Chapter 45

52 1 0
                                        

May naririnig akong usapan sa paligid ko kaya pinilit kong mumulat bumungad sa akin ay nakakasilaw na kulay puti.

"Veniss" inaninag ko muna at inayos ang aking pagmulat bago ako lumingon kay Mama.

"Oh my Venissa" maluha luha niya ako niyakap ng maluwag at hinalikan sa noo.

Nagsilapitan sa amin ang mga kasama niya, oh mga pinsan ko pala ang narito at lahat pala sila ay narito!

"Venissa" anila.

"May masakit ba, Anak?" tanong ni Mama after niya akong yakapin.

"W-wala po" nahihirapan pa ako magsalita ilang oras kaya akong tulog?

"Are you sure?" paninigurado pa niya tumango lang ako ng kaunti, ayaw ko naman sabihin sa kanila na masakit ang sikmura ko kasi baka mas lalo silang mag-alala sa akin.

Nilibot ko ang paningin ko at wala pa pala si Spade dito. I smiled at them mukhang kasing sobrang nag-aalala sila sa akin, even me nag-alala rin ako para sa sarili ko.

I can clearly remember what happened a while ago? Kagabi or nuong isang gabi? Hindi ko alam kung kailan pero parang kanina lang nangyari masakit pa ang braso at sikmura ko.

"I-i'm fine" nakangiti ko pang sabi.

"Are you hungry?" tanong naman ni Papa.

Umiling ako ng kaunti, hindi ako nakakaramdam ng gutom pakiramdam ko ay maiisuka ko iyon sa sakit ng sikmura ko.

"H-hindi po" sagot ko.

"Pero wala ka pang kinakain simula kagabi" sabi ni Mama.

"Anong o-oras po ba?"

She glanced at her wrist watch. "4 pm" oh isang gabi lang naman pala akong tulog means kagabi lang talaga nangyari iyon?

"I'm fine" i smiled.

Hindi naman sila umiimik si Mama at Papa lang pero alam kong nag-aalala talaga sila sa akin halos pare-pareho siguro sila ng nararamdaman para sa akin.

Maya maya pa ay nagbukas ang pinto at pumasok ang dalawang investigator? iba kasi unifrom nila sa pulis.

"Ma'am, Sir, magandang hapon po" bati nila. "Pwede na po ba makausap ang pasyente?" tanong ng isa sa kanila.

"Anak? Can you?" tanong ni Papa at tumango naman ako, i know we need this para mahuli man kung sino iyon.

"Miss Venissa" pagbasa nito sa papel. "Pwede po ba namin malaman kung anong pong nangyari sa inyo kagabi?" tanong niya nang makalapit sa akin, naupo naman sila sa gilid at nakikinig lang.

"S-sige po" tumikhim muna ako bago nagkwento sa kanila simula sa pag-alis ni Manang ang kinwento ko hanggang sa mabugbog na ako niyong babae na iyon wala akong kinaligtaan kasi naaalala ko naman lahat maliban kung paano nga ba siya nakaalis o kung sino ba iyong dumating nakatulog na yata ako sa sakit nuong mga oras na iyon.

"May nakaaway po ba kayo o nakaalitan?" tanong pa niya habang ang kasama naman niya ang nagsusulat.

"Wala naman po at wala rin po akong kakilala na makakagawa nuon sa akin kasi wala naman po akong mga kaibigan o kakilala na ibang tao" maging ako ay naguguluhan at maraming tanong sa nangyaring iyon.

Nalaman niya ang bahay namin, sinakto niya na wala akong kasama at sinabi niya na...

"Basta ang sinabi niya po sa akin ay iginaganti niya ang kaibigan niya sa akin kasi galit na galit daw po iyon sa akin" inaalala ko ang mga sinabi niya sa akin.

"So Miss Venissa maaari pong nagpagutusan ang gumawa sa inyo niyan at hindi mismong siya ang may problema sa iyo" aniya at napabuntong hininga.

Nang matanong niya lahat at sinabi ko lahat ay nagpaalam na sila lumabas sila at kinausap nila Mama at Papa.

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon