Chapter 7

69 6 0
                                    

"Pakipot ka rin pala eh, pero mas okay na 'yon" komento ni Ate Jennel.

Kinwento ko sa kanya ang mga nangyari kagabi. She deserves to know naman in the first place. Siya pa lang din ang nakakaalam ng nangyari kagabi.

"Kailan mo balak ipakilala sa kanila si Spade?" tanong niya.

Nagkibit balikat ako, "Some other time na lang at mas gusto ko sana na mas mauna akong ipakilala ni Spade sa family niya bago ko siya ipakilala dito"

"Okay din naman iyon"

Gusto ko 'yon eh na ako 'yong unang ipapakilala sa mga family niya or even sa mga friends niya then siya naman ang ipapakilala ko.

I've never met Mr & Mrs Quangco even sa mga party ng family ko sa business. Napunta sila but never ko silang nakita or nakusap man lang. May kaba rin naman akong nararamdaman kung sakaling makilala ko sila.

"Where have you been guys last night?" tanong ko kila Kuya nang makapunta ako sa living room.

"Club" seryosong sagot ni Kuya Jais.

"Oh anyari d'yan?" napatingin naman kami kay Ate Jennel na pababa pa lang mula sa hagdan. "Mukhang napagsakluban ng langit at lupa?" aniya pa.

Sinamaan siya ni Kuya Khyil ng tingin, "Shut up, Jen"

"Bakit ba kasi ganyan hitsura n'yo?" tanong ko.

"Wala naman" sagot ni Kuya Jayl.

Hindi na lang kami umimik ni Ate Jennel. Dumiretso na lang kami sa garden at may dala kaming pagkain. Hapon na kasi ngayon at nakaramdam kami ng gutom, ayaw naman naming umalis ng bahay dahil mukhang pagod kaming anim.

"Someone's calling" napatingin ako kay Ate Jennel. "Your phone" kaya binaling ko ang tingin ko sa cellphone ko.

"Hello?"

"Miss me?" halos manlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses niya.

"Spade?" paninigurado ko.

"Yes, Xīn, How are you? Do you miss me?" magkasunod nitong tanong.

Xīn?

"I'm fine," lumingon muna ako sa paligid ko wala pala si Ate Jennel dito pumasok na siguro. "You're the one who's missing me" I confidently answered.

"I really do, Xīn" anito. "Can you come with me tonight?" tanong niya. Xīn?

"What time?"

"By 8:00?"

"Uhm... I can't answer it Spade, mukhang may problema kasi sila Kuya eh"

"Okay just call me if you need something and if you wanna come with me. I love you. Take care"

"I will for you," lumingon lingon muli ako dahil baka may makarinig sa sasabihin ko buti na lang at wala. "I love you" medyo mahina ko pa ring sabi.

"End the call now"

Pagkapatay ko ng tawag ay dumating naman si Ate Jennel na nakangisi. Did she heard us?

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon