Chapter 19

39K 633 8
                                    

Nagising ako na wala si Vin sa tabi ko. It's only 6am. Nasa trabaho na ba siya? Babangon na sana ako nang bumukas ang pinto at iluwa non ang asawa ko. May hawak siyang tray na may lamang breakfast i guess. " good morning babe. Breakfast in bed? " napangiti naman ako sakanya. Umupo ako sa kama.

" ang aga mo ha. Ikaw bang nagluto? "

" yep! Peace offering. "

" di ka pa rin maka move on? Move on na nga ako. "

" haha. Gusto ko kasing bumawi wife. " I'm happy na seryoso siya sa sinabi niya na susubukan naming i work out ang marriage namin.

" okay. It's nice to hear that. By the way hindi ka pa ba maliligo? Di ba may pasok ka? "

" ahh yeah! Kain muna tayo bago ako umalis. "

Kumain kami sa kwarto. Nakakatuwang isipin na maayos na kami. Pagkatapos kumain ay naligo rin siya kaagad. Nagbihis na rin ako at pumunta sa kusina. Lumapit naman sakin si nay Ester. " nakakatuwang makita na masaya kayo ni Vincent hija. Sana magtulog tuloy na yan. "

" oo nga po nay. Sana maging okay na talaga kami. "

Nagusap pa kami ni nay Ester nang ilang sandali naputol lang nang bumaba na si Vin. Naka suit na siya. Ang pogi ahh. Parang model lang. Lumapit siya sakin at inayos ko ang neck tie niya.

" alis na ako wife. I'll be back by five. " hinalikan niya ako sa labi bago siya umalis. First time na hindi ako nakadama nang pagtutol sa halik niya. Niyakap niya pa ako bago siya tuluyang lumabas.

Isang buwan na rin at mas naging malapit pa kami ni Vin sa isa't isa. Aalis siya para mag trabaho at uuwi siya nang maaga. Minsan ay hinahatid sundo niya rin ako sa trabaho. Yes, nakabalik na ako sa trabaho. Mabuti na rin dahil buryong buryo na ako sa bahay. Ang hirap pala kasing maging plain housewife. Nakaka bored.

Nasa kotse kami ni Vin at naguusap. " Nakaka stress sa opisina babe. Ang daming naiwang paper works yung nag resign kong empleyado. "

" bakit ikaw ang nagayos? " tiningnan ko siya. Mukhang stress talaga siya.

" bukas na kasi ang proposal. Minadali ko na para hindi na hustle. "

" kawawa ka naman. Don't worry ipagluluto kita nang masarap mamaya. " nginitian ko siya nang malawak.

" iba ang gusto ko wife. And I'm sure mas masarap yun! " nawala ang ngiti ko. Hinampas ko siya nang bag ko.

" Shit! Scarlet naman! Can't you see? Nag da drive ako! " napasigaw siya.

" ikaw naman kasi. Puro ka na naman kalokohan! "

" wife. It's been a month. Kawawa naman ako! " nag puppy eyes pa ang unggoy!

" ewan ko sayo! "

Nakauwi na kami. Di ko na siya pinansin. Nagbihis agad ako at nagluto na sa kitchen. I was busy cooking the pasta when someone hug me from behind. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. " ang bango ah at parang ang sarap. " matutuwa sana ako kung yung niluluto ko ang sinasabihan niya na mabango kaso hindi. Ako ang mabango at masarap dahil nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko.

✔️Arranged Marriage (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon