Chapter 7

143 5 0
                                    


Kiefer's Pov

Nandito ako ngayon sa library...Palagi naman eh..Sana pumunta sya dito...Namimiss ko na sya...ginusto ko naman to pero bakit winiwish ko na sana hindi nalang yon nangyari at sana di ko nalang sinabi sa kanya ang mga salitang yon...Hayyyy...

Aly: Ma'am sabi po ni Sir James pwede ba daw syang humiram ng Philosophy Book..

Si Alyssa....Medyo na buhayan ako......

Librarian: Segi kumuha ka lang don...

Pumunta sya sa mga shelves at agad ko syang sinundan...

Ako: Alyssa....

Hindi sya lumingon pero alam kong narinig nya ako...

Ako: Pwede ba tayong mag-usap?

Hindi pa rin sya lumingon at hinahanap ang book...

Ako: Segi na namn Alyssa..Please...alam kong nasaktan kita gusto ko sana...na magkaayos na tayo..

Patuloy pa rin sya sa ginawa nya at ako naman sunod ng sunod..Nong abutin na nya ang book ay agad ko namang kinuha yon...

Ako: Hindi ko to ibibigay sayo to hanggat di mo ako kinakausap...
Aly: Eh di sayo na (sabay kuha pa ng isang book)

Anak ng tinapa ang dami pala nito..binalik ko nalang ang book, kinuha ko ang mga gamit at agad na sinundan ko si Alyssa total magkaklase naman kami ngayon...Grabe di ko sya naabutan ang bilis nyang maglakad...Pagdating ko sa classroom ay nakita ko syang kakaupo pa lang, nilapitan ko sya.

Ako: Alyssa, pwede ba pagkatapos ng klase mamaya mag-usap tayo?

Hindi sya sumagot ni paglingon nga sa akin di nya magawa..

Lau: Hoy...kinakausap ka nong tao oh...

Nakita kong kinurot nya ang tagiliran ni Lau...

Lau: Ay di pala pwede mamaya Kief..busy kami...
Ako: Ganon ba..bukas nalang?
Lau: (kinurot ulit niya si Lau) Aray...Hay naku..ewan ko sa inyong dalawa bahala na kayo dyan....

Bumalik na ako sa upuan dumating na din kasi si Sir..Habang nagdidiscuss si Sir ay panay ang sulyap ko kay Alyssa..pero nakikinig lang sya...Hay...
-------------------------------
Nong na tapos na ang subject ay agad kong sinundan si Alyssa.

Ako: Alyssa sandali...

Pero imbes na huminto ay mas binilisan pa nya ang paglakad at halos tatakbo na sya...

Ako: Alyssa...Please naman oh...

Nong maabutan ko sya ay agad kong kinuha ang sandwich sa bag..

Ako: Ito oh para sayo...(sabay abot)

Umiling lang sya at nagsimula ng maglakad...

Ako: Alyssa...sorry..di ko dapat sinabi ang mga yon..sorry kasi ikaw yong nagpagbuntungan ko ng frustation ko..

Nag thumbs up lang sabay lakad...Ano ba ayaw kong ng ganito...namimiss ko na sya...

Von: Yan kasi..di pa aminin...Noon sya yong habol ng habol tas ngayon ikaw naman..Tsk..tsk..halata namang mahal mo sya eh..
Ako: Anong gagawin ko Von...Parang sasabog na ang puso ko...
Von: Kung di mo makuha sa mabutihan kunin mo sa santong paspasan..
Ako: Anong ibig mong sabihin?
von: ang slow naman oh...Humanap ka ng paraan para makausap sya kahit pumayag o hindi.
Ako: Pano?
von: Wow...galing naman..Mag-isip ka!

Paano ko kaya gagawin ang sinabi ni Von.. Ewan bahala na si Batman..
----------------------------------
Kinabukasan maaga akong pumasok sa skwela.. Nakasalubong ko si Alyssa pero wala eh..ni Good morning nga wala ni ngiti wala!! Pero kasalanan ko rin naman nagpadala ako sa inis..Hay basta hindi matatapos ang araw na ito na hindi ko sya mamakausap Mark my Word...
-----------------------
Sa wakas uwian na...agad kong hinanap si Alyssa halos malibot ko na ang buong school diko pa rin sya makita... Wala na ring masyadong tao hmmmmm...Saan kaya sya..Aha! Sa canteen...Agad akong nagpunta roon at nakita ko syang tinititigan lang ang burger na palagi nyang binibigay sa akin...

Ako: Hi...

Nagulat sya sa paglapit ko at agad namang syang tumayo...Hinawakan ko ang kamay nya...

Ako: Please naman Alyssa oh...Mag-usap naman tayo oh hindi ko na kaya to..

Kinuha nya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya at agad nagpapatuloy sa paglalakad...Ano ba!! BAHALA NA SI BATMAN!!!
Ayaw nya ah..binuhat ko sya nong parang pangkasal at panay ang pagpupumiglas nya...

Aly: Ano ba!!! Ibababa mo nga ko!!!

Di ko sya pinakinggan basta ang nasa isip ko lang nga yon ay makausap ko sya ng masinsinan...Buti nalang talaga at wala ng masyadong tao..Nakarating kami sa Park malapit sa mga subdivision namin...Binaba ko sya sa isang swing at doon sya umupo.

Ako: Siguro naman makikinig ka na diba?

Di pa rin sya umiimik at ni tingnan ako ng diretso ay di nya magawa.Hoo! Hiningal ako don...May kinuha sya bag nya at tama nga sila napaka caring nya...Inabot nya sa akin ang isang mineral water..Kinuha ko naman ito at ininom..

Ako: Salamat (sabay balik ng mineral water)

ang bait talaga nya...

Ako: Alyssa...una sa lahat pasensya na kung binuhat kita eh kasi naman ayaw mo akong kausapin eh..Gusto ko sana sabihin sayo na sorry dahil sa mga sinabi ko..Di ko sinasadya.nadala ako sa galit, sa inis..siguro sa selos..

Napalingon sya sa akin pero agad din nyang binawi pero atleast alam kong nakikinig sya sakin..

Ako: Sorry talaga....sorry....Alam mo ba...miss na miss na kita...Yong mga pangungulit mo sa akin...Yong pag-aalaga mo sa akin..Lalo na ang pagtawag mo sa kin ng Labidabs...

Nakita ko syang ngumiti pero di na pinapahalata sa akin..

ako: Alam mo ba winiwish ko na sana di nalang nangyari yon..na sana hanggang ngayon kasama pa rin kita..

nagbabadya ng tumulo ang luha ko pero pinipigilan ko lang..

Ako: Sa tuwing nakikita kita..gustong-gusto na kitang yakapin....Miss na miss na miss kita..Alam mo ba yon? Sa tuwing nandon ako sa library naghohope ako na sana pumunta ka at kulitin ako uli pero alam ko malabo yon dahil nasaktan kita ng sobra... Alam mo ba Ly..halos madudurog na ang puso ko sa tuwing umiiwas ka...Palagi kitang sinusundan pauwi sinisigurado ko na safe ka palagi..Sana pinigilan ko na lang sarili ko..Ang tanga-tanga ko...

Diko na napigilan ang pagbasak ng mga luha ko..Agad ko itong pinahiran..

Ako: Ly..sana patawarin mo ako......Nagseselos ako non ..Dahil nakita kita na may kinakausap na ibang lalaki..at hawak-hawak pa ang kamay mo..Arrrggh.Nong nakita ko kayo gustong-gusto kong lumapit at suntukin sya..pero sino ba naman ako..Alam mo ba dahil sa mga nangyari may na realized ako, Di ko pala kaya ma mawala ka sa piling ko....

Bahala na ...basta dapat ko ng sabihin sa kanya..

Ako: (umupo ako sabay hawak ng mga kamay nya) Alyssa...Mahal kita..Mahal na mahal..

Bigla nalang bumagsak ang mga luha galing sa mata nya papahiran ko sana pero agad nya itong pinahiran..

Ako: Mahal na mahal kita at ayaw kong mawala ka...Ngayon ko lang naramdaman to..Alyssa Mahal na mahal kita..Sana bigyan mo ako ng chance—ng isa pang chance na patunayan yon sayo...Dahil Mahal na mahal kita...

I will do everything just to get/win her back...Mahal na mahal ko sya..Mahal na mahal...

****************************************************************************************

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon