Chapter 55

24.6K 448 41
                                    

Minsan makararanas tayo nang pagkalugmok. Mga panahon na hindi na natin alam kung makakabangon pa ba tayo. Mga panahong puro sakit na lang at walang puwang ang saya. Mga panahong kapahamakan ang nagaganap at pag durusa.

Noong panahon na mawala ang anak ko ay puot at pighati ang naramdaman ko. Pagsisisi. Pagsisisi at kawalaang kwenta. Iyan ang naramdaman ko. Pero mas may ikalulugmok pa pala ako. Ang makitang nasasaktan ang asawa ko ng wala akong magawa na kahit na ano.

Nakahandusay siya sa lupa. Naliligo sa sarili niyang dugo habang gumagapang patungo sa anak namin na patuloy sa paglusong sa tubig. Ang sakit isipin na ako iyong ama, ang dapat magligtas sa kanila, ang dapat na promotekta, ang dapat na sandigan pero wala akong magawa.

Paano ko ipaglalaban ang buhay ko kung ako mismo ay pinanghihinaan ng loob?

Totoong humanga ako kay Scarlet. Ngayon ko napatunayan kung gaano siya katapang na babae. Lahat kaya niyang gawin. Maging isakripisyo ang kaligayahan niya para sa ikabubuti ng lahat. Lahat ng pighati ko ng mawala siya ay naglaho ng bumalik siya. Pinilit kong punan ang lahat ng pagkakamali namin pero may bumalakid na iba.

Tumalim ang tingin ko kay Sabrina na tuwang tuwa sa mga nakikita niya. Halang na talaga ang kaluluwa niya at buhay pa lang siya sinusunog na ito. Kahit na putok ang labi. Tumutulo ang dugo sa noo. May bangas at bugbog ang katawan ko patuloy ko pa ring pinilit mapatumba ang tatlong ka harap ko. Wala na akong pakialam kung hindi na ako makagalaw pagkatapos nito.

Hirap na rin si Dustin. Alam kong iniinda niya lang ang sakit ng tama ng baril sa kanang paa niya. Bugbog at pagod na rin siya ngunit patuloy pa rin siyang lumalaban.

Lahat kami ay pinipilit pang lumaban.

Nabuhayan ako ng loob ng makitang pilit na tumayo ang asawa ko. Ganyan nga babe! Lalaban tayo! Gagawa pa tayo ng maraming kambal kaya kumapit ka lang!

Naipatumba ni Dustin ang dalawa ngunit kasalukuyan na rin siyang nakahiga sa lupa. Walang tigil sa pag durugo pa rin ang paa niya. Sa tingin ko'y ugat ang tinamaan doon kaya patuloy ang pagbuhos nito.

Pagod na pagod na ang katawan ko pero ang isip ko ay patuloy na inuotusan ito na h'wag sumuko.

Nang mapatumba ang tatlo ay ang pagdating naman ng isang lalaki. Ito iyong may hawak kay cheeny. Mas mahaba ang baril na hawak nito at kumpara sa iba ay mas malaki ang katawan. Pero kaya ko pa! Kakayanin ko pa! Nang walang ano ano'y tumakbo ito papalapit ngunit laking gulat ko ng hindi ito sa dereksyon ko lumapit kundi sa asawa ko na ngayo'y nakaluhod at pinipilit pa ring itayo ang sarili.

Patakbo kong tinungo ang dereksyon niya ngunit may braso na pumigil sa akin. Agad ko itong tinapunan ng tingin.

" where do you think you're going?! " taas kilay na sabi ni Sabrina kasabay ng pagtutok ng baril sa mukha ko.

Ininda ko iyon at itinulak siya ng malakas na ikinabuwal niya. Mas binilisan ko ang kilos ng makitang malapit na ito sa kinasasadlakan ng asawa ko.

Padulas akong lumapit at pinatid ang paa niya na hindi niya inaasahan. Kasabay ng pag-gulong naming sabay. Pinigilan ko ang aking galaw sa pag kapit ko sa bermuda at inunahan siyang tumayo. Hindi ko alam kung paano basta bigla akong nagkalakas ng makitang sasaktan niya ang asawa ko. Hawak niya pa rin ang baril sa kanang kamay niya na madali niyang itinutok sa akin at walang habas na pinaputok ngunit dahil  sa nakahiga siya ay hindi niya ito masyadong naasinta. Dumaan sa gilid ng mukha ko ang bala na ipinagpasalamat ko at agaran siyang nilundagan sa dibdib na nakapag pa ubo sakanya. Namilipit siya ng sikohin ko ang kanyang sikmura. Wala akong tigil sa pag-galaw kahit na alam kong hindi na sapat ang lakas ko. Kailangan ko siyang maunahan bago siya makabawi sa mga ginawa ko.

✔️Arranged Marriage (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon