Ang sarap sa pakiramdam magkaroon ng isang buong pamilya. Yung makikita mong masaya ang mga anak mo at kontento kayo nang asawa mo, ngunit hindi mawala ang agam-agam at pag-aalala sa sistema ko.
Lumipas ang isang linggo nang pananatili namin sa Bicol. Sa loob nang isang linggo hinayaan kong mag-sama at maging masaya ang mag-aama ko.
Naging magaan rin ang pakiramdam ko na nakalimutan ko nang maramdaman sa nakalipas na limang taon. Sana ay 'di na matapos to. Panalangin ko. Pilit kong isinasantabi ang lahat nang alalahanin ko at ipinaparamdam sa sarili ko na karapatan ko ring maging masaya. Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana nang isang gabi ay maka tanggap ako nang isang mensahe galing sa 'di naka rehistrong numero.
Dream on girl! Sa una lang laging masaya! Feel it until it's still there. The worse is yet to come!
Kahit pigilan ay nanginig ang kamay ko sa takot. Takot hindi para sa sarili bagkos ay sa mga taong mahal ko. At kahit hindi siya mag pakilala ay alam ko kung sino at kanino galing iyon. Pero bakit nga ba ako natatakot kung kaya ko rin namang lumaban? Hindi ako si Scarlet kung duwag ako. Wala sa bokabularyo ko dati ang salitang karuwagan. At nararapat lang ang pag-ganti kung sakanya rin naman gagawin.
Lumipas pa ang dalawang araw nang pananatili namin roon pero napuno na ako nang pag-iisip. Hindi ko rin ipinagsabi kay Vin ang mensahe na natanggap. Hindi sa wala akong tiwala ang nais ko lang ay namnamin niya ang ilang taong nawalay sa mga anak. Sa loob rin nang dalawang araw ay nakapag isip ako nang husay.
Lalaban na ako!
Hugot ang hiningang dinampot ko ang telepono sa suot kong shorts. Sa pagtipa pa lang nang numero ay nag-uumigting na ang galit ko. Galit na kinimkim at itinago ko nang mahabang panahon. Makalipasang ilang ring ay sinagot na ang tawag ko.
" napatawag ka? Anong maipag lilingkod ko sa mahal na reyna? " puno nang sarkasmo niyang litanya na sinundan nang nanguuyam ta tawa.
" what do you want? " pilit kong pinatunog matapang ang boses ko.
" you know what i want girl. "
" 'di ka pa rin ba nagsasawa sa mga pinag-gagagawa mo? "
Pero imbes na tumugon ay tumawa lang siya nang nakakaloko.
" I'm warning you. Stay away from my family. "
" oh? Family. Ang sarap pakinggan pero ang sarap ring sirain. Hahahaha. " may sa demonyo niyang tawa.
" you don't wanna mess with me. "
" let's see. Sino kayang magandang unahin? Yung lalakeng kamukha mo o yung babaeng bersyon nang asawa mo? Hahahaha... " umigting ang panga ko sa sinabi niya.".... Oh alam ko na. Unahin ko na ang asawa mo at isusunod kita para wala nang aberya pag mga anak mo na ang binalingan ko. Hahahaha. "
" baliw ka na talaga Sabrina! "
" i know. I know. Hahahaha. " malanding ani niya.
" I'm done with this nonsense bullshit! Stay away from them or you'll get what you deserve! Tapos na ang panahon nang pagtitimpi kong baliw ka! Punong puno na ako sayo Sabrina! "
" woooh! I'm so scared. " sarkastiko niyang sabi pero di ako nagpatinag.
" you should be 'coz you don't know me. " sagot ko na may kahalong sarkasmo ang pag ngisi. 'Di ko na rin inantay ang sagot niya at ibinaba ko na ang tawag. Humugot ako nang isang mahabang hininga bago ko napag desisyonang lumabas nang kwarto pero akma pa lang akong haharap nang mapalundag ako sa gulat ng presensya ni Vin.
BINABASA MO ANG
✔️Arranged Marriage (COMPLETED)
RomanceVincent Louie Sebastian : a play boy hottie Scarlet Samantha Lucas : a drop dead gorgeous old fashioned girl .