Chapter 18

50 3 0
                                        

Days, weeks and months had passed. Napakabilis ng araw kaya hindi ko namamalayan na malapit na pala ang birthday ko.

Tatlo, tatlong buwan na ang lumipas at ganito pa rin ang buhay ko, masaya kasama ang mga taong mahal ko at nagmamahal sa akin.

Kuya Veinss is in New York for now to attend a business party there, Other Kuyas are busy with the company here and also in every part of the country, Ate Jennel is still going with me when I go shopping or just to eat somewhere.

Minsan na lang ulit kami magkasama-sama dahil busy na sila Kuya at kami na lang minsan ni Ate Jennel ang palaging magkasama. Kapag may time sila Kuya nasama sila sa amin at sila ang nanlilibre sa amin ni Ate Jennel, syempre sila 'yong may trabaho.

Maybe you're asking where Spade is? Well he's now in London to close a big deal for their company. Palagi kaming naguusap tungkol sa araw araw. The last time we seen each other was months ago.

I miss him so much, that I want to visit him there in London, but I can't, I can't because I'm not allowed even I can handle myself. Pumayag si Mama pero si Papa ay hindi, ewan ko ba pero ayaw rin naman kasi ni Spade na pumunta ako duon kasi baka daw mamaya ay hindi niya rin ako maasikaso, hintayin ko na lang daw siya.

"Lalim ng iniisip hanggang moon yata?" kasama ko nga pala si Ate Jennel, nasa condo niya ako.

"Hindi ah, may naalala lang" depensa ko.

"sabi mo eh" sabi niya at ibinaling na ulit ang tingin niya sa kanyang laptop.

Pumunta ako dito sa condo niya kasi wala akong kasama sa bahay nasa Baguio kasi sila Mama at Papa at siguro business rin ang inaasikaso. Mga dalawang buwan na rin ang medyo pagtira ko rito sa condo n Ate Jennel, umuuwi ako sa bahay kapag kailangan at wala rin naman sila Manang Letty sa bahay, kaya heto at nandito ako ngayon kasama si Ate.

"Hindi pa ba kayo magkikita ni Spade mo?" tanong niya at itinabi ang kanyang laptop.

"Hindi pa namin alam kung kailan" sagot ko.

"Gan'on ba? Pero tinatawagan ka naman niya?" mapanuri niyang tanong.

"Oo naman, tuwing umaga o gabi basta kapag may time" sagot ko naman. Nasa hot seat na naman ba ako? Mahilig kasi magtanong ang isang 'to.

Time? Meron naman kami ni Spade n'on, hindi naman siya nawawalan ng oras para sa akin at ako rin sa kanya. Hindi naman kami naka long distance relationship dahil pansamantala lang naman siyang nasa London sa ngayon. Unawaan lang rin naman siguro ang solusyon kapag sa mga ganitong sitwasyon.

Kung maaari kasi hindi ko naman pinagbabawalan si Spade na gawin ang mga gusto niyang gawin, huwag niya nga lang akong lolokohin at naiintindihan naman daw niya iyon.

"Let's go to London?" pag-aya niya. Hindi nagbibiro ang isang 'to 'pag dating sa mga out of the country na ganyan.

"You sure? Maybe we're not allowed?" sabi ko. Totoo naman eh wala rin kasi sila Tita at Tito, nakalimutan ko lang kung nasaan sila.

"We're allowed as long as we're together" may paraan talaga, gusto kasi.

"ikaw bahala" sabi ko na lang.

Dumako ang hapon at umuwi muna ako sa bahay para silipin muna ang aming bahay, wala nga kasing tao, saka mahirap na ang panahon ngayon. Minsan akala mo nand'yan lang 'yon pala wala na, nasa iba na.

Gamit ko na nga pala ang sasakyan ko. Nagtake lang ako ng one month driving lesson tapos ng maipasa ko ay nakakuha na ako ng lisensya, kaya wala na akong problema kapag may pupuntahan ako. Minsan ayaw ni Spade na mag-isa ako na umaalis-alis sa bahay, baka daw kasi may hindi magandang mangyari sa akin habang nasa kalsada ako at nagmamaneho ng sasakyan.

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon