"it's better there"
"yes"
"tables?"
"chairs?"
'Yan ang mga naririnig ko dito sa loob ng kompanya na pagdadausan mamaya ng party. Madami ang pupunta, lahat ng investors, lahat ng may shares, stockholders, friends, family, invited.
Nandito kami ngayong maaga para ma-orient kami sa gaganapin mamaya para raw mas maayos ang party. Family first ang ipapakilala kaya kasama kami duong magkapatid at magpipinsan.
Sinabi na sa amin lahat ng gagawin. Aakyat lang naman pala kami ng stage dahil ipapakilala wala naman kaming masyadong gagawin ni Ate Jennel, sila kuya ang madami kasi sila na ang magha-handle ng kompanya, hindi ko lang alam kung kailan ang grand announcement.
Kinagabihan, nasa bahay na kami at pinapayusan na. May kinuha sila Tita na make up artist at dito sa bahay pinapunta.
May ipinatahing gown si Mama para sa aming mga babae at sa mga lalaki naman ay may inihanda rin si Tita Yelery.
One hour left before the actual party at busy na ang lahat sa pag-aayos. Kailangan maaga kami kaysa sa mga bisita syempre nakakahiya naman kung late kami eh kami ang nagpa-party.
"Done already?" tanong sa akin ni Kuya Veinss.
Sabay kasi kaming pupunta sa company tapos sila Mama at Papa ay sa expedition nila tapos sila Tita ganun na rin. Dapat kasi mauuna sila kasi sila naman ang mismong guest ng party.
"Ang gwapo naman ng Kuya ko" sabay yakap ko sa kanya.
"And you're so beautiful, My Princess"
Napalingon kami nang may tumikhim sa gilid namin.
"Picture po" sabi ng photographer dito sa bahay. Kinuha siguro nila Mama.
"1... 2... smile" and he clicked. "hayan ang ganda at ang gwapo" aniya.
Nang matapos na lahat ay tumungo na kami sa company tumawag na kasi si Mama na nanduon na raw sila.
"Good evening, Sir... Ma'am" bati sa amin ng mga empleyado.
"Good evening" bati naman namin pabalik.
Nagtungo na kami sa unahan dahil duon ang aming table. Malawak naman ang kompanya para dito sa party at ang dami ngang tao dito ngayon.
"The party will start in 5 minutes" anunsyo ni Papa. "Ready gentlemen?" nakangiting tanong ni Papa kila Kuya.
I smell something that is exciting.
Nang ma-settled na lahat at nandito na lahat ng bisita ay sinumulan na.
"Good evening ladies and gentlemen, welcome to the party of Argos Family" panimula ng emcee. "May I call on Mr. Khalvin , Mr. Khelve and Mr. Khin Argos!" at nagpalakpakan kaming lahat.
"Good evening everyone, thank you for coming here tonight" Tito Khelve.
"We just having a two big announcement for tonight's party" Tito Khin.
"It will be later on so just enjoy the party" Papa.
Pabitin naman sila, pero I think napakabongga ng announcement na ito.
May pa raffle pala ngayon kaya nagpunta na kaming lahat sa stage, kaming family. Bawat department ay kasali at kaming magpi-pinsan ang bubunot. Bongga naman ang pa raffle nila Papa, house and lot, brand new car tapos trip to Hong Kong for two. Ang kasali lang sa house and lot ay ang mga taga maintenance department including guards ng kompanya, sa brand new car naman ay para sa HR and Finance Department tapos sa trip to Hong Kong naman ay kasali lahat ng narito sa party kaya pala may form slip kaninang pinapa-fill up.
BINABASA MO ANG
I Love Him, It Hurts
Storie d'amoreFate of Love Series #1 Venissa and Spade loves each other so much that they keep their relationship a happy one and a perfect one, not until Spade had a big problem to fix for his family. Will they still continue the love that they have even if it h...