Chapter 18

32.5K 521 21
                                    


Para akong na estatwa sa sinabi niya. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Gusto kong umalis sa kwartong ito pero parang wala akong lakas. Ba yan! Ngayon pa talaga ako nagka ganito.

Inayos niya ang kama. Pinagpapawisan ako kahit na malakas naman ang aircon. Ano bang dapat kong gawin? Parang pati tuhod ko ay nanginginig. Sinenyasan niya ako na lumapit. Geez! Pati tapang ko ay iniwan ako. Hindi muna ako gumalaw.

" come here. Dito ka mahiga. " referring to the other side of the bed. Ngumiti ako nang alanganin.

" ahm.... " naglibot libot ako sa kwarto, may nakita naman akong malaking sofa. "...a-ang ganda naman nang couch na to. Pwede bang dito nalang ako matulog?. " ngumiti ako.

Tumawa siya. " are you kidding? Don't be silly wife. Do you think i will let you sleep there? Come on. Dito ka na. "

" p-pero..." hindi niya na ako pinatapos at hinila na ako papunta sa kama. Nanginig ang katawan ko sa paraan nang pag hawak niya sa kamay ko. Oh Lord! Help me please.

" no more buts okay. " sabi niya. Tumayo siya at pumunta sa banyo. " wait for me here. Maliligo lang ako. "

" o-okay. Hehe. " di ko alam kong pano ako mag rereact kaya tumawa nalang ako. Kinindtan niya ako bago pumasok sa banyo. Para naman akong natunaw na yelo sa ginawa niya.

Paraan ko na sana iyon para makaalis kaso parang ayaw gumalaw nang katawan ko. Naupo na lang ako sa gilid nang kama. Pinagmasdan ko ang kabuoan nang kwarto. Sinunod niya talaga ang design ko. Bawat anggulo bawat furniture ay katulad na katulad nang ginawa ko. Nagawi naman ang mata ko sa malaking litrato na nakasabit sa dingding. I didn't know na may wedding picture pala kami dito, and take note! Sobrang laki nang picture.

Lumapit ako sa frame para tingnan ang mga mukha namin. Kung may makakakita nito na hindi kami kilala ay aakalain na tunay kaming nagmamahalan ni Vin. The picture is just us two. He's hugging me from behind but we are looking at each others eyes. May mga ngiti sa mga labi. Parang real couple lang. Ang pogi ni Vin sa picture. He's really an epitome of handsome. He has this majestic look that catches the attention of everyone. No wonder maraming nagkakagusto sakanya. Bukod sa gwapo, macho matalino maybe ay mayaman pa!

Nadako naman ang paningin ko sa mukha ko. I look different in here. Bukod sa sexy dress which I often avoid to wear at make up na dito lang ako pumayag na magpalagay ay parang may kinang ang mga mata ko. I didn't know why? Kung hindi ko pa nakita ito ay di ko rin malalaman. Ibang iba ito sa tunay na ako. This woman is really not me. She's sexy and beautiful while the real me is - let's just say - not too beautiful. Hindi naman sa pangit ako pero hindi kasi ako marunong mag ayos. Kung ano ang makita kong pwedeng isuot na damit ay susuotin ko. Sabi nga nila old fashioned but for me this is the best fashioned outfit that is perfect for me. I don't like showing some skin. Maybe because of what happened before kaya ako nagkaganito.

Nung bata ako ay madalas matchy matchy kami ni Hanna. Pero simula nang makauwi kami pagkatapos naming makidnap ay masyado ko nang itinago ang sarili ko sa mga panlalaking damit. Nahihiya ako sa mga taong nagsasabi na ang puti at ang kinis ko kaya mas minabuti kong itago ang sarili ko. Mas nag improve na lang ngayon kasi nagsusuot na ako nang sleeve less and crop tops. Pero stil pag wala sa bahay ay mahabang palda pa rin ang suot ko. Dito na talaga ako komportable eh. Natigil ang pagiisip ko nang marinig ko ang pagpihit nang door knob nang banyo. Back to reality. Nagmadali akong umupo sa bedside kaya nang lumabas siya ay nag tanong siya. " ang tagal kong naligo pero nakaupo ka pa rin diyan? "

Napadako ang paningin ko sa namumitok niyang abs. Tumutulo ang tubig mula sa basa niyang buhok pababa sa kanyang katawan pababa sa oooppss. Off limits! Nag angat ako nang paningin at lumunok nang laway. Nasamid yata ako nang sarili kong laway. " ehem. Hindi kaya. Nag tumbling tumbling muna ako dito sa kwarto habang naliligo ka. " pagbibiro ko.

Tumawa siya nang malakas. " you know what? You're so funny. " naglakad siya papalapit. " ikaw? Di ka ba mag sha shower? " umiling iling ako.

" di na. Di naman ako mabaho. " ngumisi na naman siya. " okay. Magbibihis lang ako ha. " mabuti naman at naisipan niya nang magbihis bago ko maisipang hilahin ang towel niya. What the!? Ang landi mo Scarlet ha umayos ka! saway ko sa sarili ko.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na sya galing sa walk in closet niya. Geez! Pambabae ba ang sando niya? Bakit hapit na hapit sa katawan niya? O baka sinasadya niya na magpasexy? And oh em geeeee! Naka boxers lang siya. Pumikit akong sandali. Nanalangin na rin. Diyos ko po! Bigyan niyo naman po nang maayos na damit ang lalakeng ito!

Dumilat lang ako nang magsalita na siya. Nakalapit na pala siya sakin. " hey! Inaantok ka na ba? " umiling ako. " bakit nakapikit ka? " tanong niya.

" nananalangin! Este inaantok na pala ako.! pwede na ba tayong matulog? " nagkunyari akong naghikab.

" okay. Lay down first. Kanina ka pa nakaupo diyan. Pwede ka na naman sanang humiga. "

Nahiga ako. Nanginginig ang kamay. Inayos niya na rin ang unan niya at nahiga sa katabi ko. Grabe ang kabog nang dibdib ko. Tumama ang braso niya sa braso ko kaya nagulat ako. " aayyyy..." bumangon siya. " what's wrong? "

" w-wala. Nagulat lang ako. Never mind. Tulog na tayo. " tumagilid ako.

Pinatay niya ang ilaw gamit ang remote kaya mas dumoble ang kaba ko. Nakapikit ako at niyakap ang kumot. Gumalaw naman siya at niyakap ako. Sa di ko malaman na dahilan ay nasabi ko na lang. " I'm on period. "

" what? " gulat niyang tanong.

" sabi ko meron ako. "

" and so? "

" hindi pwede. " ano ba yan! Tanga ba siya?

" ang alin? " nag mamaang maangan pa talaga ang loko!

" y-yang iniisip m-mo. "

Tumawa na naman siya nang malakas. Pang ilang beses na ba niyang tawa ito? Nakakahalata na ako ha! Anong akala niya sakin? Clown? " babe, I'm just gonna turn off the light. There oh hindi mo pinatay ang lamp shade. " turo niya sa katabi kong side table.

OMG! Nakakahiya ka Scarlet! Ang assuming mo kasi! Puro ka kasi kalandian yan tuloy kung ano ano na ang pumapasok sa utak mo!

I'm out of words. Sobrang nakakahiya.

Sinamaan ko siya nang tingin nang di pa siya tumigil sa pagtawa. " anong nakakatawa dun? "

" you know Scarlet baby di naman kita aanuhin hanggat di ka pa pumapayag. At as what you said meron ka pa. " tumawa ulit siya nang malakas. Kinurot ko ang tagiliran niya.

" i hate you! Nakakainis ka! " galit galitan moves para pagtakpan ang pagkapahiya. Tumalikod ako sakanya.

" okay. Sorry na. Ikaw naman kasi. "

" be quiet okay! Matutulog na ako. " inis Kong sabi. pumikit na ako. umusog naman siya sakin at iniangat ang ulo ko. Naramdaman ko na lang ang mga braso niya sa batok ko.

" let's sleep like this babe. " bulong niya sa tainga ko. Hindi na ako nagsalita pa. Iniyakap niya ang isang braso niya sa beywang ko at inilapit ako sakanya. He's hugging me from behind. Hinayaan ko na lang siya. Mukhang gusto lang naman yumakap. " Good night wife. " sabi niya.

" good night. " ganti ko. Hinagkan niya ang ulo ko. I feel comfortable with him for the first time. Sana he stays like this. Sana wag na siyang magbago pa.

" sweet dreams. Sleep tight babe. "




itutuloy...

------------------------------

( short update. )

DD












✔️Arranged Marriage (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon