Alyssa's Pov
Lau: Hoy Alyssa Valdez!!!! Bilisan mo na dyan!!!
Ako: Wait lang naman!!
Lau: Ang tagal mo!!! Baka pagdating natin don Yong BONFIRE ay maging BONSNOW na dahil sa tagal mo!!!
Ako: (sarcastic) Ang Galing!!!! Super NAKAKATAWA!!! Oo na.. palabas na ko..
Itong si Laura talaga ang ingay din..palibhasa sila yong nauna sa CR at ako yong huli..Pumunta na kaming dalampasigan..hmmm..well Bonfire pa naman sya..Ok Waley..
Den: Wow!!! Ang aga nyo ah..
Lau: Pagalitan mo yan!! (Sabay turo sa akin)
Ako: Oo na..Sorry po (ginaya si Chichay ng G2B)
Von: Buti naman nandito na kayo...
Kararating lang ng mga lalaki at dala-dala ang mga pagkain namin at drinks...Wait lang wala ata si--
Von: Oy...may hinahanap sya..
Ako: Tsk..Wala no..tinitingnan ko lang kung may dala ba kayong tubig..
Von: Palusot pa more
Ako: Hindi nga...Lau oh..yong boyfriend mo!!!
Lau: Aminin mo na kasing hinahanap mo sya...
Abay kala ko naman kakampihan nya ko...kaibigan ko ba talaga to..Walang Compassion..
Von: Oh..nandyan na yong LABIDABS mo!!
Lumingon ako sa deriksiyon na tinuro nya ng...
Sila: Buwahahahahahaha...
Takte naman oh!! wala naman talaga!! Ang slow ko talaga..di ko man lang naisip na ginogood time lang nila ako ...
Von: Oh...di daw hinahanap ha..
Ako: Hmp..(sabay upo at crosshand)
Jemy: Parating na si Kuya Kief....Wait lang bat may dala syang gitara?
Gusto ko sanang lumingon pero pinipigilan ko lang baka pinagtritripan lang nila ako...
Kief: Sorry Im late..
Muntik ko ng mabuga ang tubig na iniinom ko...Nandito na nga talaga sya...
Kief: Oh Jay...ito na yong pinapakuha mong gitara...
So may dala nga sya...lumapit si Von sa akin sabay bulong ng..
Von: Hahahahaha...Wag pahalatang miss mo na sya...
Pinalo ko sya...sira talaga to...silang dalawa ng Gf nya.bagay nga talaga sila..
Lau: Ok everyone have a sit...
Umupo na rin sila at right now pinapapalibutan na namin ang fire...Ito yong pagkakasunod namin...Ako, den, Amy, Jemy,Geselle, Yel, Lau, Von, Chibuezze, Mat, Kief, Jay, Adrian and Aaron. Nagsimula ng mag strum si Jay..."Laklak" ang jinajam namin..diba lakas ng trip namin no? Ang dami pang kanta at di ko na matandaan lahat..
Lau: Ok..tama na ang kantahan..pagod na yong lalamunan ko...Hmmmm...Lets Play a Game...
Den: Anong Game?
Lau: Pahingi nga ng isang empty bottle ng softdrink...
Amy: Here..(sabay abot ng bote)
Lau: Siguro naman alam nyo ang Truth or Dare diba?
Kami: Yessss...
Lau: Here's what we gonna do...Instead na Truth Or Dare, Gawin natin itong Truth Or Truth..
Yel: Ha? So walang parusang mangyayari?
Lau: Of course meron...This is the instructions...Itong bote na ito ay papaikutin at kung sino man ang matatapat dito ay sya ang tatanungin..pagkatapos nyang sagutin ang tanong ipapaikot nya ulit ito at kung sino man mamatapat sa bote ay sya ang tatanungin ng nagpaikot ng bote...so on and so for... Gets?
Den: Ha? Diko masyado na gets..
Lau: Slow naman nito...For example, ako ang nagpa ikot ng bote....then natapat ito sayo...So ako ang magtatanong sayo kasi ako yong nagpaikot..at kung nasagot mo na ang tanong..papaikot mo to at ikaw naman ang susunod na magtanong...
Den: Ah....gets ko na...
Amy: How many questions?
Lau: As long as di ka satisfied sa sagot nya pwede mo syang tanungin ng tanungin pero hanggang tatlo lang na follow up questions at kung hindi nya parin masagot ng klaro ay paparusahan sya...Kahit anong parusa na gusto mong ipagawa sa kanya...So Am I Clear?
Kami: yes...
Jay: Wait lang...paano kung tapos na sya pero yong pag stop ng bote ay sa kanya uli..So uulit ba sya or hindi na?
Lau: Hmmm..it depends sa ating lahat kung uulit ba o hindi..Basta.So ano game?
Kami: Gammeee!!!!!
Kianakabahan ako sa Larong to ah..at parang gusto ko ng magback out...Pero ayaw ko namang sabihan nila na KJ...So bahala na..Game..
Lau: So..Let The Truth Or Truth Begin!! And since ako ang facilatator ako na ang mauuna...
Pinaikot ni Lau ang bote and luckily kay Von yon huminto...
Kami: Ayieeee....
Lau: Shssss....Ok..Mahal mo ko diba? Dahil kung hindi itong kamao ko..kating kati ng manuntok...
Von: Ang sadista mo talaga...Of course...I LOVE YOU...more than my Life...
Kami: Yieee...
Bigla nalang nagblush si Lau pero di nya pinapahalatang kinikilig sya...
Lau: Sus...Hindi yan ang totoong tanong..My question is...bakit mo ko minahal?
Von: (hinawakan ang kamay) Kapag nagmahal ka...walang exactong rason kung bat mo sya minahal...Basta mahal lang kita...
Mas lalong namula si Lau...pagkatapos ni Von ay pinaikot ito at natapat kay Amy.
Von: NBSB right?
Amy: Yeah..
Von: My question is...Do you believe that Love is Blind? and Why you don't or believe so?
Amy: Well for me Yes, Because humans can't choose whom he or she falls in love...He/she just feel it...Love can't see her/his imperfections even if billions of people will tell him/her that the person he love has different imperfections because what he can only see is that she was just perfect. Because a person who trully love someone will accept her/his side of imperfections without any hesitation...Hmmmmm..That's it!!
Natahimik kami bigla...grabe itong si Amy...ginalingan din..
Amy: Why? Is there any problem?
Lau: Very Well said Miss USA..
Yel: Amy ha..seryoso masyado...easy lang..
Nagtawanan nalang kami...
Nagtuloy-tuloy na hanggang sa...Huminto ang bote sa tapat ni Kief..
Von: Hmmmm..this is so interesting...
Si Von ang magtatanong kasi bumalik sa kanya ang bote and most us here decided to let him answer Mat's question.
Den: Von..dapat magandang tanong yan ha...dapat yong sapol na sapol...
Von: Akong bahala...Let the expert do his Job..*grin*
Diyos ko po...Heto na ba ang kinatatakot ko? Von..pag yang tanong na yan naku...sinasabi ko sayo...
Von: Ok...Bro..I have a questionssss for you..
Kief: Ang dami non ah...
Von: Syempre..Bro, Do you love or still love her?
Pagkabigkas na pagkabigkas ni Von ng tanong na yon biglang naging abnormal ang tibok ng puso ko..Parang may nagkakarera sa loob ng dibdib ko..Tahimik lang kaming nakikinig para bang nag-aabang ng susunod na mangyayari..
Von: Ano bro..Do you love or still love her?
Kief: Yes...I love her, I still love her and I will always love her...
Hindi ko alam kong tama ba yong nakita ko or namamalikmata lang ako? Kasi habang sinasabi nya yon...nakatingin lang sya sa akin na para bang sincere talaga sya...
Von: Eh bakit di mo sya kinausap?
Kief: Tinatry ko naman pero feeling ko kasi may something na nakaharang sa amin..Alam mo yon...
Von: Kung mahal mo sya bat hindi mo sya kayang lapitan at basagin ang anumang harang na nakapagitan sa inyo? Mahal mo nga talaga sya?
Tahimik lang kaming nakikinig at feeling ko konti nalang at maiiyak na ako dito...
Kief: Mahal ko sya mahal na mahal...
Lau: Hep-hep...3 follow ups na yon Von..Ano satisfied ka ba sa mga sagot nya?
Von: Honestly, No...
Kief: Ha? Totoo naman lahat ng yon ah..
Lau: No But's.Ok Von pwede mo syang E dare ng kahit na anong gusto mo (with matching tease smile)
Von: Let me handle it Loves..(at nag apir sila)
Hindi ko alam pero mas lumakas pa ang tibok ng puso ko..
Von: Ok Kief, lapitan mo sya ngayon, umupo ka sa tabi nya at ekiss sya sa--Chicks lang.
Tumayo si Kief at Papalapit na sya dito...Sana di nalang ako sumali sa pahamak na larong to... Dahan-dahang lumayo ng konti sina Den at Aaron na parehong na side ko...Waaaaahhhh...Ito na ba ang parusa para sa akin?
Kief: Pwede ba akong umupo sa tabi mo?
Bakit ba ganito to...Bakit? Tumango nalang ako bilang sagot..Umupo sya sa tabi ko at di ko na ata naririnig ang nangyayari sa paligid dahil ang tanging nadidinig ko nalang ngayon ay ang tibok ng puso kong nag-uunahan tila ba nagkakarerahan...
Von: Two Dares' Down and One more to go..
Mat: Pano pag di nya ginawa yong isa? What is the consequences?
Von: Ililibre nya tayo ng isang buong buwan...ng kahit na anong gusto natin...
Mat: Yon oh!!! Wag mo ng gawin...
Alam kong kaya nyang gawin yon...
Kief: Ahm...Ly, Can I kiss You?
Tahimik pa rin sila at halatang nag-aabang sa isasagot ko..Aayaw man ako pero konsensya ko rin naman pagnamulubi sya..dahil alam ko ang mga utak nitong kaibigan nya...
Tumango ako bilang tugon..At unti-unti nyang nilapit ang mukha nya ng..
Yel: (tinawag ako) Alyssa...
Ako: Oh bak— tsup
Sila: Waaaaaaaaahhhhhhhhhhhh....
Nagkatinginan kami sa mata...at punong-puno ng emosyon ang mga ang mga mata nya..Alam nyo naman siguro ang nangyari diba? Nong nilapit na ni Kief mukha nya..yong mga kaibigan ko nasa likod nya at tinopak kaya yon Sapol...Feeling ko ngayon ang pula-pula na ng mga pisngi ko dahil na fefeel ko na sobrang init nito...Itong laro na to pahamak talaga...At di ko pa alam kung ano ang mangyayari pa..
***************************************************************************************
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
FanfictionSi Kiefer Ravena ay isang transferee at mahilig sa libro. Paano kung ang tahimik niyang buhay ay magugulo ng isang babaeng nagngangalang Alyssa Valdez na kabaliktaran ang ugali sa kaniya. Totoo kaya ang sinasabi nilang opposite attracts? Pero paano...