Chapter 56. The Finale P1

26.9K 457 39
                                    

Part 1

Nagising ako na nakahiga sa hospital bed. May benda ang katawan at ginamot na ang mga sugat. Kahit masakit ay pinilit kong tumayo. Kailangan kong makita ang mag-iina ko. Iyon ang unang pumasok sa isip ko nang magmulat ako.

Sapilitan kong tinanggal ang swero na nakaturok sa kamay ko. Kitang kita ko pa ang pagdurugo niyon at ang gulat na ekspresyon ng mukha ng mga magulang ko.

" Vincent! What do you think you're doing?!" naghihisterya at mangiyak-ngiyak na ani nang nanay ko. Napatayo siya sa ginawa ko at agad akong dinulugan.

" i need to see them, mom. I need to see my wife. My kids. Please, mom. " hirap akong tumayo pagkasabi ko noon.

" but... " iyon lang ang nasabi niya at humagolhol na siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nagdala iyon nang takot sa buong pagkatao ko.

Did something bad happen while I'm unconscious?

" you've been asleep and unconscious for 5 days, son. " naghalo ang lungkot at saya sa tinig ni daddy. Agad ko siyang hinarap. Kapapasok niya lang sa kwarto. " and your family.... " napaiwas siya nang tingin. Hindi ko mawari kung anong ibig sabihin nang pambibitin nila sa mga sinasabi kaya heto ako ngayo't kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip.

" i need to go, dad. I wanna see them. " walang lakas at pabulong kong tugon.

Dahan-dahan akong tumayo at nagsimulang mag lakad. Kumikirot ang mga sugat ko pero kinakaya pa rin ng katawan ko.

" Ta... tay. " naitigil ko ang pag hakbang nang may biglang nagsalita sa tagiliran ko. Napabaling ako ng tingin sakanya na pupungas-pungas. Halatang kagagaling lang sa tulog, at agad akong pinangiliran ng luha dahilan para mabunutan ako ng tinik sa dibdib.

" Zania! " tinakbo ko siya ng yakap. Kung paano ako nagkalakas na puntahan siya ay hindi ko alam. " Zania baby! I'm glad you're okay. "

Humagulhol ako sa harapan ng anak ko. Nakaluhod ako sa sofa na tinulugan niya habang yakap yakap ko ang maliit niyang katawan. Pinunasan niya ang luha ko na nakapag pangiti sa akin. " stop crying tatay so that nanay will wake up happy. " tumango ako at humalik sa noo at pisngi niya.

Dumako ang tingin ko sa mga magulang ko na pareho na nagpupunas ng luha. " what happened? I though she won't make it? "

" Dustin saved her. He was the one who's in critical condition. Kinain ng mga isda ang katawan niya to the point na muntik na siyang maubusan ng dugo. He covered her body with his. I'm really thankful that he's willing to risk his own life for your daughter, anak. That kid is really a good man. " umiiyak na sabi ni mommy.

" we need to put him in the ICU. He has troubles in breathing. Pinasok ng tubig ang baga niya. He also gave Zania his last air. Mabuti na lang at na revive pa siya. But he's still unconscious and intubated. "

Napapikit ako sa narinig. That man is really an asshole! How could he be that good! I owe you one bro!

" and about Sabrina. She's dead. She killed herself by overdosing on drugs. "

" drug overdose? How the hell that happen? I thought you shot her? "

" we only shoot her on the leg part and on her hand. Dinala namin siya sa ospital kasabay ninyo. But she really wanted to get her self out of this shit that's why she committed suicide. Little did we know that she'll do that. She's desperate son. " hindi ko alam kung matutuwa ako na wala na siya o manghihinayang. Tinakasan niya ang parusa. Mabulok siya ngayon sa impyerno! Psychopath Bitch!

" and about Cheenie... " agad akong napaharap at tinignan si mommy. Mas lumakas ang hagulhol niya kumpara kanina. " I'm sorry son. We did our best to save her but she didn't make it. " si daddy na ang nagtuloy dahil sa walang habas na pagtulo ng luha ni mommy.

Parang isang bangungot iyon sa akin. Na kalahati ng mundo ko ay gumuho ng dahil sa narinig. Na kahit na patay na ang hayup niyang ina ay gusto ko pa ring paulit-ulit siyang patayin gamit ang mga kamao ko. Na kulang ang pagkamatay niya sa pagkawala ng anak ko. Na walang katumbas ang kamatayan niya sa buhay ng anak ko. Na kahit hindi siya sa akin ay parte siya ng pagkatao ko.

Nakakuyom ang palad na tumayo ako. Naisabunot ko ang mga kamay sa buhok ko. Pinagsusuntok ko ang pader kasabay ng pag sigaw ko. Gusto kong magwala! Gusto kong mang amok! Gusto kong pumatay! Gusto kong makita ang anak ko.

Agad na nagsipasukan ang mga nurse nang magbasag ako. At ang tanging naalala ko na lang ay ang pagturok nang kung ano sa braso ko.




.......



Tulala pa rin ako hanggang sa magising ako. Inisip ko na isang bangungot lang talaga iyong nangyari. Pero nang makita ko ang kapiraso ng vase na binasag ko kanina ay napagtanto kong totoo pala. Wala na talaga siya. Nadaramdaman ko ang paghawak ng maliliit na kamay sa kamay ko. Pinisil nito iyon na nakapag pabalik sa katinuan ko.

" tatay... I'm scared. " halata ang takot sa boses niya.

" tatay is here. There's nothing to be afraid of baby. " pag-aalo ko at itinabi siya pahiga sa akin. Hinaplos ko ang buhok niya. Maraming galos ang anak ko sa katawan. Pati sa mukha. Pero ininda niya lang iyon. Napangiti ako ng makitang nakatulog na siya sa braso ko.

" ayaw niyang pumirmi sa kwarto niya. She wanted to be near you. Kasing tigas mo rin ang ulo niya, son. She's your girl version." sabi ni daddy. Nakaupo siya sa isang mahabang sofa. Habang si mommy ay tulog sa kabilang sofa. Patuloy ko pa ring hinahaplos ang buhok niya para humimbing ang tulog niya.

" where's Zane? Bakit hindi ko siya nakikita? " dapat ay kanina ko pa itinanong pero nakalimutan ko na.

" she's at your wife. "

" mabuti naman. Bakit nga pala wala dito ang asawa ko, dad? " kung magkasama sila ay bakit wala sila dito? Nasa bahay kaya sila?

" your son is waiting for your wife to wake up. He's never leaving her side. Just like what Zania did to you. He's still hoping that their mom will wake up soon. " nangunot ang noo ko sa sinbia ni daddy. " She has undergone different kinds of procedures and it's still unsure if she'll wake up. She's in coma. Machines are her only life support, son. "

And by that statement my world suddenly collapse. Damn!

... Itutuloy ...

✔️Arranged Marriage (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon