Chapter 38

57 2 0
                                    

"I'm sorry. Sorry, Xīn. Sorry" aniya nang napansin niyang umiiyak ako sa gitna ng paghalik niya. "Hush now, Xīn, stop crying" he added.

Niyakap niya ako ng mahigpit kaya niyakap ko siya pabalik habang umiiyak pa rin ako.

Sobrang na-miss ko siya! Para akong mababaliw sa oras na ito ayaw kong matapos ang gabing ito sana ganito na lang palagi para hindi na ako nasasaktan.

"S-spade," hindi ko mabigkas ang pangalan niya ng maayos sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. "M-mahal pa rin kita bakit ganoon?" sabi ko sa kanya.

Kailangang mailabas lahat ng nararamdaman ko ngayon dahil kung hindi ay baka masiraan na ako ng bait. Hindi ko alam kung anong gagawin ko basta ang gusto ko ngayon ay ang makasama siya.

"Spade naman eh bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito? Ang sakit sakit kasi mahal na mahal kita" i said caused of too much emotions.

"Mahal din kita, Venissa just give me time to settle down the things that i have on my plate. I promise i'll be with you again" aniya at alam ko na nahihirapan din siya.

"P-pwede ba'ng ganito na lang tayo? Ayaw kong matapos ang oras na ito ayaw ko ng mahirapan sa kakaisip kung babalik ka pa ba sa akin o hindi na, na baka siya na 'yong gusto mo at hindi na ako, na baka isang araw kasal ka na sa kanya at tuluyan ka ng nawala sa akin" diretso kong sabi sa kanya sana naintindihan niya dahil sa sobrang iyak ko buti na lang waterproof ang make up ko.

"Shhh it won't happen, there's no wedding i promise you that, okay? Ikaw lang ang mahal ko, 'di ba sinabi ko naman sa 'yo? Mahal na mahal kita just trust me with this. I have plans" he kissed my forehead.

"Break na tayo pero bakit pakiramdam ko hindi pa? Bakit palagi pa rin kitang naiisip 'di ba hindi na dapat ganoon? Gabi gabi akong umiiyak dahil sa 'yo bakit mo ako niloko, bakit ka naglihim sa akin?" parang bumalik na naman sa araw na naghiwalay kaming dalawa.

"I didn't cheat on you, okay? She's not my girlfriend, ikaw lang. I'm sorry if i hid everything from you it's just i don't want you to overthink things, Venissa. I love you, okay? I never cheated on you and i will never" he hugged me again.

"P-pwede ba'ng ganito muna tayo saglit bago ulit natin iwanan ang isa't isa?" maybe i sounded too possessive for him.

Kasi alam ko bukas hindi na ulit kami magkasama na si Shanna na ulit ang kasama niya bukas at sa mga susunod pa na araw.

Nakayakap kami sa isa't isa at mga hikbi ko lang ang naririnig namin ewan ko ba at ayaw nang tumigil ng aking luha. Napakapayapa ng pakiramdam ko ngayong oras na ito at alam kong mali kasi wala na kami, break na kami pero magkasama kami lalo pa at engaged pa rin siya kahit anong gawin namin.

Kahit saglit man lang ulit naramdaman ko ang yakap na gustong gusto ko ulit maramdaman sa mga araw na lumipas. Mahal na mahal ko pa rin talaga siya.

"Mahal na mahal kita lagi mong tandaan at kung matuloy man ang kasal n'yo ayos lang iyon 'wag mo akong pakaisipin. We should end up everything here forget what i've told you" sabi ko sa kanya pagkabitaw ko sa yakap.

I tried to sound emotionless para rin naman sa aming dalawa ang gusto kong mangyari. Hanggang dito na nga lang siguro kami para hindi na rin kami masaktan pa at para hindi na namin pakaisipin pa ang isa't isa dahil kami lang din ang nahihirapan.

"Venissa,"

"Iuwi mo na ako gumagabi na" tumayo na ako at pinahid ang luha ko gamit ang kamay ko dahan dahan lang iyon at baka lalong masira ang make up ko.

"Xīn,"

"Tara na, wala naman na sigurong gulo sa labas 'di ba?" tanong ko pa na parang walang nangyaring drama.

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon