Now... we're heading to our family favorite restaurant. Tanghali na kasi kaya kailangan na namin kumain. Wala ang mga kasambahay nila Ate Jennel kasi pinagday-off daw muna ni Tito kasi masyado na daw tumatamad silang tatlo kaya hayun kanya kanya muna sa bahay.
"Order now, Kuyas" sabi ko sa kanila habang kami naman ni Ate Jennel ang naghanap ng bakanteng upuan para sa aming anim.
Madami-dami kasi ang kumakain kaya medyo mahirap maghanap ng upuan pero buti na lang at may bakante pa for six seaters. This restaurant is ours, pero ni isa sa amin ay hindi minamanage ito kundi sila Papa pa rin.
"Hey is that Spade?" napalingon rin ako kung saan nakatingin si Ate Jennel.
"Oo nga no" sabi ko na lang.
May kausap si Spade na babae, hindi ko naman kilala iyon kaya wala din naman akong magagawa eh ano ba kami ni Spade? Buti na lang sa kinauupuan namin ay hindi kami gaanong kita. Ayaw ko na siyang makita. And he's here na pala sa manila. Mahirap pala kapag walang contact sa taong gusto mo.
"Spacing out eh?" natauhan ako sa sinabi ni Ate Jennel.
"Hindi ha" sabi ko.
"Kanina pa kita tinatanong" sabi niya.
Eh wala naman siyang natanong or I am just really spacing out?
"We need the two of you in the counter" sabi ni Kuya Khyil nang makalapit siya sa amin. Saved by the bell.
Sumunod kami sa kanya. Tinapunan ko naman ng tingin sila Spade at ano 'yon nagtatawanan sila n'ong babae. Aish!
"Pick other foods than this" sabay pakita sa amin ng in-order nila.
"I want veggies and melon shake for drinks" sabi ko ng gusto ko at ni-punch naman kaagad iyon sa counter.
Pumili na rin si Ate Jennel ng kanya at siya na rin ang pumili ng mga desserts namin. Time out muna ako sa rice and fried foods.
"Hindi mo naman nasabi Veniss na gusto mo pala ang pagkain ng kabayo" pangasar ni Kuya Khyil. Ang hilig niya talaga akong asarin nakakainis.
"Yeah at kapag naging kabayo ako, ikaw agad ang una kong sisipain at hahabulin" sabay irap ko at tawa.
Nakikita ko dito sa kinauupuan ko si Spade at 'yong kasama niyang babae. Wala pa ba silang balak umalis dito?
"Stop staring at them it's rude" bulong sa akin ni Ate Jennel.
Napailing na lang ako. Ano nga ba kasing problema ko? Bakit iba ang feeling ko about duon sa dalawang 'yon.
"He's looking at you" bulong ni Ate Jennel. Hindi ko na iyon pinansin at kumain na lang ako.
"Aren't you going to stare at him too?" pangasar ni Ate Jennel at kumaway pa yata siya kay Spade.
Tiningnan ko si Ate Jennel, "No" sabay lingon ko ulit sa pagkain ko.
"Veniss, do you want to watch my race competition this sunday?" biglang tanong naman ni Kuya Jayl. He is a car racer nga pala.
"Sure, sino ba mga kasama?" tanong ko.
"Us" sagot niya.
BINABASA MO ANG
I Love Him, It Hurts
RomanceFate of Love Series #1 Venissa and Spade loves each other so much that they keep their relationship a happy one and a perfect one, not until Spade had a big problem to fix for his family. Will they still continue the love that they have even if it h...