Alyssa's Pov
Isang linggo na ang nakakaraan mula nong naging kami ulit ni Kief and hindi ako nagsisisi na tinanggap ko ulit sya..Sinabi ko na rin kay Nanay na kami na ulit at masaya naman sya..Actually sya lang ang nakakaalam na naghiwalay kami kasi ang alam nila tatay ay nasa ibang bansa sya para sa negosyo nya kaya di sya nakakadalaw ng ilang buwan. Hinahanap nga sya ng mga kapatid ko pero ang sabi ko nalang busy para naman may alibay ako.
*Kring*
*Labi Calling*Ako: Oh napatawag ka..
Kief: Grabe ka naman Dabs..ganyan ka ba sumagot sa mahal mo..
Ako: Bakit sino bang may sabi na mahal kita?Hahahahahaha maasar nga to..
Kief: Si Cardo...
Gusto ko ng tumawa ng malakas na malakas..Grabe na ganti rin sya oh..hahaha.
Kief: Dabs? Oi..ngumiti sya..
Ako: Di kaya..ang waley...
Kief: Hahahaha ayaw pa umamin..
Ako: Hoy ano nga sadya mo?
Kief: Grabe ka naman Dabs...hinohoy mo na ako..Hmp.
Ako: Hahaha ano ba wag ka ngang magdrama dyan..Ano nga sadya mo LABI? Oh yan ha..
Kief: Ayiee...mahal nga nya talaga ako..hahaha I love you too Dabs.
Ako: Ang corny mo Labi..Segi ano nga sadya mo..
Kief: Punta ako sa inyo mamayang gabi ha..
Ako: Ha? Eh kagagaling mo lang don kahapon ah..
Kief: Segi na Dabs..Punta ako ha..Segi Bye..I love You..
Ako: Pero—*toot*
Wow ang galing binabaan ba naman ako...Ano na naman kayang gagawin ng lalaking yon sa bahay.. Hay naku for sure may dala na naman yong mga pasalubong na lalong nagpapaspoiled sa mga kapatid ko..Nong pagkahatid sa akin nong galing kami sa bakasyon ay inulan sya ng mga tanong kesyo daw ganyan..ganito..buti nalang talaga at nong nasa sasakyan pa kami ay nasabihan ko na sya na di nila alam na ang alam lang nila ay may business trip sya....
Ako: Kc..May naka sched paba ako ngayon?
Kc: Ahm...wala na po ate..
Ako: Ah segi...Pede ka ng umuwi at uuwi na rin ako..
Kc: Segi po ate...Maaga akong umuwi pa ra naman makapaghanda ako sa bahay. Alam nyo darating daw sya..Pagdating ko ng bahay ay agad akong nagbihis..nagpatulong magluto kay Nanay.
Nanay: Pupunta ba dito mamaya si Kief?
Ako: Bat nyo alam Nay? Hala nagchachat kayo Nay?
Nanay: Sira ka talagang bata ka...Alangan namang di ko malalaman na darating sya eh abalang abala ka dyan.
Ako: Ay..nga naman...Opo sabi nya pupunta daw sya..Ewan ko nga po kung bat sya pupunta.
Nanay: Mabuti nga yong ganon..ibig sabihin lang non may respeto sya sayo kasi nakikipagkita sya sa bahay mismo hindi yong kung saan saan..
Ako: Wow Nay ha lakas maka dalagang Filipina yang sinasabi mo po.
Nanay: Naman..Naalala ko pa nga nong—ay basta..magluto ka nga dyan at maggagabi na rin.
Ako: Opo..Pagkatapos kong magluto nagpahinga ako saglit at naligo para naman hindi ako maging amoy usok diba..Nong matapos ko na ang lahat ng mga gawain ay wala paring Kiefer Ravena na nagpapakita..Anong oras na ba? Tiningnan ko ang relos ko at mag seseven thirty na at wala pa rin sya.
Nanay: Neng kumain ka na at gabi na..
Ako: Maya nalang po Nay hintayin ko lang si Kief.
Nanay: Segi pero pag alas otso trenta na at wala pa sya ay kumain ka na mahirap ng malipasan ng gutom. At kapag 9 pm na at wala pa rin sya..matulog ka na..baka di yon pupunta malay mo may emergency sa store nya.
Ako: Opo Nay..
Nay: Segi akyat na ko.
Ako: Goodnight Nay..Paasa ka talaga Ravena..Ay hindi hintay ka lang muna Ly baka parating na yon..
---------------------------------------
9 pm na wala pa sya..Hayyy...natulog nalang ako at di na ako kumain nawalan na ako ng gana..Nahiga na ako...Paasa ka Ravena!!! Akala ko ba di ka na naninira ng pangako yon pala..Grrrrrrrr... Tiningnan ko kung may text mula sa kanya pero wala...Bukas ka lang..wag kang pumunta don sa clinic at mag explain baka matadyakan kita. Pinilit kong ipikit ang mata pero di talaga ako dinalaw ng antok..Grrrr..Ito yong ginawa mo sa akin Ravena.
Pinatay ko nalang ang lampshade ko at pinikit ng pilit ang aking mata. Suddenly, I heard a guitar strumming..Anong meron? At narinig ko ang isang boses na pamilyar na pamilyar talaga sa akin—si Kiefer.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
FanfictionSi Kiefer Ravena ay isang transferee at mahilig sa libro. Paano kung ang tahimik niyang buhay ay magugulo ng isang babaeng nagngangalang Alyssa Valdez na kabaliktaran ang ugali sa kaniya. Totoo kaya ang sinasabi nilang opposite attracts? Pero paano...