong gabi dahil ayoko nang kayabi ka." Sigaw ko na medyo kinakabahan parin.

"Waw kalakas ng loob mo ikaw nga itong walang walang kwentang kabahay." Wika naman niya na may boses na parang galit.

Hindi kami okay ni Zac ngayon at sa tingin ko habang buhay dahil sa ugali niya at siguro ugali ko ma den. Hindi kase kami mag ka perehas ng personality. Kung natatandaan niyo, di-nrowingan ko ang stuff toy niyang si Snorlax ng kung ano ano at mula noon ay hindi na kami halo nag usap ng maayos at nag uusap lang kami (in a plastic way) kapag asa paligid si Tita Pitchie.

Teka may kailangan pala ko sa kanya.

"Teka wag ka namang ganyan pinaka mabait at masipag kong kabahay." Palambing na wika ko sakanya.

"Saglit may lagnat ka ba? Bakit parang sinapiaan ka ng angel?" Tanong niya.

"Ne ikaw naman alam mo namang gustong gusto kitang kabahay." Muli ko pang pang u-uto sa kanya.

"Meron kang kailangan?" Tanong niya.

"Bakit mo naman naisip yang kabahay kong pogi?" Dagdag na pang uuto ko pa sa kanya.

"Hindi ka kailan man babait sakin pwera nalang kung meron kang kailangan." Wika naman niya.

Napatigil ako at sinabi ko na ang kailangan ko sa kanya. "Oo na may kailangan ako, pwede ka bang maging Technical Director sa Pageant na inoorganize ng Student Council." Wika ko sa kanya.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon