Malalakas na cheer ang maririnig sa loob ng gym ng isang university. Naglalaban sa larong volleyball ang Business Management at Education department. Kapwa magagaling, lahat ay malalakas ang palo. Isa na dito ang star player ng Business Management na si Dyana Kim Olivar.
Nasa unang taon palang siya sa kolehiyo. Anak siya ng isa sa pinakamayamang pamilya sa eskwelahang iyon. Half Filipino at half Spanish ang daddy nya. One-fourth Korean at three-fourth Filipino ang mommy nya. Kapwa nanggaling sa kilalang pamilya ang kaniyang mga magulang. Namana nya ang magandang mukha sa pagkaSpanish ng dad nya samantalang ang kutis nya ay hindi maipagkakailang sa Korean mom nya nakuha.
Hindi lang sya isang star player ng volleyball. Sya din ang pinakamaganda sa University na yun. Kaya binansagan syang Campus Star. Lahat na yata ng pageant sa University ay sinalihan nya na at sya ang palaging nagwawagi na labis namang kinaiinggitan ng ibang mga babae.
Siya na ang nasa service area, isang score nalang at panalo na sila. Inihagis nya ang bola pataas sabay tumalon at pinalo papunta sa mga kalaban. Sapul! hindi nasalo ng kalaban ang bola. Score sila, nagsigawan ang mga taong nanunuod . Champion ang team niya, pero agad ding natahimik ang lahat sapagkat nakaupong namimilipit sa sakit si Dyana na hawak-hawak ang kanyang kanang tuhod.
Agad siyang dinaluhan ng mga kasama at agad isinugod sa klinika ng unibersidad. Pinaupo sya ng doktor sa examination bed upang masuri, kahit masakit ay tiniis nalang nya upang sundin ang doktor. Maya-maya pa ay isang lalaki ang nagmamadaling lumapit sa kanya.
"Hon! Anong nangyari sayo? Are you ok?" sabay hawak sa mga kamay nya. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Hon, ok lang ako really!, nadulas lang ako kanina." Pinipilit nyang wag mapangiwi habang sinusuri sya ng doktor upang wag nang mag-alala ang kasintahan.
"Sigurado ka ba? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Tanong nito na hindi malaman ang gagawin.
"Hon, I said I'm fine, nakakahiya kay doctor oh!" Tumingin siya sa doctor na katatapos lang syang suriin at nagsusulat nalang sa papel ng medical report.
"Teka hindi ba may laro kapa ng soccer? Championship nyo ngayon bakit andito ka?" Tanong naman nya dito."My God Hon!," Parang nainis ito kaya napaatras ng kaunti sabay bitiw sa kanyang mga kamay na kanina pa nito hawak.
"I rushed over here, when i heard what had happened to you and then you want me to continue the game with your condition? Do you think I'd be able to play that game thinking of you?" Naihilamos nito ang mga kamay sa mukha."Hon!, please calm down. I'm just worried with your team. I know ikaw lang inaasahan nila. I said I'm fine, don't worry about me. Just go back to the game and win it. Please Hon just for me!?..." naglalambing nyang tinig sabay nginitian nya and then she raised her right hand towards him.
Lumapit naman sa kanya ang lalaki at inilapit ang mukha sa nakataas nyang kamay. Napapikit ito sa ginawa ni Dyana. Bumuntong hininga muna ito bago muling nagsalita.
"Ok I'll go back to the game just for you,..." hinawakan nito ang kamay nyang nakahawak sa pisngi nito at ibinaba.
"Basta pagkatapos ng game I'll call you and then we'll talk".Pagkasabi niyon ay lumakad na ito palabas ng clinic.Siya si Alexandre Belizaire isang soccer player at nasa ikaapat na taon sa kursong Business Management. Kapareho ni Dyana ganun din ang reputasyon nito sa unibersidad at alta sosyedad. Pure French ang daddy at pure Filipina ang mommy nya.
"I think you need to see a specialist doctor. Sa tingin ko hindi lang bandage at cast ang makakagamot dyan. Perhaps another test would help kung ano na ang lagay ng mga tuhod mo. Sana maagapan mo dahil baka di kana makalakad pa." eksplinasyon ng doktor sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomanceNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...