"Thank you all for coming here tonight"
Natapos ang speech ni Tito Spead at nagpalakpakan lahat ng tao.
Narito kami ngayon sa party nila. For the third time, I am invited to the Quangco's party.
Hindi ko alam kung bakit sila may party ngayon, ang alam ko lang ay pasasalamat ito, 'yon lang.
"Let's eat?" aya ni Spade sa akin.
Sabay kaming kumuha ng pagkain at magkakasama kami ng mga kapatid ni Spade sa iisang table. Buti nga hindi dito sila Tito at Tita kundi baka maulit na naman ang nangyari nuong ipinakilala ako ni Spade sa kanila.
Mukhang si Spade lang ang may kasama sa kanilang tatlong magkakapatid. May girlfriend naman yata si Kuya South ewan ko lang kung meron ba si Stout.
"Your relationship also calls for a celebration" anunsyo ni Kuya South kaya nagkatinginan kami ni Spade.
"Why?" tanong ni Spade.
"It's already legal" sagot ni Kuya South.
"Don't worry about Mom, she's just in a state of shocked, but I know it will be fine" sabi naman ni Stout kaya napangiti ako sa kanya.
Ang supportive talaga ng dalawang kapatid na 'to ni Spade. They never failed to give us support for Spade and I's relationship. I really admire them for that.
Kumain kami ng tahimik at nang matapos ay naglagay sila ng wine at si Spade naman ang naglagay ng sa akin.
"Cheers for the two lovers" ani Kuya South at nag-angat ng baso para sa cheers.
"Cheers" sabi namin at nag-tossed ng mga wine glass.
"You should just taste it. 'Wag mong ubusin" bulong sa akin ni Spade kaya isang lagok lang ng wine ang nagawa ko. Hindi rin naman kasi ako umiinom nito.
"MagCR lang ako excuse me" paalam ko sa kanila nang mapayagan ako ni Spade.
Hinanap ko pa ang CR, hindi ko pala alam kung saan dapat nagpasama ako kay Spade. 'Di bale kaya ko namang maghanap.
Papasok na sana ako sa hallway papuntang CR nang may mabunggo ako na babae na may katangkaran sa akin, dahil na rin siguro sa suot niyang wedge.
"I'm sorry" paumanhin ko sa kanya.
"'Wag ka kasing tatanga-tanga" angil nito sa akin.
Ako pa talaga 'yong tanga, eh siya 'tong hindi nakatingin sa dinadaanan at ang bilis pang maglakad.
"Sorry" inirapan niya lang ako at umalis na habang may ibinubulong pa.
Pumasok na ako sa CR at nagretouch lang. Nang matapos ako ay bumalik na ako sa table nakin nila Spade at ng mga kapatid niya. Nanduon pa rin sila ako na lang ang wala.
"Hey" bati ko kay Spade para malaman niya na nakabalik na ako.
"Two more hours before this party ends, okay lang ba kung tapusin natin?" tanong niya.
Ngumiti ako at tumango. "Okay lang naman" at hinalikan niya ako sa noo ko.
"Get a room guys" ani Kuya South.
BINABASA MO ANG
I Love Him, It Hurts
RomanceFate of Love Series #1 Venissa and Spade loves each other so much that they keep their relationship a happy one and a perfect one, not until Spade had a big problem to fix for his family. Will they still continue the love that they have even if it h...