"Welcome back po" bati sa amin ni Manang Letty nang pagbukas niya ng gate.
Nang makarating kaming lahat kanina sa airport ay naghiwahiwalay na rin kami dahil kanya kanya ang sundo. Family by family pa rin naman. Kami ay sa Batangas pa rin nagdiretso and the others are in Manila.
"Are we going to eat?" tanong ni Mama sa amin.
"Yes Ma, gutom na ako" sagot ni Kuya.
Nagsipunta kami sa dining area at nakaupo lang kami habang si Mama ang nagluluto ng spaghetti, 'yon kasi ang request namin.
"Veniss, alam mo na kung kailan ang party?" tanong ni Kuya sa akin.
"Ahh hindi pa eh. Hintayin ko na lang siguro ang mail nila para sa akin or invitation man lang" sagot ko.
"It's Spade Quangco's party right?" tanong naman ni Papa.
"Yes po" sagot ko naman.
"Do you know each other?" seryosong tanong ni Papa. Bakit ako kinakabahan?
"We're somehow friends" sagot ko naman.
"Friends? Since when?" nakatingin na rin si Kuya sa akin at pareho silang naghihintay sa sagot ko.
"When we met at their annual party" sagot ko.
"Here's the spaghetti" saved by the bell. Woooo thanks Ma.
Naguusap silang tatlo about sa darating na meeting about sa company. Kahit hindi naman kasama si Mama at Kuya duon ay gusto pa rin nilang malaman. Ako naman ay tahimik lang na kumakain.
Nagvibrate ang cellphone ko at may pumasok na mail dito.
1 new mail
From: Spade Tymon Quangco
To: Venissa Lauren Argos
InvitationDear My Venissa,
I would like to invite you for tonight, I heard that you've arrived earlier here in our country, so I hope that you are at home right now. I want to see you at Batangas Country Club, 6:00 PM I'll see you there, Babe. Take care.
Love,
Your Spade Tymon QuangcoMy Venissa? Your Spade? Babe? Iba ka talaga, Spade Tymon. Kainis.
So nandito pa rin siya sa Batangas? Ano pa nga ba ay meron din silang branch ng restaurant or hotel dito, but still sa Pontefino sila nagpa-party. Ewan ko ba sa kanila.
Pagkatapos namin kumain ay pumunta muna ako sa kuwarto nila Mama at Papa para makapag-paalam. Kumatok muna ako bago ko binuksan at sakto naman na nakaupo sila sa mini sofa nila at may nire-review.
"Ma, Pa?" pagtawag ko sa kanila at kaagad naman silang tumingin sa akin.
"Yes anak?" tanong ni Mama.
"Pwede po bang umalis?" painosente kong tanong. Paano kapag tinanong kung sino ang kasama ko?
"Where are you going?" tanong naman ni Dad.
BINABASA MO ANG
I Love Him, It Hurts
RomanceFate of Love Series #1 Venissa and Spade loves each other so much that they keep their relationship a happy one and a perfect one, not until Spade had a big problem to fix for his family. Will they still continue the love that they have even if it h...