"Hoy excited ka na ba? Makikita mo na ang love of your life maya maya lang" mapanuksong tanong ni Ate Jennel.
Napailing na lang ako, "Umupo ka na kaya, hindi sila makadaan oh" sabay tingin ko sa dalawang taong nasa likod niya.
"Sorry" sabi ni Ate sa mga nasa likod niya at 'saka siya naupo sa tabi ko.
Paalis pa lang ang eroplano ay nagtatanong na kaagad itong si Ate Jennel kung ano ba daw ang una naming gagawin duon, akala mo naman first time niyang makakapunta sa London.
"Bahala na nga Ate" sagot ko for the third time na siguro?
"Wushu ka, syempre si Spade kaagad ang hahanapin mo duon" aniya. Kanina pa rin siya nanunukso sa akin.
"Ewan ko pero tumawag siya sa akin kahapon na may susundo raw sa atin mula sa heathrow airport, hindi ko lang alam kung sino" sabi ko.
Wednesday na kasi ngayon kaya flight na namin. After a month magkikita na kami ni Spade, syempre hindi ko naman ikakaila na gusto ko na kaagad siyang makita 'pag tapak namin ni Ate sa sahig ng London.
Well, favorite city ko ang London kaya hindi ako nagsasawa na puntahan iyon, lalo pa ngayon na naroon si Spade ngayon at naghihintay sa akin sa pagbisita sa kanya.
"Matutulog na nga lang ako, nakakaboring ka kausap ngayon palibhasa ang utak mo nasa London na kaagad" sabay hilig niya sa head board ng plane seat at nagsimula ng matulog.
Tutulog pala hindi kaagad, ito talagang si Ate Jennel minsan may iba rin sa utak, may na ngangalawang na siguro?
Nasa may window kasi ako, favorite spot ko 'to, lahat naman siguro paborito ito. Makikita mo ang ganda ng mga ulap at ang asul na langit. Ang maliliit na bahay ay mistulang parang drawing lamang at mga miniature sa sobrang liit ng mga iyon. Hindi rin ako madalas dalawin ng antok kapag nasa biyahe kasi ako 'yong tao na mas gustong pinapanuod ang mga dinadaang lugar pero hindi ko gaanong nasasaulo ang mga pasikot-sikot.
Nang malapit ng maglanding ang eroplano ay saktong gumising na si Ate Jennel, mas excited pa nga kasi siya kaysa sa akin. Hindi siya umiimik at nagaayos lang siya ng kanyang make up.
"Ganda ko ba?" tanong niya nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya.
"Oo Ate mana sa akin" sagot ko.
"Asa ka naman, Veniss" aniya naman kaya napatawa kami pareho.
Nang makababa na kami mula sa eroplano ay hindi yata mawala ang ngiti sa labi nitong si Ate at ewan ko ba kung bakit, siguro hindi lang dahil nasa London siya ngayon ay siguro meroon pang ibang dahilan? Ewan ko madami yatang secrets itong si Ate sa buhay.
"It's so happy to be back here" komento ni Ate at umakto pa na niyayakap niya ang buong London.
Lumabas na kami ng airport at naghihintay sa sususndo sa amin, like what I've said earlier, hindi ko alam kung sino ang susundo sa amin ni Ate dito papunta sa hotel na iuukupa namin dito.
Hindi pa nga rin namin sure ni Ate kung kailan kami uuwi sa Pilipinas dahil gusto pa raw talaga niyang mag-stay dito, and even me naman. Advance talaga kami mag-isip dahil baka mamaya kailangan na namin kaagad umuwi eh 'di namin ma-e-enjoy ang London.
"I think he's here" sabi ni Ate.
Napalingon ako sa kanya at sinundan ko kung saan siya tumitingin. "Sino ba?" tanong ko naman.
"Basta kilala ko kung sino at hindi mo naman kilala kung sino" aniya.
Nakasakay na kami ngayon sa isang BMW na mukhang bago pa lang. Ito ba ay pakana ni Spade? Hindi ko pa siya natatawagan o na inform na nandito na kami ni Ate.

BINABASA MO ANG
I Love Him, It Hurts
RomanceFate of Love Series #1 - editing soon Venissa and Spade loves each other so much that they keep their relationship a happy one and a perfect one, not until Spade had a big problem to fix for his family. Will they still continue the love that they ha...