Chapter 43

49 2 0
                                    

We decided to go home since it's already 10 in the evening. Sobrang saya ko ngayon, hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko pero masaya talaga ako pakiramdam ko at hanggang sa makauwi kami ay nakangiti ako.

"Nakapag-usap ba naman kayo ng maayos?" Mama asked.

Nasa garden kami ngayon, dumaan na kami ni Spade sa fastfood restaurant at duon na nag-dinner. Hangang handa na chumika sila Mama at Papa kasi may pa midnight snack pa rito sa garden.

"Yes po" Spade answered.

"Hay nako hijo botong boto talaga kami sa 'yo para kay Venissa" masayang sabi ni Mama.

Ang swerte lang talaga namin sa parents ko kasi napakasupportive nila para sa aming dalawa na kahit nagkaproblema kami at naghiwalay ay hindi pa rin iyon naging dahilan para sabihin nila na huwag ko ng balikan si Spade.

Ano ba naman kasing pinakain ni Spade kay Mama at Papa para maging ganyan sa kanya, well wala rin naman kaming problema kay kuya Veinss isa rin siya sa boto para sa amin kasi gusto niya duon ako sa magiging masaya ako, at kay Spade ako sasaya.

"Thank you, Tita and Tito" pasalamat naman ni Spade.

"Huwag mo na ulit paiiyakin iyan baka mamaya 'di pa matuloy kung ano man ang mangyayari sa future" sabi ni Papa kaya nagtawanan sila.

Sus 'di ako makarelate ah.

"Padating nga pala ang mga pinsan mo Venissa pati ang Kuya mo magse-session daw ng inuman  dito kaya may snacks" sabi ni Mama.

"Talaga po? Bakit daw?"

"May na closed na deal kaya magce-celebrate"

Bilib na talaga ako sa kanila!

"Huwag ka na rin munang umuwi Spade maki-session ka na lang muna" sabi naman ni Papa.

"Sige po"

"Nagpaalam ka ba sa inyo?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Alam nilang ikaw ang kasama ko"

Maya maya pa ay nagsidatingan na sila Kuya, kumpleto nga naman kami ngayon mukhang celebration nga at may dala pa silang pagkain at syempre alak.

"Oh ang mga bachelors ay kumpleto" puri ni Tito Khelve.

Puro nga naman bachelors ang mga ito dagdag pa si Spade. Mukhang hindi uuwi ang isang ito, at hindi ko rin siya papayagan na mag-drive pa siya pauwi nang nakainom siya baka mamaya mapaano pa siya.

"Spade oh my you're here" sabi ni Tita Jenny at nagkipagbeso pa.

"Hello Spade" bati naman ni Tita Yelery at nagbeso rin.

"Spade bro" sabi naman ni Kuya Jayl.

"Sup bro" bati naman ni Kuya Veinss, mukhang 'di pa siya nainformed na magkasama kami.

Mas nauna pa talaga nila nabati si Spade kaysa sa amin nila Mama at Papa.

"Oyy Spade" bati ni Kuya Khyil at kumindat pa sa akin.

Binati na rin siya nila Tito at kinamusta. Sus namiss yata nila si Spade ah?

"I'm glad okay na kayo hija" sabi sa akin ni Tita Jenny at nakipagbeso pa.

"Sayang kung hindi kaya buti na lang magkasama kayo ngayon" sabi naman ni Tita Jenny.

Inihanda na namin ang dala nilang pagkain at mga baso na gagamitin para sa session ng alak nila. May dala rin silang light lang na inumin para siguro sa amin ito may red wine pa na kasama. Nagpuntahan na sila sa garden at kami ni Ate Jennel ang nag-aayos nitong mga pagkain na dala nila, may cake pa!

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon