Chapter 12

52 3 0
                                        

~And you need to know you're the only one, alright, alright.
And you need to know that you keep me up all night, all night.
Oh my hurts so good, I love you, babe, so bad, so bad...~

Naalimpungatan ako sa kantang ng LANY na 'yon. Kay Ate Jennel iyon panigurado. Fan ng LANY 'yan eh.

Iminulat ko na ang mata ko nang wala na akong marinig na kanta at pakiramdam na bumangon si Ate Jennel at sumara ang pinto.

I also checked my phone.

Text Message

Xīn:
Good afternoon, Xīn, are you awake?

Me:
Good afternoon, Xīn. Kakagising ko lang.

Maaga kasi kaming nagising kanina. Wala pa yatang 6:00 AM ay nang gising na sila Kuya para sa meeting daw namin. Ewan ko ba, wala rin naman akong natandaan mula sa meeting namin kanina dahil antok na antok ako.

Hindi na muli nagreply si Spade. Nasa opisina siya panigurdo. Absent kasi yata siya kahapon dahil magdamag kaming magkasama.

Hindi ko na alam kung anong oras ako nakadating. Wala naman kasing tao dito sa bahay nang makarating ako. Libre pa ako sa curfew ni Kuya dahil hindi niya alam kung anong oras ako nakarating. Hindi na rin naman siya nagtanong. Buti na lang.

Dali daling pumasok si Ate Jennel sa kuwarto ko, hindi na niya nga napansin na gising na ako. Nagtungo agad siya sa CR. May pupuntahan siguro. She can have my car naman.

Bumangon na rin ako at nagcharge muna ng cellphone at laptop bago ako lumabas ng kuwarto.

"Nasaan sila Manang?" tanong ko Kay Kuya na naaban ko sa living room.

Napatingin naman siya sa akin. "Pinagday-off ko muna sila dahil 'yon ang utos nila Mama" sagot niya at tumango naman ako.

"Bukas na ba?!" napalingon ako sa pinto nang ang malakas na boses ni Kuya Khyil ay marinig ko ganuon rin si Kuya Veinss.

"Shut up, Khyil" saway ni Kuya Jais sa kanya.

"Hi Veniss" bati nila sa akin pero nakasimangot si Kuya Khyil.

"Problema mo na naman, Kuya Khyil?" tanong ko at nilapitan ko siya.

Nagkibit balikat siya. "Ewan ko" sagot niya.

"Ewan ko rin sa'yo Kuya Khyil" at nagtungo na ako sa kusina.

Saan kaya kami kakain? Gutom na ako wala pa namang pagkain. Nandito lang sila Manang kaninang umaga tapos ngayon pinagday-off na ni Kuya.

Bumalik ako sa living room kung saan naroon pa rin sila.

"Pwede ba tayong umalis at kumain?" tanong ko.

"Sure. Sixth of A?" tanong ni Kuya Jais.

"Yeah. Mag-ayos na kayo dahil ako mag-aayos pa rin ako" sabi ko at nagtatakbo na ako papunta sa kuwarto ko.

Nadatnan ko naman si Ate Jennel na nagpapatuyo ng buhok gamit ang blow dryer.

"Kakain kami sa Sixth of A, sama ka?" tanong ko.

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon