Nakailang ring na siguro itong cellphone ko at hindi pa rin sumasagot sa tawag si Spade. Busy siguro sa meeting?
Tinigilan ko na nang manawa ako sa hindi niya pagsagot sa tawag ko. Wala rin naman akong sasabihin sa kanya kaya mas mabuting mamaya ko na lang siguro siya guluhin o bulabugin sa ginagawa niya.
Nang magring ang cellphone ko, akala ko ay si Spade na iyon, 'yon pala si Ate Jennel. Ngayon lang ulit siya nakatawag sa akin at ngayon lang ulit kami magkakausap.
"Hello Ate" masayang sagot ko sa tawag niya.
"Hey. Samahan mo ako?" tanong niya.
"Okay. Saan ba?" tanong ko rin.
"Sa mall lang, may bibilhin lang ako. Susunduin kita d'yan sa bahay n'yo" sagot niya.
"Okay. I will wait" sabi ko at nagpaalam kami sa isa't isa bago pinatay ang tawag.
Hapon na rin naman at naligo muli ako at nagbihis ng pang-alis. Hihintayin ko na lang si Ate Jennel. Nagsabi naman siya na susunduin niya kaagad ako.
"I missed you" bungad niya nang masundo niya ako.
"Missed you too" sabi ko rin at niyakap siya bago kami sumakay sa sasakyan niya.
I bet wala rin sa kanila sila Kuya at sila Tito at Tita, dahil katulad nila Papa ay nasa kompanya rin sila dahil malapit na malapit na raw ang pagtake over nila Kuya. Mas excited pa yata kami ni Ate Jennel kaysa sa kanilang apat.
Nang makarating kami sa mall ay pumasok kami kaagad sa supermarket. Himala yata at first time kong makita na si Ate Jennel ay pumasok sa supermarket.
"Alam kong nagtataka ka sa pagpasok ko rito" aniya habang kumukuha ng push cart.
"Bakit nga ba?" tanong ko at napataas pa ang kilay ko. Dati sa botique kami pumapasok ngayon sa supermarket na.
"I have my own condo" masayang sagot niya kaya napanganga ako.
"Really! Wow! Si Kuya Jayl ang nagbigay?" paninigurado ko.
"Yeah. Masyado ko siya napilit" sabay tawa niya.
Matagal na niyang gustong magkaroon ng sarili niyang condo pero ayaw siyang bilhan nila Tito at Tita dahil ang maaaring magbigay nito sa kanya ay si Kuya Jayl or Kuya Jais. Kaso ayaw rin nuong dalawang ibili si Ate Jennel dahil sa ayaw nila, pero ngayon, mukhang napilit nga ng husto ni Ate Jennel si Kuya Jayl kaya heto at namimili na siyang ng pagkain para sa sariling condo niya.
Namili siya ng mga vegetables, marunong naman siguro magluto ang isang 'to, hindi ko pa kasi natitikman ang mga luto niya kaya hindi ko alam. Kung ano ano pa ang binibili niya at ako naman ay nakasunod lang sa kanya.
Matapos niyon ay pumunta kami sa isang restaurant dito sa mall, medyo malayo pa kasi ang Sixth of A dito at gutom na raw siya kaya dito na lang kami kakain.
"Kamusta naman kayo ni Spade?" tanong niya habang naghihintay kami ng order.
"Eh kamusta ka naman?" balik kong tanong. Changing topic eh, Venissa Lauren?
Ngumisi siya. "May LQ ba kayo?" tanong pa niya.
"Wala. So kamusta ka?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
I Love Him, It Hurts
RomanceFate of Love Series #1 Venissa and Spade loves each other so much that they keep their relationship a happy one and a perfect one, not until Spade had a big problem to fix for his family. Will they still continue the love that they have even if it h...