Hindi muna ako umuwi hanggang hindi pa dumadating sila Tita, hindi naman na rin gaanong mataas ang lagnat ni Spade pero mainit pa rin siya.
"Are you sure hihintayin mo sila?" tanong niya sa akin, nasa dining na kami ngayon at nagpaluto lang siya ng soup kay Manang Lott.
Tumango naman ako. "Yes, saka maaga pa naman at dala ko naman ang sasakyan ko"
"Kaya nga dapat hindi ka magpagabi kasi mahirap sa daan" aniya ngumiti lang ako sa kanya.
Inihain na ni Manang ang soup na pinaluto niya, wala siyang balak kumain ng kanin buti na lang at masustansya 'yong soup na niluto ni Manang mah malunggay pa nga hindi ko lang alam 'yong tawag.
"You want?" alok niya, umiling naman ako.
"For you lang 'yan saka baka hindi ako makakain ng dinner" sagot ko.
Magkatabi lang kami dito at siya lang ang kumakain kailangan na rin niyang uminom ng gamot pagkatapos kumain para gumaling na rin kaagad siya.
Hinintay ko lang siyang matapos kumain at saka ako na ang nagpainom sa kanya ng gamot tinuro lang sa akin ni Manang Lott ang lagayan niyon buti na lang mabait siya kasi baka sabihin niya nangingialam ako.
"Here, drink this" inabot ko sa kanya ang gamot at saka isang basong tubig.
"Thank you" aniya bago ininom ang gamot.
Pagkatapos niyon ay bumalik kami sa kuwarto niya para makapagpahinga ulit siya, binuksan niya ang ilaw sa buong kuwarto niya at kinuha niya ang iPad niya na nasa drawer ng side table niya at naupo sa kama tumabi naman ako sa kanya.
"Alam mo sasakit lalo 'yang ulo mo kapag nakatutok ka d'yan sa screen" sabi ko sa kanya, nilingon naman niya ako.
"I need to finish this work para wala na akong gagawin tomorrow" aniya at in-open na ang application para sa powerpoint.
Umirap na lang ako. "Fine pero bilisan mo para makapagpahinga ka na ng maayos" hindi ko na rin naman siya mapipigilan kung gusto niya talagang tapusin iyon saka para complete rest naman siya bukas kung matapos iyon ngayon.
Tumayo ako at kinuha ang libro na binabasa ko kanina.
"Makikibasa ako nito ha" sabi ko at tumabi ulit sa kanya pareho na kaming busy ngayon.
Mas nauna pa yata siyang matapos sa ginagawa niya sa iPad niya, ako naman ay patuloy lang na nagbabasa maya maya pa ay nilapag na niya ang iPad sa side table niya at sumiksik sa akin naka-upo pa rin ako at nakasandal sa headboard ng kama niya, niyakap niya ang kaliwang braso niya sa may bewang ko at nakasiksik talaga siya sa akin.
"Pahinga ka na kasi ng maayos" hinahaplos ko naman ang buhok niya habang nagkatutok pa rin ang mata ko sa libro.
"I will" aniya.
"Sleep ka na ulit, i'm just here" patuloy lang ako sa paghaplos sa buhok niya hanggang sa pakiramdam mo ay nakatulog na siya.
I will never get tired of taking care of him and i will always love to take care of him even when he's sick or not.
I never imagine my life today without him, siguro kagaya lang n'ong dati na nasa bahay lang ako or si Ate Jennel lang ang kasama ko o kaya naman schedule to go shopping by myself or treat myself alone parang kung babalikan ko ang mga araw na iyon ay parang malungkot na iyon ngayon para sa akin kahit na iyon ang pinakamasaya sa akin dati.
Maraming nadagdag sakin nuong nakilala ko si Spade lalo pa nang naging kami, nadagdagan ang happiness ko, ang mga ginagawa ko sa araw araw, at nadagdag sa akin ang isang malaking part na kaya ko pa lang maging in a relationship kasi akala ko dati hindi na ako magkaka-boyfriend kasi lagi lang akong nasa bahay tapos wala naman akong ibang friends at wala naman akong kakilalang ibang tao, pero nuong dumating si Spade, siya pala 'yong pupuno sa akin na sigurado na ako sa mga ginagawa ko sa buhay... na kuntento na ako basta nand'yan siya kasama ko.
BINABASA MO ANG
I Love Him, It Hurts
RomanceFate of Love Series #1 Venissa and Spade loves each other so much that they keep their relationship a happy one and a perfect one, not until Spade had a big problem to fix for his family. Will they still continue the love that they have even if it h...