"Akala ko ang happy Ending ay nangyayari din sa totoong buhay, pero mali pala ako, ang happy Ending ay sa fairytales lang nangyayari at para lang sa mga prinsesa/prinsipe."
Kiefer's Pov
Mamaya pala ang Game 2 ng basketball championship match..Sa team namin kontra sa rival school namin..Whoah..kinakabahan ako..sana manalo kami para lamang ng 2-0 sa series pero if hindi tie na ang game. So pahinga mo na kami ngayon so alam nyo na kung saan ako papunta....
Nong naglakad na ako papuntang library...may nakita akong isang babae at isang lalaki na nag-uusap. Hawak-hawak ni guy yong kamay ng babae..lumapit ako ng dahan-dahan at don ko lang nakilala ang babae–si Alyssa. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto kong sapakin ang lalaki...Naiinis ako...Grrrrrrrrr...Nagtungo nalang ako sa library..nagbasa ng libro pero tila ba di ko naiintindihan ang binabasa ko at palagi nalang na pipicture out ng utak ko ang magkahawak na kamay nila...Ano ba Kiefer!!! Putcha naman oh...Tumayo nalang ako at isinuli ang libro..Aly: Labidabs.. (with all the smile pa)
So tapos na pala silang magdate...
Ako: Oh bat nandito ka? Tapos na ba ang DATE nyo? At pwede ba WAG MO NA AKONG TAWAGING LABIDABS...!!!!
Iniwanan ko na sya at baka ano pa ang masabi ko..Pumunta na ako sa locker at kinuha ko ang mga gamit ko para maghanda na sa game..
Alyssa's Pov
Kief: Oh bat nandito ka? Tapos na ba ang DATE nyo? At pwede ba WAG MO NA AKONG TAWAGING LABIDABS...!!!!
Anong sinasabi nyang Date? bakit ganon parang galit sya? Oh My God baka nakita nya kami na nag-uusap ni JC? oh No..sya yong nakita kong lalaki na mabilis na naglakad papuntang library? Dapat ko syang hanapin at sabihin sa kanya na mali ang iniisip nya...
-------------------------
Isang oras na ata akong naghahanap pero ni Anino ni Kiefer wala akong nakita...Lau: Hoy bat nandito ka pa? Hindi mo ba icheheer ang Labidabs mo?
Ay anak ng tokwa..May Game pala siya ngayon...Mabilis akong nagtungo papuntang Gym... madami ng tao ..at kasisimula palang...Wala pang score ang school namin at ang kalaban nakaka 10 points na..Gusto kong mag cheer sa kanya pero parang natatakot ako...Wag na lang....
Nagtuloy-tuloy na ang laro at bakit parang ibang Kiefer ang naglalaro ngayon....ang pangit ng laro nya..plus dagdagan mo pa ng pisikal na laro ng kalaban..Ano ba Kiefer!!Kiefer's Pov
Von: Bro may problema ba?
Ako: Wala..
Von: Bro..lamang na lamang na ang kalaban oh...Focus bro..wala ka sa laro dahil di sya nagchecheer sayo?
Ako: HINDI!!!!Bumalik na kami sa court at grabe ang pangit ng laro ko..Ewan pero palaging nagpipicture out sa isip ko ang magkahawak na kamay nila..Ano ba Kiefer..
Nasa akin ang bola at ititira ko sana ng tres ng...may malakas na sapak ang dumampi sa mukha ko na naging dahilan ng pagbagsak ko...Naramdaman ko nalang na may umaagos na dugo sa ilong ko. SHIT! lumapit sa akin sina Von at ibang staff..Dinala nila ako at ginamot ang ilong ko..4th quarter na at halos lamang na ang kalaban ng halos 18 at mukhang wala ng pag-asa na manalo kami dahil last 2 mins. Nalang. Nagpaalam ako kay Coach na mauuna na sa labas dahil medyo masakit din ang ulo ko pero ang totoo ay hindi ...Naglalakad na ako sa hallway ng...Aly: Labidabs....
Agad kong binilisan ang paglakad ko para di nya ako maabutan..Bakit ba sunod ng sunod ang babaeng to...
Aly: Labidabs wait...(hinawakan nya ang braso ko)
Ako: Bitiwan mo nga ako!!! (Sabay tanggal ng kamay nya) AT PWEDE BA WAG NA WAG MO AKONG TAWAGING LABIDABS DAHIL NAKAKARINDI NA!!!!!!
Aly: Labidabs bak-
Ako: ANO BA DI KA BA NAKAKAINTINDI!!!! BINGI KA BA HA!!!
Aly: Sorry...gusto ko lang naman sana malaman kung ok ka na...
Ako: Wag mo na akong tanungin kung ok ako dahil HINDI AKO OK!
Aly: Bat ka ba ganyan?
Ako: Bakit ako ganito? DAHIL NAIINIS AKO...AT PWEDE BA MULA NGAYON WAG KA NG LUMAPIT SA AKIN...DAHIL HINDI KITA GUSTO!! ALAM MO BA YON HA!! HINDI KITA GUSTO!! WAG KANG ASSUMERA NA AKALA MO GUSTO KITA DAHIL ANG TOTOO HINDI!! AKALA MONG MABAIT YON PALA NASA ILALIM ANG KULO!!!!
Aly: Anong ibig mong sa-bi-hin (maiiyak na sya)
Ako: Hahahahahahaha...Don't Pretend as if you don't know...well HELL I CARE KUNG NAKIKIPAGLANDIAN KA!! PERO SANA NAMAN MAGKAROON KA NG DELIKADESA!! DON KAYO MAGLANDIAN SA IBANG LUGAR AT HUWAG SA PAARALAN!!!
Aly: Yan ba yong tingin mo sa akin Kief?
Ako: Bakit hindi ba?Pagkasabi ko non ay bigla nalang umagos ang mga luha nya..SHIT!!! sumusubra kana kiefer...Papahiran ko sana ang luha nya ng...
Ako: Sorry Aly-
Aly: Sorry ha kung lapit ako ng lapit sayo.. Sorry ha...kung assu--mera ako..sorry kung nag-aasume ako na magugustuhan mo ako..Patuloy sa pag-agos ang mga luha nya parang piniga ang puso ko...Ayaw ko syang nakikitang umiyak...
Aly:Sorry ha..kung sa school ako NAKIKIPAGLANDIAN....sorry ha...hayaan mo..ito na ang huling araw nalalapitan kita....At mula ngayon WALA NG ALYSSA VALDEZ na lalapit sayo...!!! (Sabay takbo papalayo)
Gusto ko syang sundan...pigilan...bakit ganon..ang sakit ng puso ko....Alyssa Sorry...
Von: Oy..bro bat tumatakbo yong si Alyssa? At bakit umiiyak ka?
Pinahiran ko ang mga luha ko..Umiiyak na pala ako....
Ako: Bro...anong ginawa ko...
Alyssa's Pov
Tumatakbo ako ngayon palabas ng school...Hindi ko alam san ako pupunta...Takbo lang Alyssa...takbo...Hanggang nakarating ako sa Park malapit sa amin.... Ganon ba ang tingin nya sa akin isang malandi?... Akala ko gusto na nya ko...Yong pala nag aasume lang ako...Tama sya Napa ka Assumera ko....Patuloy pa rin ako sa pag-iyak..Ang sakit-sakit ng puso ko..parang sasabog na sa sakit..Gusto kong sumigaw....Waaaaaaaaaahhh!!!!!!!!!!Bakit ganon sya....huhuhuhu...
------------------------
Nong medyo na himasmasan na ako ay naglakad na ako pauwi..hahanap nalang ako ng palusot...Pagdating ko sa bahay..
Nagmano ako kay Nanay..Nay: Oh...bat maga ang mata mo? umiyak ka ba?
Ako: Nayyyyyy....(umiyak)
Nay: Anong nangyari sayo?
Ako: Nayyyyy.....Nagbreak na po kami ni Piolo Pascual...huhuhuhu....Binatukan ako ni Nanay...
Nay: Sira ka talaga..Tinutopak ka nanaman...Ano ngang dahilan?
Ako: Hindi..ano po kasi natalo ang basketball team namin kanina..Naiyak talaga ako Nay...
Nay: Sus..akala ko naman kong ano...Segi na magbihis ka na...kakain na tayo...
Ako: Ay Nay..tapos na po ako...Diba nga food is life? at food is a stress reliever? Nong natalo ang basketball team namin ay kumain ako ng madami...At Nay matutulog mo na ako kakapagod mag cheer eh..Segi Nay..
Nay: Segi..pahinga ka na..Buti nalang naka lusot ako kay Nanay...Dumiritso na ako sa kwarto nagbihis at nahiga..
Bigla nalang tumulo ang luha ko...Bakit ganon...Ang sakit-sakit ng puso ko...Lau: Hoy..yang pinaggagawa mo ha baka ikaw lang ang masasaktan sa huli...naku basta binalaan na kita...
Tama nga si Lau...ako lang ang nasaktan sa huli...ito na ba ang bayad ng pagkapilya ko minsan? Dapat ko na bang baguhin ang pagkatao ko? Bakit ang assumera ko? Ang laki ng paniniwala ko na magugustuhan nya ako pero bakit ganon...Ang sakit-sakit....
Nong una sadyang humahanga lamang ako sa kanya dahil sa pursigido syang mag-aral, halatang mabait at of course gwapo...pero habang tumagal ng pangungulit ko sa kanya natamaan na ako...Sa tuwing kasama ko sya masaya ako..sobra at feeling ko pati rin sya..pero mali pala ako...Isa pa...malandi ba ako? Di naman ah...porke ba nakita nya kami ni JC na nag-uusap malandi na agad? .....Argggggg....ang sakit.
Akala ko ang happy Ending ay nangyayari din sa totoong buhay, pero mali pala ako, ang happy Ending ay sa fairytales lang nangyayari at para lang sa mga prinsesa/prinsipe....Akala magiging happy ending na kami pero mali pala ako....Maling mali...
..sobrang Maga na ng mata mukhang hahanap pa ako ng palusot para di mag-usisa sina Nanay bukas...Hay....Diko namalayan...nakatulog na ako...*****************************************************************************************
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
FanfictionSi Kiefer Ravena ay isang transferee at mahilig sa libro. Paano kung ang tahimik niyang buhay ay magugulo ng isang babaeng nagngangalang Alyssa Valdez na kabaliktaran ang ugali sa kaniya. Totoo kaya ang sinasabi nilang opposite attracts? Pero paano...