Chapter 6

34.4K 565 10
                                    

Kasalukuyan kaming kumakain sa mansion ng mga Sebastian. I was silently eating when tita Ysa -Vincents mom- asked me about something.

"ahh hija what do you like about your wedding dress?"

"po? " wala akong ibang masabi dahil sa ngayon di pa rin nag si sink in sakin na ikakasal na talaga ako.

"tssss. Bingi!" bulong ng katabi ko. It was Vin. Nakayuko siya habang kumakain. Tiningnan ko lang siya at di na pinansin.

Narinig ko naman kaya. Wala lang talaga akong masabi. Nagsalita muli si tita.

" your wedding is in a month. Wala ka pa bang nagugustuhang design ng wedding dress? " tanong niya muli.


" ahh wala pa po akong naiisip na design tita. " sagot ko.

" ohhh. Ganun ba. Oh sige samahan kita bukas. I have a friend who owns a shop. She's a fashion designer too so if may gusto kang design eh ipagawa nalang natin. " may excitement sa boses niya. Napansin ata ni tito Renz asawa ni tita Ysa ang sobrang excitement ng asawa.


" hon bakit parang mas excited ka pa ata kaysa kay Scarlet? " may pang aasar niyang turan.

" you know naman hon na i wanted to have a daughter. Naiinggit nga ako kapag nakikita kong nag shoshopping ang mga friends ko together with their daughters. So now Scarlet is my soon-to-be daugther so sasamahan ko siya to shop tomorrow. Oh my god! This is a dream come true. " nagtawanan kaming lahat sa inasta ni tita. Kitang kita sa mga mata niya ang kasiyahang makasama ako so umoo na ako. Tutal wala naman akong gagawin bukas.


" Vin, son why don't you join us?" bumaling siya sa anak.


" ma i have things to do. Madaming trabaho sa opisina." pag tanggi niya.

" please son. Para naman maisama na natin ang pag pagawa ng suit mo. " pamimilit ni tita.

" but ma-" hindi na natapos ni vin ang sasabihin ng magsalita si tita.

" i told you no more buts. Sasama ka samin ni scarlet bukas sa ayaw at sa gusto mo. " bumuntong hininga naman ang kawawa.


Bumaling ako sa direksyon niya at pasimpleng bumulong. " Mama's boy. " kinindatan ko siya at nginitian.

Tiningnan niya lang ako ng masama at nagpaalam na magbabanyo lang.

Natapos ang dinner at napag usapan na Garden wedding ang kasal. Sa susunod na buwan na at sila ng bahala sa pag asikaso ng lahat. All we have to do is to appear at the wedding, say our vows at yun kasal na kami. Nag paalam muna akong mag babanyo. Na a out of place na kasi ako. Puro details ng wedding ang pinaguusapan nila. Mabuti sana kung nandito si Hanna at least may kausap ako. Nandito naman sana si Vin kaso parang nagalit yata sa sinabi ko kanina kaya di na bamalik sa loob.


Naglakad lakad ako after ko mag banyo. Masyadong malaki ang bahay ng mga magiging in-laws ko. Di maikakailang ubod sila ng yaman. Parang kalahati lang nang bahay nila ang bahay namin na kung tutuosin ay malaki na para sa amin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng mapansin kong may mini garden pala dito.

Oh i love fresh air. Nakaka relax pag masdan ang mga halaman. May garden din kami sa bahay at madalas akong magpahinga doon. Wala ng mas makapag rerelax pa sa ganda ng nature. Umupo ako sa isang swing katabi ng malaking puno. Ipinikit ko ang mga mata ko habang dinadama ang simoy ng hangin. Parang nawawala lahat ng tumatakbo sa isip ko until i heard a foot steps. Parang papalapit sa kinaroroonan ko. Pag mulat ko ng mata ay muntik na akong mapatalon sa gulat. Sobrang magkalapit na ang mga mukha namin.

✔️Arranged Marriage (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon