"Gising na anak may bisita ka sa baba"
Naalimpungatan ako sa pangigising sa akin ni Mama. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon saka pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayon marahil nagbunga na ang aking paggagala.
"Veniss, gising na" paggising pa ni Mama.
"Inaantok pa po ako saka mabigat po ang pakiramdam ko pakisabi na lang sa bisita ay sa susunod na lang siya bumalik" hindi ko alam kung napapahagikhik ba si Mama o ano nanatili kasi akong nakapikit dahil nga mabigat ang pakiramdam ko.
"Sige anak papadalhan na rin kita ng pagkain at saka gamot" sabi ni Mama at hinaplos pa ang aking buhok bago siya tuloyan lumabas rinig ko kasi ang pagsarado ng pinto.
Pagod na nga siguro ako kahapon tapos ay umiyak pa ako kaya heto ngayon ang pakiramdam ko. Ayaw ko pa naman na may sakit ako saka may pupuntahan nga pala kaming magpipinsan ngayon araw, hayan tuloy nakalimutan ko pa. Hindi na pwedeng ireschedule iyon dahil siguradong full schedule na sila Kuya next week dahil ng kompanya. Magaling naman na siguro ako mamaya.
Narinig ko naman bumukas ang pinto siguro si Mang Letty iyon at may dalang pagkain at gamot. "Pakilapag na lang po d'yan sa may lamesa mamaya na lang po ako kakain at iinom ng gamot" sabi ko na lang, nakatalikod rin kasi ako sa gawi ng pintuan.
"You should eat now para gumaling ka na at hindi na tumuloy pa ang sakit mo" halos mapamulat ang mata ko dahil sa boses na 'yon.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pa rin at hindi ko siya nilingon. Tampo pa rin ako bakit ba?
"I'm going to take care of you, Xīn" aniya at ramdam kong umupo siya sa gilid ng kama.
"Hindi na, aalis rin naman kami mamaya kahit umuwi ka na lang muna" pagiinarte ko.
"Your cousins already left they said that they will just moved the plans for today" aniya kaya kaagad akong napabangon at mas bumigat yata ang pakiramdam ko.
"Really?" paninigurado ko.
"Yeah, so now I will take care of you" nakangiting sabi niya.
"tss"
Hindi na lang ako umimik pa at bumalik na lang ako sa paghiga kaunting pahinga naman siguro ang katapat nito, ayaw o pa naman sa lahat ay 'yong nagkakasakit.
"Come on, Xīn let's not fight okay?" malambing niyang pakiusap.
Bumangon na ako mula sa pagkakahiga para matingnan ko siya ng maayos. Magkatapat na kami ngayon at nakatingin lang sa isa't isa. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya sa ngayon.
"Xīn" aniya.
"Sorry" hindi ko na rin pinigilan ang sarili ko na magsabi ng sorry, may kasalanan din naman kasi ako na kung bakit ako nainis sa kanya.
"No, you don't have to" sabay yakap niya sa akin, buti na lang at walang tumulo na luha dito sa mata ko. Ang bango talaga nitong si Spade. "I'm sorry, I love you" sabay halik niya sa noo ko.
Paano pa ako maiinis kung ganito na naman siya kalambing sa akin. Saka hindi pa naman yata ako dapat matakot at ang dapat ay si Shanna na 'yon ang matakot sa akin dahil kapag naulit pa iyon ay baka kung ano na ang magawa ko sa kanya.
Sumapit ang hapon at maayos na ang pakiramdam ko, nandito pa rin si Spade sila Mama naman ay umalis muna at may pupuntahan daw. Hindi na bumalik sila Kuya para sa gala namin.
"Do you feel better now?" tanong niya sa akin.
Tumango tango naman at 'saka ko siya sinagot. "Yeah"
Maya maya naman ay may tumawag kay Spade kaya sinagot niya ito, hindi ko naman pinakinggan ang usapan nila dahil busy din ako sa pagkalikot sa cellphone ko. Hindi na umiimik si Spade siguro ay tapos na ang tawag.
BINABASA MO ANG
I Love Him, It Hurts
RomanceFate of Love Series #1 Venissa and Spade loves each other so much that they keep their relationship a happy one and a perfect one, not until Spade had a big problem to fix for his family. Will they still continue the love that they have even if it h...