Chapter 21

55 3 0
                                        

"Hoy tulala ka na naman d'yan. Iniisip mo ba si Phavian?" puna ni Ate Jennel.

"Siraulo 'to si Ate baka mamaya marinig ka ni Spade" saway ko sa kanya.

"So iniisip mo nga?" biro niyang tanong.

Umiling kaagad ako. "Hindi ah, saka bakit ko naman iisipin 'yon eh may boyfriend na ako" sagot ko.

"Kahit na may Spade ka kung crush mo pa rin si Phavian maiisip mo pa rin siya" pilit niya.

"Ano ba Ate panira 'to" sabi ko sa kanya.

Kanina pa 'yan Phavian ng Phavian sa akin baka naman kasi siya ang may gusto duon, inaasar niya pa ako na kung iniisip ko nga raw ba si Phavian na which is hindi ko naman iniisip ang lalaking 'yon. Panira talaga 'to si Ate.

"Oh hayan na ang jowa mo" aniya at nilingon ang pinto ng buffet kaya napatingin na rin ako duon.

Nang makalapit sa amin si Spade ay hinalikan niya kaagad ako sa tuktok ng aking ulo at nginitian naman niya si Ate Jennel bago naupo sa tabi ko. Buti na lang hindi alam ni Spade kung ano ano ang pinagsasabi ni Ate kanina kundi baka magtampo na naman 'to.

"Saan punta natin later?" tanong ni Ate Jennel nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain.

"Anywhere, kahit saan n'yo gusto" sagot ni Spade sa kanya.

Hindi naman kasi namin pina-plano ang pagpunta sa kung saan saan ngayon kasi walang time kagabi para ayusin kung saan maganda pumunta ngayong umaga.

Nang matapos kaming kumain ay napagpasiya na namin na mag-ikot ikot na lang sa labas, buti na lang at hindi na namention ni Ate Jennel si Phavian at natahimik na lang siya.

Lakad lang kami ng lakad halos mga tinatamad yata kaming mamasyal ngayon, saka mukha kaming may mga hangover dahil ng mukhang wala rin kami sa wisyo ngayong umaga.

"Balik na lang tayo sa hotel" Sabi ni Ate Jennel . See I told you tinatamad kami.

Hindi na kami umimik ni si Spade at naglakad na lang ulit kami pabalik ng hotel, iba ang atmosphere namin today kaya ganito. Nang makabalik naman kami sa hotel ay pumasok na si Ate sa kanyang hotel room matapos magpaalam sa amin, kami naman ni Spade ay dumiretso sa hotel room ko.

"Tapos na ba talaga lahat ng meetings mo?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya. "Yeah finally"

"Ready ka na umuwi?"

"Always ready basta kasama kita"

I still can't believe pa rin na halos three months kaming hindi magkasama ni Spade, buti na lang at sa birthday ko ay naroon siya, next month na kaya 'yon at excited ako.

We didn't even celebrate our monthsary, but it's not important.

"I planned a dinner when we get back home with my family then with your family. Is that okay with you?" tanong niya.

Tumango kaagad ako. "Yeah saka alam mo naman na hindi pa kami okay ng Mommy mo tapos baka hindi pa sila magkasundo ng family ko" sabi ko.

Tama naman siguro na huwag muna namin imbitahan ang both side ng family namin dahil baka mamaya ay hindi maganda ang kalalabasan niyon. Gusto ko na rin naman maging close kami ng Mommy ni Spade pero parang hindi ko pa iyon magagawa sa ngayon lalo pa at gusto pa rin ng Mommy ni Spade na si Shanna ang kanyang makatuluyan.

"Are you alright?" tanong sa akin ni Spade. Magkatabi nga kasi kami ngayon dito sa kama tapos pareho kaming nakasandal sa headboard.

"Oo naman, bakit naman hindi eh nandito ka na" sagot ko dahilan para mapangiti siya.

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon