Chapter 50

76 3 0
                                    

Nang makababa sila Mama ay hindi na nila naabutan si Spade, umalis na rin ito kaagad kasi kailangan na daw siya sa opisina. Napakabusy na naman kasi niya.

"Nakaalis na si Spade?" tanong ni Papa, kaagad naman akong tumango.

Naupo na sila at nagsimulang kumain, ni walang nagkwe-kwento o nagsasalita kumakain lang sila ng tahimik. Baka maraming iniisip na trabaho? Ang weird, parang may gusto silang sabihin o itanong pero parang 'wag na lang.

Natapos silang kumain at nagpaalam lang sa amin ni Manang tapos sabay sabay silang umalis. Ang weird naman nila, nagkibit-balikat na lang ako nang magkatinginan kami ni Manang at nagligpit na kami ng pinagkainan.

Sanay na yata kami ni Manang na kami lang dalawa dito sa bahay nang matapos siya sa ginagawa niya ay sinamahan niya ako dito sa sala at nanonood na naman siya ng cooking show at ako naman ay nagbabasa ng libro, medyo matagal tagal na rin ang huli kong pagbabasa nakakamiss din pala.

Hindi naman dito magtatanghalian sila Mama kaya nagpadeliver na lang ulit kami ni Manang ng pagkain, same orders pa rin talaga kami nagustuhan kasi ni Manang iyon.

Wala na kaming magawa matapos niyon mabuti na lamang nang sumapit ang hapon ay dumating si Ate Jennel.

"Long time no see!" natatawang bati ko sa kanya nang makapasok siya.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "True. Naging busy lang" aniya. "Hi, Manang" bati niya at naupo sa sofa sa tabi ko.

"Kamusta ka naman?" tanong ko.

Ngumiti siya. "I'm fine" mukhang masaya nga siya at okay naman.

"That's good" nag-thumbs up pa ako, nahahawa na ako kay Manang.

"Wala ka pa bang boyfriend?" napatingin kami pareho kay Manang.

"Wala nga po eh" sagot niya.

"Nako nand'yan lang 'yan sa tabi tabi baka 'di mo lang napapansin" napangiti naman si Ate Jennel at tumingin sa malayo.

"Baka nga po, pero wala eh" aniya at tumingin kay Manang bago tumawa.

Ang isang ito talaga kahit kailan hindi mapaamin o mapakwento man lang kung ano ba talaga ang lagay ng puso niya o may nagaalaga ba sa puso niya.

"Alam mo, Manang samahan mo na lang kami ni Venissa" aniya, umayos naman ako ng upo.

"Huh? Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Batangas!" masayang sabi niya, napangiwi naman ako.

Ngumiti si Manang, "Nako kayo na lang dalawa" aniya.

"Hoy biglaan naman saka hindi pa nga tayo nagpapaalam" sabi ko sa kanya.

"Eh 'di magpapaalam" nilabas niya ang cellphone niya mula sa sling bag niya at nag-punta sa contacts.

Sigurado na talaga siya ha? Hindi man lang kinabahan hapon na eh tapos aalis pa kami anong oras pa kamk makakarating duon kung sakaling matuloy at si Spade, hindi pa nga kami nakakapagusap simula kanina.

"Hello Tito, aalis kami ni Veniss ha? We're going to Batangas" aniya, 'di man lang talaga natakot. "Opo, opo. Okay. Thank you, Tito pakisabi na lang po kay Tita" himala at pumayag kaagad na kami lang ang aalis.

Parang iba ang ihip ng hangin sa kanila ngayon ah. Ako lang naman talaga minsan ang parang hindi updated sa mga nangyayari kahit palagi naman nila akong kasama. 

"Kasama ka Manang?" tanong ko.

"Oo kasama siya" si Ate Jennel ang sumagot para sa kanya, tumingin ako kay Manang at nag-thumbs up naman siya.

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon