Chapter 36

61 1 0
                                    

"Tara sa party ni Phavian mamaya" pag-aya sa akin ni Ate Jennel.

"Anong meron" tanong ko.

"Birthday niya" sagot naman niya.

"Talaga? Nakalimutan ko na" ngayon lang naman ako naimbitahan sa birthday n'on.

Sa halos buong linggo puro trabaho lang kami ni Ate Jennel, walang ibang inatupag syempre wala naman kaming jowa pareho.

Wala na akong boyfriend. Ayos ah parang kailan lang sayang saya pa ako tapos ngayon wala na.

"Ano pupunta ba?" tumango na lang ako and i'm sure nanduon din sila Kuya mamaya.

Mukhang walang uuwing hindi lasing sa party ni Phavian mamaya lalo pa at sa night club iyon.

Nag-ayos na ako ng susuotin ko para sa party mamaya, high waist shorts at fitted sleeveless then denim jacket at pumps. Naglagay lang din ako ng light make up, hindi na ako nag blush on dahil kapag uminom mamaya i'm sure mamumula ako.

Pinapayagan na kaming uminom ni Ate Jennel syempre kapag kasama lang daw sila at hindi pwede kapag hindi.

Fortuner ang sinakyan namin papunta sa party kasi magkakasabay na kami at para mas safe raw. Si Kuya Jayl ang nagd-drive at siguro siya rin pauwi kasi sa pagkakaalam ko high tolerance siya.

"Bawal malasing" paalala nila sa amin ni Ate Jennel nang makababa kami ng sasakyan.

"Yes sir!" sabay naming sabi.

Pagpasok namin sa loob ay ang ingay na ng dance floor, hindi naman kami na late napaaga lang siguro 'yon iba.

"What's up, bro? Happy birthday" bati ni Kuya Veinss kay Phavian.

"Happy birthday, bro" bati naman ni Kuya Jayl.

"Yow! Happy birthday" bati ni Kuya Jais.

"Happy birthday!" bati ni Kuya Khyil.

"Happy birthday, Phavian" bati ko naman at yumakap din kagaya nila Kuya kanina.

"Happy birthday" bati rin ni Ate sa kanya at yumakap din.

Nakapa friendly naman nitong si Phavian ang dami kasing tao rito ngayon at naka rent pa sa kanya ang buong club for tonight.

Nagdala naman ng drinks ang waiter sa table namin. Ang dami ng nagsasayaw ss dancefloor kalimitan babae siguro lasing na ang mga iyon or tipsy na.

I wonder kung may make out sesh na rito mamaya. Ew what am i thinking, should mind my own business. Saka pake ko naman, 'di ako bitter.

Nagsalin na ng bacardi si Kuya Jayl sa mga baso namin at sa kanya rin, ang kaunti lang ng nilagay niya sa baso namin ni Ate Jennel pero okay lang baka hindi masarap ito. Nalaman ko lang bacardi kasi nakalabel duon sa bote.

"Cheers!" sigaw ni Kuya Khyil para magkarinigan kami ang ingay na kasi lalo pa at lumalalim ang gabi at lumalakas ang sounds.

"Cheers!" sabay sabay naming nilagok ang alak at gumihit sa lalamunan.

Nakita ko naman si Phavia na paikot ikot at nilalagyan ng alak ang baso ng kung sinong madaanan niya. Grabe ang lakas nilang uminom!

'Yon isa nakanganga lang habang nilalagok ang alak na binubuhos duon ni Phavian. Grabe ang lakas!

Sumalin lang ng sumalin si Kuya Jayl sa baso namin at maya maga pa ay narito na si Phavian at random na naman siyang naglalagay ng alak sa baso o kaya naman ay pinapalaklak iyon, buti di lapat sa labi kung 'di parang lips to lips na duon sa bote.

"Try this, Jais" kay Kuya Jais siya lumapit at nilagyan ang baso, hindi ko alam kung anong alak iyon.

"Damn heavy" nakapkkit na sabi ni Kuya Jais, pinatikim na rin ito ni Phavian kila Kuya maliban sa amin ni Ate and i don't want to try too.

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon