Chapter 27

52 2 0
                                        

We're back in our house at kumpleto ngayon dito sa bahay namin. Naghanda kasi sila Mama at Titas ng mga pagkain, parang ginawang welcome home party para sa amin ito.

Nagkamustahan kami nang maihain na lahat ng pagkain. Hindi naman na na-mentioned nila Tito 'yong about kay Kuya Jais siguro ay nakalimutan naman nila at napagusapan na rin naman namin duon sa resort.

"Next week will be the party at Argos Empire Estate" anunsyo ni Papa.

"Is everthing settled about the party?" tanong ni Kuya Jayl.

"Yes it is" sagot ni Tito Khin.

Siguro ay kailangan namin paghandaan ang mga ito lalo pa at party ng Family namin iyon.

Sumapit ang hapon at nagsiuwi muna sila Tito at kasama na nila sila Kuya at Ate Jennel, kami na lang ulit ang natira dito sa bahay. Wala naman akong balak puntahan ngayon.

Si Spade? Kamalayan ko ba kung nasaan siya ngayon. Pa limang araw na ay wala pa rin ako natatanggap na tawag at text mula sa kanya kaya simula kaninang umaga ay hindi na rin ako nag-abala na tawagan o kaya naman ay mag-iwan ng message sa kanya.

Nasa garden ako ngayon dala ang laptop ko, nag-check ako ng mga mails at wala naman masyadong importante.

Habang nagse-search ako ay nakatanggap naman ako ng text.

Text Message

Phavian: Hi Veniss, I hope you're not thinking too much about Spade. Makakausap mo rin s'ya. Smile.

Oh about Phavian? He's one of a kind talaga. The kiss I accepted it as a friendly kiss hinatid niya pa nga ako sa villa at nagpaalam pa siya kila Kuya dahil hindi namin siya kasabay sa pag-uwi ng Manila.

Pinalakas niya ang loob ko about kay Spade sa mga hindi pag tawag nito sa akin and he helped me out not to think too much about it kasi nga sabi niya baka sadyang busy ito dahil taga-handle rin ito ng kanilang kompanya.

I was so thankful to him that night kasi kahit papaano ay nawala talaga ang mga bagay na bumabagabag sa akin.

So I replied.

Thank you, Phavian you really a very good best friend.

"Veniss, aalis muna kami ng Papa at Kuya mo maiwan ka muna rito" paalam ni Mama.

"Okay Ma, take care"

Text Message

Me: Ate, hindi pa rin ako nakakatanggap ng tawag at text mula kay Spade.

Ate Jennel: Maybe he's just busy lang talaga malay mo I-surprise ka ulit niya kagaya dati.

Me: Hindi ako naasa.

Ate Jennel: Do not think too much. Tatawag at tatawag iyon.

Me: Alright. Thank you.

Ate Jennel: I wab yah.

So lahat sila sinasabi sa akin na hindi dapat ako mag-isip ng kung ano ano at baka nga naman busy si Spade. Ewan ko ba.

He wasn't like that.

Sumapit ang gabi at wala pa rin sila Mama, baka nasa venue sila ng pagdadausan ng party kaya siguro ay mamaya pa sila makakauwi.

Nasa kuwarto na ako ngayon at nag-open ako ng aking instagram. Wala naman bago puro celebrity lang ulit ang nasa feed ko.

May tagged post sa akin si Ate at iyon ay 'yong picture naming anim sa villa at sa may swimming pool. Ni-like ko na iyon lahat bago ko i-home ulit ang cellphone ko.

Wala naman na akong gagawin dito kaya kumuha na lang ako ng book sa lalagyan ko at nagbasa.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang mag-ring ang cellphone ko, this time I don't want to assume but please sana si Spade na ito... dahan dahan kong iniangat ang phone ko, but reality hits me... it's Ate Jennel kaya sinagot ko na rin.

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon