Scarlet Samantha
It's been 3 weeks. And it's Monday. Maaga akong pumasok sa office. Ngayon rin kasi yung final meeting namin ni Carlo. Hindi na rin naman nakipag talo si Vin about our lunch meeting. He trust me and i assured him that i can take care of myself and that Carlo is just a client and a friend to me. Actually, dapat last week ko pa ibibigay yung final na designs na approved niya na rin naman. I just made i little bit revision on the wall decorations. Habang kasi tumatagal mas nakikilala ko si Carlo so binagay ko sa personality niya yung resto niya. He's such a good man. Has a great sense of humor and i also found out that he's not into relationship for 3 years. I was actually shocked. Gwapo naman siya at matikas ang katawan pero pihikan pala siya sa pagpili nang girlfriend. And the most shocking revelation is that her last girlfriend is my sister. Yes!! Korek!! Johanna Simione Lucas. Shocking isn't it?!
I also didn't know na nagka boyfriend si Hanna. Sinabi pa ni Carlo na nag last yung relationship nila nang 2 taon but bigla na lang di nagparamdam ang kapatid ko. I'm trying to contact my sister but she's always busy. Di na rin naman ako nanghimasok pa. I know Hanna has a reason for everything and if they are really meant to be destiny na mismo ang gagawa nang paraan para magkita sila ulit. And Hanna is getting better. I bet she hid herself to Carlo because of her illness but i can't blame her. She may look strong but she's really weak. Siguro ayaw niyang kaawaan siya nang taong mahal niya. Tsk. Pagibig nga naman. I hope someday she realized na mali ang ginawa niyang pagtago pero it's her life alam niya rin naman ang ginagawa niya and I'm always on her side no matter what.
Nag inat ako. Di ko namalayan na 10:40 na pala. Masyado akong babad sa laptop ko to think na nakalimot na ako sa oras. My phone beeped. It's Vin. I red his text message.
" hi baby. I just wanted to tell you that i have a lunch meeting with a friend. I love you. See you later. " i smiled.
" okay. You don't really have to tell me everything you do babe. I love you too. "
" i know. But i want too. And besides its a girl whom i am meeting. "
" it's okay Vin. I trust you.. "
" thanks babe. See yah! "
" okay babe. Xoxo. "
Para ring timang itong si Vin. Natatawa na lang ako sa mga kinikilos niya lately. Halos lahat na lang nang ginagawa niya ay ipinapaalam niya sakin. Kahit nga mag CR ay sasabihin niya sakin. Kesyo daw kung tumawag ako at di siya sumagot. Or kung mag text ako na di siya makapag reply agad. Praning! Super!
Itiniklop ko na ang laptop ko. Sakto naman na pumasok si Judy.
" wow! Ang bongga nang awra natin ngayon madam ah. " puna niya
" nemen! Dapat iwas nega para palaging maganda! " sagot ko.
" eh di ikaw nang maganda! " pambabara niya sa good vibes ko. Sarap din batukan nang baklang to kung minsan!
" anyway, mamsh nasa labas na pala si fafa Carlo. "
" oh? Ba't di mo pinapasok? " giit ko.
" aii?! Pa easy to get naman ako kung papapasukin ko kaagad.! " kinagat niya pa ang labi niya! Baklang to! Kay landi! Pinanlakihan ko siya nang mata. Muntik ko na siyang batukan nang magsalita siyang muli. " to naman! Di na mabiro! Ayaw niyang pumasok mamsh. Labas ka na lang daw. "
" ganon ba? Sige. " Lumabas na rin agad si Judy. Inayos ko na lang yung laptop ko at kinuha ang pouch ko. Kinuha ko na ang print outs total it's the final design at ibibigay ko na sakanya ang copy nang gawa ko.
BINABASA MO ANG
✔️Arranged Marriage (COMPLETED)
RomanceVincent Louie Sebastian : a play boy hottie Scarlet Samantha Lucas : a drop dead gorgeous old fashioned girl .