Chapter 31

44 1 0
                                    

"Happy birthday!"

sabay sabay na bati sa akin nila Mama nang makababa ako ng tuluyan sa hagdan.

"Ang aga naman" natatawang sabi ko.

Nilapitan ko sila isa isa at niyakap. "Thank you"

Tanghali pa lang ay umuwi na sila para sabay sabay kaming kumain ng tanghalian, para naman daw kasabay ko silang kumain.

Mamaya pa namang hapon ang party, dinner time iyon at may pa inuman session pa mamaya.

"Mamaya na ang gifts sa time ng party" sabi ni Mama.

Midnight pa lamang ay tumawag na sa akin si Spade, he greeted me through facetime. Makakapunta naman daw sila mamaya except kay Tita Tariya.

My family knows about that, i told them actually and they said that it was fine, gan'on naman daw kasi kapag simula.

Sabay sabay kaming kumain kahit si Manang Letty ay kasabay na rin namin maliban sa driver namin na umuwi daw muna kasi may emergency yata.

Nang matapos kaming kumain ay umalis ulit sila, naiwan kami ni Manang, magde-design na kami ng garden for the party.

"Ito na po iyon lahat. Lobo lang naman po saka itong 'happy birthday' na post cards" sabi ko sa kanya.

Buti na lamang at dalawa ang pambomba ng hangin kaya tig-isa kami ni Manang para sa lobo.

Nasa one hundred pieces iyon kaya tig-fifty kami ng hahanginan. Nilabas ko na rin ang christmas lights para isasabit na lang iyon mamaya.

Ang ibang lobo ay napunta na sa swimming pool dahil mahangin sa labas. Nang matapos iyon ay dinikit ko naman sa pader ng bahay ang happy birthday na cards na may christmas lights para maliwanag iyon mamaya.

Maliwanag naman sa garden saka pwede buksan ang ilaw sa pool mamaya lalo pa kung gagamitin yata iyon. Nakakalat na ang mga balloons at hinayaan na namin iyon ni Manang. Si Ate Jennel na lang ang bahala sa design mamaya for picture taking.

"Thank you po, Manang" masayang sabi ko sa kanya.

"Nako ikaw pa. Sige na maghahanda na ako para sa lulutuin mamaya" aniya naman at nagpunta na sa kusina.

Madami pa namang oras para mag-ayos kaya nag-check muna ako ng mails. As usual naman kapag birthday ko or namin puro mga business partners lang iyon at iba't ibang company na related sa amin ang bumabati.

Nang pumatak sa ala-cinco ang orasan ay nag-ayos na ako. I bath for half an our yata feel na feel ko pa ang tubig sa tub. I do my skin care routine. Feeling ko ito ang pinakamatagal kong pag-aayos nitong mga nakaraan. Nagmake-up ako ng light pero halata iyon. Nag-suot ako ng bago kong biniling robe cottoned dress na kulay light pink at nag-pumps ako ng white. Kinulot ko rin ang dulo ng buhok ko at pinuyod iyon ng mahaba, nag-iwan pa ako ng ilang hibla sa unahan para medyo magmukhang messy.

Nag-spray ako ng perfume bago lumabas ng kwarto. Ang tahimik sa baba at tunog lang ng heels ko ang naririnig ko.

"Manang?" tawag ko para malaman kung nagluluto na ba siya.

Nang di naman siya sumagot ay tinungo ko ang garden laking gulat ko nang nakita ko silang lahat!

"Happy birthday, Venissa!" sabay sabay nilang bati.

From Tito Khelve to Tito Khin and Tito Spead family! Nandito na sila nang di ko namalayan! Gan'on nga yata siguro katagal ang pag-aayos ko.

Niyakap nila ako isa isa at nagbati pa rin. Kinuha ko ang supot sa tagiliran para ibigay ang hairband at bandana sa kanila. It's part of the party! Sinuot ko na rin ang akin.

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon