Chapter 6

77 6 0
                                        

Papasok na ako sa hotel na pagdadausan ni Spade ng kanyang party. Pinayagan naman ako ni Kuya na pumunta dito siya na rin daw ang bahala sa akin kapag tumawag sila Mama at Papa sa kanya mamaya.

"Good evening, Miss?"

"Venissa Lauren Argos" sabi ko sa receptionist.

Inabot niya sa akin ang isang stem ng red rose. "Ah Miss, kailangan n'yo po itong dalhin da loob para po sa inyo 'yan" aniya.

"Okay. Thank you"

Madami na ring tao dito sa loob ng function hall. Classy pa rin ang theme pero hindi naman sobrang classy kagaya nuong nakaraan nilang party.

I'm wearing a black maxi dress and black stilettos. Hindi ko naman nakikita ang presensya ni Spade dito sa party niya, siguro nandito rin ang nga kapatid niya?

"Miss? You want drinks?" alok sa akin ng waiter.

"Yes please" sabay kuha ko ng red wine.

"Dahil d'yan miss meroon ka nito" sabay bigay sa akin ng isa pa ulit stem ng red rose.

"Ahh thank you" sabi ko na lang.

Whats with this red roses? Lumingon ako sa paligid at mas tinignan pansin ko ang mga babae na nandito rin. Wala naman silang rose na hawak pero bakit ako meron? Hindi naman sa ayaw, but who gave this? Part ba ito ng party?

May lumapit naman sa akin na isa pang staff dito, "Miss you have your own table" aniya. "This way po" sabay hawak sa siko ko at inihatid niya ako duon sa sinasabi niyang table. "The rose is for you. Excuse me" sabay lakad nito paalis nang makarating kami sa table.

Tatlo na ang red roses ko. Part ba talaga 'to ng party? Dapat kay Spade nila ito ibigay kasi siyang iyong successful dito and this party is for him not for me.

Natahimik na 'yong mga tao nang magdim na ang ilaw dito sa hall. Magsisimula na yata.

Spade is on the mini stage and he's speaking,

"Thank you all so much for coming here tonight. I'll send all my deepest gratitude to each and everyone of you and of course to my special someone, I'll see you later. Enjoy this party lovely people. Thank you" he gladly said.

Nagbulungan rin 'yong ibang mga kababaihan dito. Special someone huh? May pa I'll see you later pa siya? Siguro iyon 'yong babaeng kasama niya nuong nakita ko sila? Ay ewan ko!

"What's with that face huh?" napatingin ako sa tagiliran ko. Here he is.

"A beautiful face, I guess?" wala sa mood kong sabi.

"Yeah it's right" sabay ngisi at lumapit pa sa akin.

"This party will end in an hour, so can you stay with me until it ends?" seryoso niyang tanong.

"I don't know, baka kasi mas kailangan ka ng special someone mo and you mentioned earlier na you want to see her" sagot ko. Tama naman ako 'di ba?

"Yeah I'm with her if she say yes" aniya.

I rolled my eyes saka ako umupo. Nakita ko na naman itong mga red roses. Saan ba kasi galing ito? I look at Spade at nakatingin din siya sa mga ito.

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon