Chapter 42

65 2 0
                                        

"The wedding is off. That's it, I'm gonna court you again and if I going to be engaged again I will make sure that you are my fiancee"

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niyang iyon para bang sure na sure siya sa sinasabi niya.

"H-Hindi ko maintindihan" sabi ko sa kanya.

"Didn't I promised you that I will do everything just for you to trust and love me again?" hinawakan niya ang kamay kong nakapatanong sa lamesa. "I want to court you again... I want you back" aniya. I saw sincerity in his eyes.

"G-give me time to think" hindi man lang maabsord ng utak ko ang mga sinasabi niya.

Paano kung siya lang ang nagsasabing wala nang matutuloy na kasal pero meron pa pala? Ang Mom niya, 'di ba iyon ang push na push kay Shanna para sa kanya? Isipin pa lamang iyon ay alam kong hindi papayag ang Mom niya na iatras ang kasalan lalo pa at halos alam na ng buong Pilipinas na ikakasal sila?!

"Hindi ko alam ang sasabihin ko" gusto ko kasi mas malinaw na eksplenasyon sa akin kasi parang sasabog ang utak ko sa paisa isa niyang sinasabi.

"I understand" aniya.

Natahimik ang pagitan namin, ako napapaisip at siya naman ay nakatingin lamang sa akin na para bang hinihintay niya akong magtanong o magsalita.

"Can we go somewhere else? We both need to breathe some fresh air" pag-aya ko sa kanya.

"Sure let's go" aniya at tumayo na.

Hinayaan ko na lamang siya kung saan ba kami pupunta, siya naman iyong tao na parang sobrang gala sa buhay halos ang dami niyang alam na lugar. Sakto rin namang pahapon na ganoon yata kami katagal sa hotel nila.

Nakarating kami sa isang lugar medyo mataas na building ito pumasok kami sa loob at restaurant iyon.

"Kakain ulit tayo?" naguguluhan kong tanong, ngumiti naman siya.

"Nope. You'll see" hinawakan niya ang kamay ko bago pumasok sa elevator hinayaan ko na lamang.

Bumungad naman sa amin ngayon ang isa bar kakaunti pa ang tao kasi hapon pa lamang.

"Mag-iinom tayo?" tanong ko naman.

"Hindi rin"

"Anong lugar ba ito?" natawa naman siya sa tanong ko nagpalingon lingon na lamang ako tas papasok na naman kami sa elevator.

Ngayon naman ay bumungad sa amin ang cafe maaliawalas ito at maganda ang ambiance.

"Ahh dito tayo" sabi ko naman.

"Yes. What do you want?" tanaong niya nang nasa tapat kami ng counter.

"Melon shake" sabi ko nang mahagip ng mata ko iyon.

Um-order naman siya ng dalawa niyon tig-isa kami tapos ay tumungo kami sa may glass door at pagbukas niyon ay may veranda ang astig naman ng building na ito restaurant sa ground floor, bar sa second floor tapos cafe ang third floor ano kaya sa fourth? Hotel?

"Like the view?" tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya at tumingin ulit sa harapan kitang kita rito ang mga building at ang sikat naman ng araw ay kakaunti lamang parang hinarap talaga ito sa hindi gaanong masisinagan maganda ang view at malamig naman ang simoy ng hangin.

"Ang ganda lalo siguro kapag gabi"

"Ma'am, Sir, 2 melon shake?" tanong nang crew na lumapit sa amin.

"Yes thanks" si Spade ang kumuha niyon at naupo na kami sa vacant seat for two at isang table nasa veranda kami nitong cafe kitang kita kung gaano kaaliwalas ang langit.

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon