Chapter 40

70 2 0
                                    

Oh good God what did I do to have someone like him in my life.

Magsasalita pa lang sana ako ay biglang dumating si Joan at lumapit sa amin.

"Tapos na po ba, Ate?" tanong niya sa akin.

"Kaunti na lang, patapos na rin ito" sagot ko at nagsulat na lang ulit hindi ko muna pinansin si Spade at ang sinabi niya sa akin.

Nang matapos ko ay kaagad ko iyong binigay kay Joan nandito pa rin si Spade at pinanonood niya ang kilos ko.

"Ay may palaro po para sa mga sponsors dito sa charity, kailangan po kayo duon sa may court" sabi sa amin ni Joan.

Wala naman kaming nagawa ni Spade sabay kaming umalis nang clinic at pumunta sa court kung saan may palaro. Wala namang umiimik sa pagitan namin.

"Newspaper dance po ang sunod na laro at kailangan po namin ng mga sasali by partners po" sabi nuong emcee na youth council din.

"Mga bata kayo ang pumili kung sino sa mga Ate at Kuya natin dito ang gusto niyong isali na magkapareha" sabi naman nuong isa pa ring youth council.

Nagtakbuhan ang mga bata papunta sa mga gusto nilang isali at kapag sineswerte ka nga naman ay kaming dalawa ni Spade ang isinali nitong bata na kasama sa binasahan ko ng libro ko kanina.

"Kayo po kasali" sabi nito sa amin na mukhang tuwang tuwa, ayaw ko naman siyang malungkot kaya sumama na lang kami sa kanya.

"Isasali po namin kayo ha" sabi naman nang isang bata.

Wala na rin naman kaming nagawa at nagpahatak na lang kami sa kanila sa gitna para makasali.

"Galingan niyo po ha" sabi nitong bata.

"Kayo po pambato namin" sabi naman ng kasama niya at pumalakpak pa.

"Oo gagalingan namin" confident na sabi ni Spade kaya lalong natuwa ang mga bata.

Partner kami ni Spade tapos si Ate Jennel at Kuya Jayl tapos sila Kuya ay meron kapareho na hindi ko naman kilala. Ngiting ngiti sila sa akin ganoon din ang mga kapatid ni Spade na may kanya kanya ring partner at ang iba pang mga charity sponsors.

"Ready na po ba?" nag-thumbs up naman kami sa kanya at nagplay na ang music.

Konting sayaw sayaw lang kasi kabado baka ma-paused ang music. Nang tumigil iyon ay sabay kaming tumapak sa news paper at may nagche-check kung walang lampas. Tuwang tuwa ang mga bata habang paliit ng paliit ang tiklop ng newspaper.

Hindi naman pala talaga maiiwasang magyakapan sa ganitong laro. Hindi naman ako naiilang sa kanya pero medyo nahiya ako bigla sa kanya. Na-concious naman ako bigla sa sarili ko. Ang gwapo gwapo at ang bango bango ba naman nitong kapartner ko.

"Go Ate Venissa at Kuya Spade!" cheer sa amin ng mga bata lalo na iyong mga binasahan ko ng kwento kanina.

"Tingnan mo ang dami nating fans" nakangiting sabi sa akin ni Spade.

"Fans ko lang" asar ko sa kanya kahit narinig ko rin ang pangalan niya sa pagche-cheer ng mga bata.

Nagpatuloy ang laro hanggang sa sobrang hirap na makatungtong sa newspaper at ang paraan lang ay ang bubuhatin ang isa sa amin, eh alangan naman na ako ang bumuhat sa kanya.

"I'm gonna carry you" para namang nabasa niya ang naiisip ko.

"Ikaw bahala" sabi ko na lang.

Nagsimula ang tugtog at naghihiyawan na ang mga bata. Ilan na lang din kasi kaming kasali at ang natira lamang sa aming magpipinsan ay kaming tatlo nina Kuya Veinss at Kuya Jais and the rest ay hindi ko na kilala.

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon