Kay tagal kong inasam at pinanabikan ang halik na iyon. Yung halik na puro, may pagmamahal at respeto. Parang nawala lahat nang alalahanin ko. Kusang tumutugon ang kaluluwa ko. Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Nag iwan siya nang mumunting halik doon bago bumaba sa bukana nang dibdib ko. Oo. Aaminin kong nagustuhan ko iyon pero parang may mali. Pero ano?
Kahit naguguluhan ay hinayaan ko ang mga ginagawa niya. Sinimulan niyang tanggalin ang pagkaka butones nang suot kong blouse bago i unhook ang bra ko. Medyo nakaramdam ako nang hiya. Hiya dahil limang taon na mula noong huli naming gawin to. Ramdam ko rin ang panginginig niya na di ko alam kung dahil sa nananabik siya o dahil kinakabahan rin siya?
Nang sakupin nang kamay niya ay nanumbalik sa alaala ko yung nakaraan. Noong kami pa lang dalawa pero sobrang saya na. Noong mga oras na siya lang ang kasama ko pero kontento na ako. Noong mga oras na wala kaming ibang iniisip kundi sarili lang namin. Walang nakikialam walang problema. Pero kasabay nang mga alaalang iyon ay ang mga pangit na nangyari. Ang tibok nang puso ko na pinabilis nang pananabik ay biglang napalitan nang bilis nang pangamba.
Mali. Maling mali.
Napabalikwas ako nang bangon at tinakpan ang sarili ko nang kumot na siya namang ikina gulat niya.
" what's wrong babe? " mahihimigan ang pag aalala sa tono nnga boses niya. Nagiwas naman ako nang tingin. " is everything alright? " hinawakan niya ako sa balikat at pinaharap sakanya pero nanatili sa malayo ang tingin ko. Napa buntong hininga naman siya bago tumayo. " heto na naman tayo. Mag lalaro na naman ba tayo nang charades? " sarkastikong sabi niya. Nangunot naman ang noo ko.
" ha? " ang tanging sagot ko.
Ngumiti siya nang pilit. " huhulaan ko na naman ba kung anong tumatakbo diyan sa utak mo? Iiwasan mo na naman ako na hindi ko alam ang dahilan kung bakit? Tapos ikaw pa ang magagalit? " nagkamot siya nang sentido. Ramdam ko ang pagpipigil niya nang inis. Wala pa rin akong maisagot.
Bumuntong hininga uli siya bago nagsalita. " hindi ko na alam kung anong gagawin ko Scarlet? Ganon ba ako kasama sa paningin mo para pandirihan mo ako? " tumungin siya sakin nang matagal. Ramdam ko iyon kahit hindi ko siya harapin. " bakit di ka magsalita? Bakit di mo ipaliwanag ang sarili mo? Ako ba talaga ang may mali o ikaw?
" hindi mo naiintindihan. " tanging naisagot ko.
" kaya nga ipaintindi mo! " angil niya." hindi naman ako tanga para isiping wala tayong problema pero hindi rin ako ganon ka+talino para hulaan ang problema. Tao lang ako babe. Hindi ko nababasa ang utak mo. Hindi ko nararamdaman ang nararamdaman mo. Hindi ako ikaw babe na kayang baliwalain ang lahat. Kung kaya mong mabuhay nang wala ako pwes ako hindi ko kaya nang wala ka! Hindi ko kaya babe. " bumigay na siya sa huling mga sinabi. Natampal niya ang noo nang humikbi siya.
Sa ilang beses ko siyang nakitang umiyak ay ngayon lang mas nadurog ang puso ko. Pero parang kay kitid nang utak ko para tiisin ang sakit na pinapakita niya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang hagkan pero hindi ko rin kaya. Nangilid na rin ang luha ko pero pinigilan kong umiyak.
" magsalita ka naman Scarlet oh. Wag naman ganito babe. Wag namang ganto na para akong tanga na naghahanap nang sagot sa tanong na imposibleng sagutan. " naglumuhod siya sa harapan ko at niyakap ako sa beywang. " Sorry. Sorry kung may nagawa man akong mali noon. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung ano mang kasalanan yung nagawa ko. Sorry. Pero sana isipin mo rin na kailangan ko rin nang paliwanag. Ganon na ba ako ka walang kwenta para di mo bigyan nang second chance? " mahabang litanya niya. Tumitig ako sa mga mata niya at hinawakan siya sa kamay.
" hindi naman sa ganon. "
" so what is it then? Why do we have to be like this? " kunot noo niyang tanong. Natigil na rin ang pagtulo nang luha niya. " sabihin mo sakin ang problema. "
BINABASA MO ANG
✔️Arranged Marriage (COMPLETED)
RomanceVincent Louie Sebastian : a play boy hottie Scarlet Samantha Lucas : a drop dead gorgeous old fashioned girl .