Chapter 54

23.7K 579 22
                                    

Halos mag dilim ang paningin ko sa nagbabagang galit ko. Wala akong pakialam kung mamatay man siya sa pambu-bugbog ko, ang tanging nais ko lang ay manakit para ilabas ang nag-uumapoy na pagka-munghi ko sakanya.

Lumalaban siya kahit papano. Kahit hubo't hubad siya sa harapan ko. Patuloy lang kami sa pag-palitan ng suntok. Ininda kung anong relasyon mayr'on kami. Ni hindi ko na mapigilan ang sarili ko, ngunit agad 'din akong tumigil nang marinig ko ang halinghing na iyak ng asawa ko.

Napabaling ako sa dereksyon niya kaya nasuntok ako sa panga ng pinsan ko. Ngunit imbes na gantihan siya ay dinulugan ko ang asawa ko na patuloy pa rin sa mahinang pag-iyak habang yakap-yakap ang tuhod. Animong batang iniwan sa kalsada ng mga magulang ang kanyang hitsura. Walang damit pang-itaas at tanging panloob na pang-ibaba ang natira.

Kumurot sa dibdib ko ang sinapit niya, na parang ang panlulumo niya ay panlulumo ko rin. Sinisisi ang sarili dahil sa masamang sinapit niya. Kung mas lumalim pa ang ginawa ng hayop na pinsan ko ay ikamamatay ko na.

Agaran ang pagyakap ko ng makalapit ako sakanya. Hindi na ako nagtaka ng ikinabigla niya iyon. Marahil ay purong takot pa ang nararamdaman niya.

Nanginginig maging ang ulo niya. Napapikit ako at masamang tiningnan ang pinsan ko na kasalukuyan ng nakamasid sa asawa ko at parang ngayon lang napagtanto ang kagaguhang ginawa niya.

Inalo ko siya ng wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak ngunit mas ikina-hagulhol niya pa iyon. Naupo ako sa harapan niya, hinubad ang jacket na suot ko at ipinatong iyon sa balikat niya. Nanatili pa rin siyang nakayuko kaya hinawakan ko ang pisngi niya na sa una ay nagpumiglas pa siya pero kinalaunan ay hinayaan niya na lang ako. Iniangat ko ang paningin niya at tumitig ako sa mismong mga mata niya.

Patuloy sa pag-agos ang luha niya. Walang pakialam kung sino na ang kaharap niya. Parang nakikita niya ako pero hindi ma proseso ng utak niya kung sino ako. Puro takot at pangamba ang mababasa roon. Naglakas loob na akong mag salita.

" shhh.." pinunasan ko ng hinlalaki ko ang mga luha niya. " everything will be alright now, babe." pang-aalo ko sakanya. " look at me." sabi ko ng mag iwas siya ng tingin. " I'll never gonna leave your side ever again. I promise." nabasag ang boses ko ng wala man lang siyang maging reaksyon sa sinabi ko. Sana ay naintindihan niya ang sinabi ko.

Hindi ko na inantay pa na sumagot siya, sa halip ay kinalagan ko na lang siya at binuhat pagkatapos. Kailangan ko na siyang ialis rito bago pa siya tuluyang mawala sa sarili niya. Naglakad ako at nilampasan ang pinsan ko na ngayon ay maayos na ang itsura. Nakadamit na ng tama at parang nahimasmasan na sa ginawa.

" i d-didn't know what happened. " utal niyang paliwanag ngunit nagtuloy-tuloy lang ako papalabas.

" i really didn't know, bro. I was... " natigilan siya sa sasabihin at napahagulhol. " my mind went black. I didn't know what I've been doing. I'm sorry! "

Mapait akong tumawa. " fuck that lustful mind of yours! I don't wanna hear any of your explanations. Get your fucking face out of here before i fucking ruin that! " puno ng galit na sigaw ko sakanya.

" I'm really sorry. " paumanhin niya. Hinarap ko siya at masamang tinignan. Kitang kita sa mga mata niya ang panlulumo." love, love, please forgive me. I'm really sorry. I was out of mind. After i drunk that shot my sanity disappeared." naglumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ng asawa ko. Ang mga palad ay inihaplos niya sa kanyang pisngi.

I was raging in anger. Gusto ko siyang sipain pero dahil sa itsura niya ay nagpigil ako.

Wala siyang karapatang hawakan ang asawa ko at hindi ko kailangan ang anumang eksplenasyon niya. Naglakad muli ako patungo sa pintuan pero nanatili siyang nakahawak sa asawa ko. Sinipa ko siya sa may tuhod kaya natumba siya at mabilis na naglakad pababa ng bahay.

✔️Arranged Marriage (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon