Chapter 37

169 2 0
                                    

"Maybe This Time"
Chapter 37

Third Person Pov

Nang matumba si Dave ay agad na nilapitan at kinalagan ni Kief si Ly..Niyakap nya ito ng mahigpit na mahigpit pero ang di nya alam ay nakabangon na si Dave at kinuha ang baril na tumilapon. Tinutok ni Dave ang baril kay Kief ngunit nakita ito ni Ly. Nong pinutok na ni Dave ang baril agad namang tinulak ni Ly si Kief dahilan ng pagkatumba nito at ang pagtama ng dalawang putok ng baril sa katawan ni Ly. Bigla pumasok rin ang pulis at binaril si Dave.

Kief: Dabsss..Dabs..Wake Up..Dabbbssssssssss....!!!!!!! Tumawag kayo ng ambulansya...pleaseeeeee....Dabs....

Pumasok rin sina Laura, Den at iba pa nilang mga kaibigan.

Laura: My God...Ly..Ly...
Von: Parating na ang Ambulance..
Den: Ikaw babae ka!!!

Agad na sinugod nina Den si Stacey at pinagsasampal nila ito..Pinipigilan naman sila ni Jc pero sinuntok sya ng mga lalaking kaibigan nina Kief..Halos di na maawat  sila ng mga pulis..

Den: Hayop kang babae ka!!!!! Pag may mangyaring masama sa kaibigan namin mananagot ka talaga!!!
Stacey: Like Daaahhhh!!! Im not the one who shoot her remember? It was DAVE!!! Shonga lang..
Den: Abay sumasagot ka pa ha (sabay sabunot kay Stacey)
Stacey: Let me go!!!! Dont touch me!!!
Amy: You Bastard!!! Your such an evil woman!!! I'M GONNA MAKE YOU A LECTHON!!!
Stacey: Letchon your face!!
Amy: Ah ganon (sabay hila ng buhok ni Stacey)

Dumating na rin ang ambulansya at agad na isinakay si Ly..Umiiyak na si Kief at kahit anong patahan nito ay di nya napipigilan..Ngayon hawak hawak nya ang kamay ni Ly.

Kief: Dabs..please..lumaban ka...Dabs..Hindi ko kayang mawala ka..Dabs...

Nong makarating na sila ay agad na isinugod si Ly sa ER at doon inoperahan na sya ng doktor.

Sa labas naman hindi mapakali si Kief.

Kief: Kasalanan ko to!!!!!!!
Von: Ano ka ba Kief stop blaming yourself hindi mo yon kasalanan..Kasalanan yon nina Dave,Stacey at JC..
Kief: Paanong di ko sisihin ang sarili ko na ako ang dahilan kung bakit sya nabaril...(sabay suntok sa pader) Wala akong kwenta (sabay suntok ulit)
Von: Ano ba Bro wag ka ngang ganyan sa tingin mo gusto yan ni Alyssa na nakikita kang sinasaktan ang sarili mo ha!!!!! Yan nagdudugo na yang kamay mo!!!! Teka lang tatawag lang ako ng doctor para gamutin yang kamao mo..
Kief: Di ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya!!!!

Ginamot na ng doctor ang kamay ni Kief at ilang sandali pay nagsidatingan na rin ang mga kaibigan nila at ang family nila..

Nanay Lita: Nasaan Ang anak ko..
Kief: Nasa ER pa po sya Nay...

Humagolhul na rin ang nanay ni Ly at kasalukuyang pinapatahan ng asawa nya...Si kief naman ay di na rin maiwasang umiyak at kahit pilit syang nagpapakatatag pero di nya mapigilan dahil si Alyssa ang lakas nya..Lumapit sya sa magulang ni Ly.

Kief: Nay..Tay...Sorry po..(sabay bagsak ng mga luha niya) Sorry po kung di ko na protektahan si Ly..Sorry po kung nandahil sa akin ay nabaril sya...Sorry po kung wala akong kwenta..Sorry po kung—
Nay: Shsssss....wag mong sisihin ang sarili mo Kief walang gusto na mangyari yon sa kanya..At isa pa di naman ikaw ang may pakana ng lahat kundi yong Dave na yon na tinuring ko pa naman na parang anak..Tapos...
Tatay: Tama na yan baka kung mapano ka pa..Basta dapat nating gawin ngayon ay magdasal..

Lahat sila ay di na mapakali lahat ay kinakabahan...
Habang sa loob ng ER..ay kasalukuyan syang inooperahan..pero..

*tiiiiiiiiiiiiiiiiiitttttt**

Ang tunog ng makina na nagsusuporta ng buhay nya...pero nag straight line na ito at kahit anong gawin ng doctor..pinump na sya at kung ano ano pa pero..

Doctor: Time of Death..4:30 pm

Lumabas ang doctor at sabay sabing..

doc: Im sorry..We did our best but talagang napuruhan ang kanyang lungs mula sa mga bala ng baril kaya di na namin sya marevive...Im sorry...Pede nyo na syang puntahan sa Morgue..

Bumuhos ang mga luha mula sa mga taong nagmamahal sa kanya..Pero dapat nilang tanggapin...

Kiefer's Pov

Dalawang buwan na ang nakakaraan pero hanggang ngayon diko parin matanggap ang nangyari.. At ngayon magpapasko na pero wala sya..miss na miss ko na sya..miss na miss ko na ang pagsasamahan nmin miss ko na ang mga ngiti at tawa nya..Dabs..Bumalik ka na...
Nandito ako ngayon sa park kung saan naging saksi ito sa aming pagmamahalan..Nakaupo ako ngayon sa  swing habang natingala sa langit...

Ako: Dabs..Miss na miss na kita..(kasabay non ang pagbagsak ng ulan mula sa kalangitan)

Hindi na ako nag abala pang sumilong..bakit pa?
Nagulat ako ng biglang may sumondot sa tagiliran akala ko talaga kung ano na buti bata lang pala..Nakaraincoat sya..Babae sya..nasa 6-7 years old.

Bata: Kuya..bat di ka sumilong? Hindi mo Ba alam na umuulan?

Napangiti nalang ako sa tanong nya..

Ako: Alam ko baby na umuulan..Kaya segi na sumilong ka na.
Bata: Eh bat ka po di sumilong?
Ako: Ayaw ko lang..
Bata: Bakit po?
Ako: Kasi Baby nawala na yong mahal ko kaya nawalan na rin saysay buhay ko..
Bata: Nasaan po ba sya? At isa pa po bakit nawalan saysay ang buhay nyo po eh habang may buhay may pag asa..Tingnan nyo po ako...Ano sa tingin mo po ako.
Ako: Ahmm...masayahin kang bata..
bata: Yan po ang tingin nyo pero pag tinanggal ko to (sabay tanggal ng raincoat nya)

Nagulat ako sa nakita ko..

Bata: May Stage 2 cancer po ako pero hindi parin ako nawawalan ng pag asa..kasi alam ko balang araw ibibigay ni papa God ang wish ko lalo na at malapit na ang pasko..kaya dapat ikaw rin kuya..
Ako: (tinakpan ko ulit ang gead nya ng raincoat) Salamat baby ha..salamat at binigyan mo ko ng bagong pag asa..Tara na hatid na kita..
Bata: Kuya wag ka mawalan ng pag asa..

Hinatid ko na sya sa Nanay nya..

Ako: Salamat Baby..Ano nga name mo..
Bata: Ah Lyssa po.
Ako: Alyssa?
Bata: Hindi po..Lyssa lang..
Ako: Ah ganon ba..segi muuna na ako baby..salamat ulit..Maam ang bait po ng anak nyo at hulog po sya ng langit...Una na po ako..

Agad akong nagdrive..at tila ba nag eecho ang sinabi ni Lyssa..Habang may buhay may pag asa...
nang makarating ako ay agad akong nagpark at dali daling punta sa kwarto at naabutan ko sila..

Ako: Nay..ano pong pinipirmahan nyo?
Nay: Ito yong nagpapatunay na pumapayag na kaming putulin ang mga nakakabit sa kanya..naawa na kami sa kanya..
Ako: Nay..please po wag po muna...please po..alam kong kaya nya..kakayanin nya po ang lakas kaya nya..isa sya sa babaeng nakita kong napakalakas..

Agad akong pumasok sa kwarto nya..umupo ako sa tabi nya..

Ako: (hinawakan ko ang kamay nya) Dabs...

Heto nanaman ang mga luha ko..nag uunahan na naman sa pagbagsak..

Ako: Dabs..gising ka na please..miss na miss na kita..Alam mo kanina may nakita akong bata at binigyan nya ako ng bagong pag asa..kaya Dabs..gising na..

Ang sakit sa dibdib na nkikita syang nahihirapan lalo.na at mga makina nalang ang nagpapabuhay sa kanya..

Ako: Oy..gising na please...ang haba na ng tulog mo...tama na yan..kailangan ka na namin dito...Balik ka na please...

Kahit anong pigil ko bumabagsak pa rin ang mga luha ko..napayuko nalang ako sa kama nya...habang hawak hawak ang kamay nya...
Nagulat ako ng biglang may humawak sa ulo ko..Napaahon ako at nakita ko   syang naka ngiti..

Ako: Dabs..(kasabay non ang pagbagsak ng mga luha ko)
Aly: Salamat at hinintay mo ko...Alam mo hindi talaga ako sumama don sa mama na nakita ko imbes na sasama na sana ako pero nadinig ko iyak mo kaya sinabi ko na..Manong ayaw ko pa pong sumama sa inyo kasi po may baklang iyak ng iyak at may baklang naghihintay sa akin at isang Bakla na mahal na mahal ko...

Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit...Thank you Lord..Thank you Baby Lyssa..

*****************************************
A/n: Salamat po sa patuloy na pagbabasa and last 3 chapters nalang po..Salamt po ulit love love😊😊😊😘😘😘😘





Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon