Ang aga aga ang ingay ingay sa bahay. Nandito silang lahat at nag-aalmusal at mamaya ay aalis yata sila ni hindi ko alam kung saan ba sila pupunta o kasama ba ako o hindi para kasing mga parents lang namin ang aalis at maiiwan na naman kaming magpi-pinsan.
Magpla-plano pa lang sana kami ni Spade ng dinner para sa family namin pero mukhang hindi muna ngayon kasi nga aalis ang parents ko, saka na lang siguro iyon nagkita naman na sila nuong nasa hospital ako.
After naming mag-almusal ay nag-ayos na sila ng mga gamit nila na dadalhin ang iba ay nasa sasakyan na lalo ang maleta nila.
Nagpaalam na sila sa amin at hinatid lang namin sila hanggang sa sasakyan.
“Bye Mama, Bye Papa take care” paalam ko sa kanila at niyakap silang pareho ganoon din kila Tita at ganoon din ang mga pinsan ko.
Nang makapag-paalam na ay pumasok na kami sa loob ng bahay, dito naman ulit sila matutulog habang wala ang parents namin buti hindi na nag-iwan ng mga rules at curfew kasi last time ay hindi naman namin nasunod iyon.
“Saan ba sila pupunta?” tanong ni Ate Jennel.
“Australia” sagot ni Kuya Jayl.
Mag-australia pala sila tapos di naman sinabi sa amin biglaan din kasi ang pag-alis nilang iyon pero mukhang planadong planado na ang bakasyon nila. Wala naman na silang dapat alalahanin kasi maayos naman ang trabaho nila Kuya sa companies namin dito at ganoon din sa ibang bansa.
"We're going home na rin" paalam ni Kuya Jayl.
"Huh? Akala ko dito kayo mag-stay?" tanong ko naman. Bakit parang ako lang iyong walang alam sa nangyayari?
Umiling siya. "Nah. Naki-breakfast lang" sagot niya.
"Ako ang kasama n'yo" sabi ni Kuya Khyil.
Ngumiti ako. "Talaga ba? Parang wala ka naman balak mag-stay" pang-asar ko.
"Wala talaga kaso wala akong magagawa kaysa naman mag-isa ako sa bahay 'di ba?" natatawang sagot niya.
"Sus baka nga lagi kang may kasama duon" sabi ni Kuya Jais.
"Malay mo pag-uwi nila Tita at Tito may kapatid ka na" natatawang sabi ni Kuya Veinss.
"Ha! Baka tayo may mga kapatid na ulit pag uwi nila" nagtawanan naman kami, parang super late na kapag nangyari iyon.
"'Di ako payag" sabi ni Ate, napatingin kami lahat sa kanya.
"Bakit naman?" tanong ni Kuya Jayl.
Umirap si Ate sa kanya, "Duh~ masyadong malaki na ang age gap sa atin parang anak mo na iyon kapag nagkaroon tayo ng bagong kapatid" aniya.
"Ayaw mo lang may bagong maiispoiled eh" asar naman ni Kuya Jais.
"Ikaw ba, Venissa? Payag ka?" tanong sa akin ni Kuya Jayl.
Umiling ako. "Ang layo ng age gap saka kawawa ang baby lalo na sa nga nangyayari ngayon sa mundo" sagot ko naman.
"True" agreed ni Ate.
"Hays mga bunso nga naman" sabi ni Kuya Veinss.
"Bunso naman ako" sabi ni Kuya Khyil. "Gusto ko ng baby" natatawang sabi niya kaya natawa na rin kami.
"Tarantado mag-anak ka para saan pa 'yang pera mo kung 'di ka magkakaroon ng tagapagmana" sabi ni Kuya Jayl.
Natawa naman si Kuya Khyil. "Chill ka lang, bro dadating tayo d'yan pero mauna ka na"
Maya maya pa ay napagdedisyon na nilang umuwi at magkita kita na lang daw sila sa office naiwan naman si Kuya Khyil at Ate dito sa bahay. May pag-uusapan kasi kami ni Ate about sa business na gusto namin. Ang akala ko pa naman magkakasama kaming lahat dito sa bahay hanggang sa pag-uwi ng parents namin.
BINABASA MO ANG
I Love Him, It Hurts
RomanceFate of Love Series #1 Venissa and Spade loves each other so much that they keep their relationship a happy one and a perfect one, not until Spade had a big problem to fix for his family. Will they still continue the love that they have even if it h...