Chapter 47

22.8K 691 42
                                    


Di siya maka galaw. Di siya makakilos. Hawak hawak ko pa rin siya sa braso na halata ang panginginig. Tss. Ngayon mo sabihing hindi mo ako kilala!


Iniharap ko siya sa akin. Kung kailangang gamitan ko siya nang pwersa ay gagawin ko. Desperado na ako. Ang tagal kong nagdusa sa wala. Pero bakit parang siya pa ngayon ang galit?


Matagal kaming nagtitigan. Pilit kong binabasa ang emosyon sa kanyang mga mata pero kusang nanlalabo ang paningin ko. Nagbabadyang manubig ang mata ko. Sobra pa rin akong nasasaktan. Ikaw yung tao na inisip kong nagiisang makakaintindi sakin pero ikaw pa itong sumuko! Bakit babe? Ganon ba ako ka walang kwenta sa paningin mo?!


Gusto ko siyang tanongin. Gusto kong magpaliwanag siya. Pero bakit parang ako pa ang nahihirapan saming dalawa? Kusa kong binitawan ang pagkakahawak ko sa braso niya.


Kahit gaano pa ako kasabik na makita ka kung ayaw mo rin naman akong makasama wala na ring kwenta.


Iniiwas niya na rin ang tingin niya sakin at tumalikod. " i-i have to go. " medyo pabulong nang sabi niya


" sobrang sakit. " sabi ko nang akma na siyang aalis. Tumungo siya bago humarap sakin.

" e-excuse me? "


" sobrang sakit. Unti unti akong pinapatay nang sobrang sakit. " di ko na napigilang ipakita sakanya ang emosyon ko. Nanatili lang siyang nakatingin sakin. Walang emosyon. Tutok na tukok pero walang kahit anong reaksyon ang mukha niya.


" 5 years in pain. Isn't it enough para bumalik ka na sakin? " napapikit ako at tuluyan nang tumulo ang luha ko. " pwede bang paniwalaan mo naman ako? Kahit ngayon lang? " pinipigilan kong gumaralgal ang boses ko.


" why would i? " pagmamatigas niya.


" because i deserve to be trusted? " medyo patanong ko nang sabi. " i deserve it babe. " pagmamakaawa ko.


Ngumisi siya. " Deserve? big word Vin. Big word " sarkastikong sabi niya.


Hinawakan ko ang kamay niya. " can we talk in private? "


" what for? Oh! Coz you deserve it? Tchh.. "


" p-please? " pakiusap ko.


Matagal siyang tumitig sakin. Galit ang una mong makikita sa mukha niya. Galit na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Galit na di ko alam ang puno't dulo.


" 5 minutes. " sabi niya at saka naglalakad papalabas. Dali dali ko naman siyang sinundan papuntang parking lot.


Tumigil siya sa katabi nang isang puting sasakyan. Tinitigan ko muna siya bago tuluyang lumapit. Ibang iba na siya. Ang kilos niya. Ang tayo niya. Ang pananamit niya. Lahat nagbago na. Sana wag naman ang nararamdaman niya. Nakaramdam ako nang konteng kirot sa dibdib ko. Fuck this!


" your time is running. " sabi niya na nakapag balik sa wisyo ko.


Tumitig ako sa mga mata niya bago mag salita. " i didn't know how to start. C-coz i didn't know how it start. Pero gusto ko lang m-malaman. " natigil ako. Nanginginig na pati ang boses ko. " b-bakit mo ako iniwan? " sa wakas ay nasabi ko rin.


Tumawa siya nang malakas. Takang tinignan ko naman siya. Napahawak pa siya sa tiyan niya sa sobrang pagpipigil nang tawa. " I'm sorry. Di ko lang kasi mapigilan. " kinalma niya muna ang sarili niya bago nagpatuloy sa sinasabi. " naririnig mo ba ang sarili mo? Ikaw ba ang may amnesia? O naglilimot limutan ka lang? My God Vin?! What is happening to you? "


✔️Arranged Marriage (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon