Kiefer's Pov
Nasa kwarto na ako ngayon nakahiga at di makatulog..Grabe..hindi pa rin ako makapaniwala parang nakalutang ako sa saya..Para akong nasa cloudnine...Waaaahhhhh..Kami na talaga...Hindi ako mapakali gusto ko ng mag-umaga, gusto ko na makita sya..gusto ko katabi ko sya lagi, gusto ko kasama ko sya lagi..Hayyy basta..I just love her soooo much! Tawagan ko nga yon...
dialling Aly
Aly: Hello...Napatawag ka?
Ako: Na miss kita..
Aly: Oa naman neto, nagkita pa nga tayo kanina.
Ako: I love you.
Aly: Hoy!! Anong nakain mo ha?
Ako: I love you.
Aly: Hoy!!
Ako: I love you.
Aly: Sus...I love you too..
Heavennnnn....Ang sarap sa feeling kapag nag a I love you sya sa akin...
Ako: Babe...Labas tayo bukas..
Aly: Hoy...Anong Babe?
Ako: Gusto ko yan ang tawagan natin Babe..
Aly: Ayaw ko nyan masyadong familiar mas gusto ko pa rin ang Labidabs..
Ako: Masyadong mahaba yon eh....
Aly: Mas gusto ko yon eh..kasi diba dati yon ang tawag ko sayo...
Ako: Ay alam ko na.. "Labi" ang itatawag mo sa akin tapos "Dabs" naman ang tawag ko sayo..Oh ano..Deal?
Aly: Hmmmmmm...segi mukhang cute yon..
Ako: Dabs..labas tayo bukas ha..
Aly: Ha? eh nagkita na tayo at lumabas na rin tayo kanina diba?
Ako: Eh gusto ko makita ka..at bukas ay espesyal dahil first out natin na official tayo..Segi na..please Dabs.
Aly: Oo na basta tatapusin ko muna ang trabaho ko ha..
Ako: Yes!!!
Aly: O sya segi..Matulog ka na gabi na...
Ako: Wag muna..
Aly: Hoy..Tulog na tayo...Goodnight..
Ako: Goodnight...
Aly: Bye..
Ako: Wait Dabs..
Aly: Oh bakit?
Ako: I love you..Bye..
Pinatay ko na para naman may pabaon ako sa pagtulog nya...Pinikit ko na ang mata ko at grabe mukha pa rin nya nakikita ko...
------------------------------------------------
Ako: JC..Ok lang ba kayo rito? Kamusta ang supplies natin?
JC: Ok lang po Boss, Everything was fine..
Ako: Buti naman...
JC: Kaya Boss Ok lang kahit lumabas kayo ng girlfriend nyo..Oks lang.
Ako: San mo nalaman yan?
JC: Huli ka Boss..So meron nga? Pakilala mo naman boss..
Ako: Hee!! Next time na..segi pupuntahan ko muna yon..Segi..
Jc: Bye Boss..enjoy..
Nagdrive na ako papuntang Clinic ni Ly..and I'm so excited to see her..Pagdating ko doon ay pinapasok agad ako ni KC..Binuksan ko ang pinto at nakita ko syang busy sa mga papers.
Aly: Labi, upo ka muna dyan ha...tatapusin ko lang to.
Nong sinabi nya sa akin yon...Di man lang ako tiningnan..hmp. nakakapagtampo ha..mabuti pa ang mga papel tinitingnan nya pero ako hindi..Hahahaahaha OA masyado.
Ako: Segi Dabs..dito lang ako..
Umupo nalang ako sa chair at minamasdan lang sya..Pagod na siguro sya..kasi naman ang lalaking patak na mga pawis ang dumadaloy sa mukha nya..Tumayo ako at lumapit sa kanya..
Ako: Dabs..Tigil ka nga muna sandali..
Tumigil sya at tiningnan ako.
Aly: Bakit Labi?
Kinuha ko ang panyo ko at pinahiran ang mga pawis nya...
Aly: Labi..ako na...
Ako: Ako na..
Pinahiran ko ang pawis nya..at tiningnan ko sya sa mga mata at sensero kong sabi ang mga katagang...
Ako: Dabs...I love you..mahal na mahal kita sobra.
Aly: Labi naman eh wag ka ngang nagpapakilig dyan.....Oo na I love you too...segi na don ka na muna at last na to..aalis na tayo..
Umupo na ulit ako..at maghihintay kung kailan sya matatapos...Ang swerte ko sa kanya dahil ang sipag nya...Nagpatuloy pa rin sya sa mga ginagawa nya ng...
Aly: Yess!! Whoah!! I'm done Labi...
Ako: Segi..Dabs una na ko sa labas para mahanda ko na ang kotse...
Aly: Segi..
Nauna na ako sa labas at pinarada na sa labas ang kotse para makaalis na kami..After 5 mins. Nakalabas na sya at ano ba..Bat sya nagpaganda?..Ayaw kong may tumitingin sa kanya..Binuksan ko na ang pinto at pumasok na sya..Pumasok na rin ako sa driver sit katabi nya. At nagdrive na...
Aly: Labi bat ganyan mukha mo?
Ako: Wala..
Aly: Bakit nga?
Ako: Bat nagpaganda ka? Ayaw kong tingnan ka ng iba gusto ko ako lang titingin sayo...*pout*
Aly: Sus..Ewan ko Labi kung ano ang mararamdaman ko, kikiligin o gusto kang sapakin..Alangan namang hindi ako mag-aayos eh ang gwapo-gwapo mo tapos yong girlfriend mo parang manang diba? Bat ako ba di magseselos dahil alam kong gwapo ka kaya for sure madaming babae ang titingin sayo..
Ako: Alam mo Dabs..hanggang tingin nalang sila dahil Ako'y sayo Lamang..*wink*
Aly: Hee!! Magdrive ka na nga..
For sure kinikilig na to..hahahaha gusto ko araw-araw syang pakiligin..Ayaw kong malungkot sya dahil mahal na mahal ko sya.
Alyssa's Pov
Nagdrive na si Kief..Saan na naman kaya kami pupunta ngayon...Hindi ko nalang sya tinanong..hanggang sa..
Ako: Labi... papunta sa amin to...anong gagawin natin sa bahay namin?
Kief: Magpapakilala ako sa kanila..
Ako: Ha? Eh kilala ka naman nila diba?
Kief: Basta..just trust me Dabs.
Ano naman kayang balak nito..Oo pinakilala ko na sya sa kanila dati pa nong nanliligaw pa sya and honestly speaking they love him. Nakarating na kami at nagpark na sya..Binuksan ko na ang gate at pumasok na sa loob..
Ako: Nay, nandito na po ako.
Lumabas si Nanay at nabigla sya sa pagdating namin.
Kief: Good afternoon Nay, mano mo po..
Yan ang isa sa mga dahilan kung bat gusto nila si Kief..mabait kasi sya at may respeto.
Nay: Kaawaan ka sa Diyos..Napadalaw ka?
Kief: Nay, nasan po ba si Tatay Ruel?
Nay: Don sa taas tawagin ko lang..
Umakyat na si Nanay sa taas para tawagin si Tatay at nandito kami sa sala..Nakita kong kinakabahan sya.
Ako: Labi, bat ka kinakabahan? Eh kilala ka naman na nila?
Kief: Iba na kasi ngayon...Hoooh!!! Kinakabahan ako..
Aly: Relax ka lang ok..
Bumaba na sina Tatay at itong kasama ko nakakatawa nasa hagdan pa nga sila tapos sya nakatayo na...Excited masyado.
Kief: Mano po Tay..
Tay: Kaawaan ka ng Diyos..Oh napadalaw ka ata?
Kief: Tay, gusto ko lang po sanang personal na magpakilala sa inyo.
Tay: Kilala naman na kita..
Kief: Yes Tay, But I want to Introduce myself bilang boyfriend ni Alyssa..Ako po si Kiefer Ravena boyfriend po ng inyong prinsesa...
Ahhhhhhh...touch naman ako...akala ko kung anong sadya eh yan lang pala pero I love it...By The way alam na nila Tatay na kami na.
Tay: Salamat at pinakita mo kung gaano mo kamahal ang anak namin..Sana alagaan mo sya dahil sayo na rin nanggaling She's our princess..
Kief: Opo Tay..Aalagaan ko po sya..
Nay: O sya tama na yan..Ano maghahanda lang ako ng makakain...
Kief: Ay Nay, Sa susunod nalang kasi po ano..Ipapaalam ko lang po sana si Ly, pede po ba syang isama sa labas? kakain lang kami..
Nay: O segi..ayos lang sa akin..
Kief: Ok lang po ba Tay?
Tay: Ok lang basta wag masyadong pagabi ha..
Kief: Opo..Ly, una na ako sa labas...una na po ako.
Ako: Segi..
Lumabas na si Kief..
Ako: Nay, Tay una po kami...
Nay: Segi..
Tay: Segi, Neng Gusto ko sya para sayo..Segi naghihintay na sya...
Lumabas na ako at sumakay na...
Ako: Labi, salamat ha.
Kief: For what?
Ako: Para kanina...I really appreciate it.
Kief: Wala yon, Thats the right thing to do..I will do everything because I love You..(sabay kiss ng kamay ko)
Ako: I love you too Labi.
Nakarating kami sa Mall at napasulyap ang mata ko sa isang Store..Actually favorite store ko sya..Burger store sya actually ang KaBurger..
Ako: Labi, bili tayong burger dyan oh..Promise Labi sobrang sarap ng burger dyan..favorite ko nga yan..
Kief: Promise?
Ako: Promise...kapag nga makakadaan ako dito ay bibili talaga ako..Kaya sige na Please...
Kief: Segi...
Pumasok na kami sa store at nagtataka ako kung bakit yong mga staff ang lalaki ng ngiti at binabati pa si Kiefer? Ay siguro..regular sya rito..
Kief: Dabs..Upo ka muna dyan ha..order lang ako..
Ako: Ay Labi..CR lang ako saglit...
Kief: May Cr naman kami...I mean sila..
Tiningnan ko ang Cr at ang daming nakapila..
Ako: Don nalang ako sa iba kasi ang daming naka pila.
Kief: Segi, basta balik ka agad ha..
Ako: Oo..
Kief: Love you..
Ako: Sus...
Lumabas na ako at naghanap ng Cr..Buti nalang nakahanap ako agad..Paglabas ko ng Cr at babalik na sana ako suddenly Something caught my attention..pumasok ako sa store.
Ako: Miss, pwede patingin nong Key Necklace?
Miss: Ito po Maam..
It was a gold key necklace at nong nakita ko to si Kiefer ang naalala ko kaya gusto kong ibigay to sa kanya..Binili ko na at pinalagay sa box sabay lagay sa bag. Bumalik na ako sa KaBurger.
Kief: Ang tagal mo ata?
Ako: Sorry..naghanap pa kasi ako..Wow ang dami naman nyan...
Umupo na ako agad at nagsimulang tirahin ang burger..
Kief: Dabs..hinay-hinay naman baka mabulunan ka.
Aly: Ang tagal ko ng di nakakain nito..Ang sarap talaga..Dati diba binibigyan kita ng burger..kasi ang kuripot mo ayaw mong pumunta sa Canteen..
Kief: Di kaya ako kuripot..Sadyang may pabaon lang talaga si Mama na sandwich...Dabs, alam mo ba ang kwento bat pinatyo tong KaBurger?
Ako: Hindi..bakit nga ba?
Kief: Kasi Noong college ang may-ari nito may isang babae na kinukulit sya at palaging bigay ng bigay ng burger..Tapos kahit sinusungitan nya ito ay bigay parin ng bigay..Tapos one time napagsalitaan nya yong babae ng masama at yong babae nasaktan kaya nagpakalayo-layo huli na ng marealized nya na mahal nya yong girl Kaya nong naggraduate sya ay pinatayo nya tong Kaburger bilang alaala sa babae na minahal nya ng sobra at hopeful sya na one time magkita sila ulit at nangyari nga..
Parang kami yon ni Kief ha...Pero imposible..
Kief: Oh nanahimik ka ata?
Ako: Wala lang may naalala lang ako...
Staff: Excuse me Sir Kief...May naghahanap sayo..
Kief: Wait lang Dabs ha..Puntahan ko lang..
Si Kief ang may-ari nito?
Kief: Sorry natagalan ako..
Ako: Ikaw ba ang may-ari ng Kaburger?
Kief: Ha..Oo..pinatayo ko to para sayo..Kaburger kasi K stands for Kiefer and A stands for Alyssa...
Ako: Wow..big time ka na pala..Labi...Swerte ang magiging asawa mo..
Kief: Oo swerte ka talaga Dabs, Syempre mas swerte ako sayo..
Awwwwwwww...Wag ka ngang ganyan..Kinikilig ako...
Ako: Hee!! Bakit alam mo na ba ang mangyayari sa future baka di pala para tayo sa isa't-isa..
Kief: Wag ka ngang nega dyan Davs..Basta gusto ko ikaw lang ang magiging asawa at ina ng mga anak ko...I will do everything to make it happen..Bakit ayaw mo ba akong maging asawa (sad voice)
Ako: Oo..ayaw ko.
Tinaasan nya ako ng Kilay at grabe di na maipinta ang mukha nya..
Kief: Iiyak ako..pag di mo yon binawi..At di mo ko mapapatahan ng mabilis...
Ako: Segi nga...umiyak ka nga..
Mabiro nga to..tingnan natin kung totohanin nya..
Kief: Isa..
Ako: Dalawa...Tatlo..
Tiningnan ko sya at halaka nanggigilid na ang mga luha nya..Wow pede na syang artista..
Ako: Yeah..pwede ka nang maging Artista Labi...
Hindi sya kumibo at O My G...tumutulo na ang mga luha nya...Anong gagawin ko..
Ako: Labi, tahan ka na..tapos na ang audition.
Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha nya...Totoo na talaga to..Anong gagawin ko?..Lumapit sa akin yong JC..
Jc:(bumulong) Lagot ka Maam..pinaiyak mo si Sir..Halaka...(sabay alis)
Ako: Labi naman eh..Wag ka ng umiyak..nagbibiro lang naman ako eh...Tahan ka na..
Hindi pa rin sya kumibo..at umaagos pa rin ang mga luha nya..
Ako: Labi naman eh..
Nagulat ako dahil bigla syang tumayo at umalis..Naku patay anong gagawin ko...Sinundan ko sya kung saan sya pupunta at nakita kong pinahiran nya ang kanyang mga luha..Anong gagawin ko...
Ako: Labi, sandali naman oh..
Hindi pa rin sya lumingon at patuloy lang sya sa paglalakad..
Ako: Labi...wait..
Ang bilis nyang lumakad at ako parang baliw na sunod ng sunod...Umakyat sya ng hagdan at sinundan ko pa rin sya..Wait lang papuntang Rooftop na to ah..Anong gagawin nya don? Magpapakamatay ba sya? NO!!!!
Ako: Labi naman eh...
Umiyak na rin ako...Waaahhh..anong ginawa ko....
Ako: La---bi...sooo--rrry na..Please...Balik na tayo...
Hindi pa rin sya lumingon hanggang nakarating na kami sa pinto papuntang Rooftop..Bigla syang lumingon sa akin at walang ka emo-emosyon..
Ako: Labi--sorry na...
Lumapit sya sa akin sabay sabing..
Kief: Gusto mo ba talagang patawarin kita?
Tumango nalang ako bilang sagot..
Kief: (ngumisi ng nakakakoko) Kiss mo ko...
Binatukan ko sya..
Kief: Araaaayyy!!!!
Ako: Pinahabol-habol mo pa ko..Sira ka talaga..
Kief: Hmp..walang kiss walang bati (sabay talikod sa akin)
Ako: Oo na..
Kief: Talaga?
Ako: Oo nga...Halika rito...
Lumapit sya sa akin at My God Nakakahiya...I kikiss ko na sana sya pero hinawakan nya ang mukha ko...
Kief: Dabs, Mahal na mahal kita..at ayaw kong mawala ka sa akin...
Ako: Mahal din kita Labi..Ayaw ko rin mawala ka sa akin...
Kief: Dabs...Mahal (kiss sa noo) na mahal (kiss sa nose) Kita (kiss sa lips sabay yakap sa akin) I Love You Dabssssss...Sobrraaa...
Niyakap ko rin sya..I just love him so much...
Kief: Dabs, lika may papakita ako sayo sa rooftop...
Ako: Di ka magpapakamatay?
Kief: Wahahahahaha....bakit naman ako magpapakamatay?
Ako: Kasi— ano kasi...
Kief: Di ako magpapakamatay...Bakit ko naman iiwanan ang isang tulad mo? At isa pa ikaw ang buhay ko...
Ako: Sus...
Kief: Tara na...
Hinawakan nya ang kamay ko at papasok na kami sa rooftop ano kayang meron don bat gusto nya makita ko yon? Hmmmmm...kahit na anong nandon basta nandyan sya di ako matatakot dahil pagnandyan sya feeling ko safe ako...
**********************************
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
FanfictionSi Kiefer Ravena ay isang transferee at mahilig sa libro. Paano kung ang tahimik niyang buhay ay magugulo ng isang babaeng nagngangalang Alyssa Valdez na kabaliktaran ang ugali sa kaniya. Totoo kaya ang sinasabi nilang opposite attracts? Pero paano...