Chapter 19

152 4 0
                                    


  Kiefer's Pov

Papunta ako sa Clinic ni Ly para yayain sya na pumunta at magbakasyon saglit don sa resort na pinuntahan namin ng barkada.Total friday naman at weekends na.

Ako: Kc, nasan si Ly?
Kc: Nasa Loob po kuya..Pumasok na lang po kayo.
Ako: Segi.

kumatok ako at sumagot naman syang Pasok..so Pumasok na ako.

Ako: Dabs..Anong ginagawa mo?
Aly: Tinatapos ko lang tong mga papers ng mga pasyente ko bakit?
Ako: Ah..Segi. Dito na muna ako.
Aly: Anong sadya mo?

Bakit iba ata ang tono nya.

Ako: Gusto ko lang sana na—
Aly: Mamaya nalang..
Ako: Ok.

Hay...may mood swings na naman siguro to. Basta kahit pa may moodswings sya araw-araw wala akong paki basta mahal ko sya.
**********************************************

Aly: Labi...Labi gising na..

Dinilat ko ang aking mata at nakita ko syang nakangiti..Oh...bumalik na naman sya sa mood nyang mabait.

Aly: Labi..ang pangit mo...Yong laway mo oh tumulo na.
Ako: Shit.

Pinahiran ko ang bibig ko at wala naman ah..

Aly: Buwahahahahahahahaha

Ang lakas ng tawa nya para bang wala ng bukas..Grabe sya ha...Hmmmmm..lagot ka sa akin...magtampo-tampuhan nga ko...Tignan ko lang...

Ako: Masaya ka na? Nakakatawa yon?

Tumigil sya sa kakatawa at tinignan ako.

Aly: Ang sungit naman...Kasi naman yong—
Ako: Sa tingin mo nakakatawa yon?

Pinagpatuloy ko ang strikto kong boses..Tignan lang natin ngayon kung sino ang nakakatawa..

Aly: Labi naman joke lang yon..

Tumalikod ako..galing mo Kief.

Aly: Labi sorry na...sorry na Labi..

Hindi ko pa rin siya tiningnan..

Aly: Labi...Sorry na..patawarin mo na ko..Please...

Halata sa boses nya na nagpapa-awa at humihingi ng patawad..

Aly: Labi..(sabay sundot sa tagiliran ko)

Abay sinusundot pa ako ah...

Aly: Labi...oi...Sorry na...Labi..(sinusundot pa rin ako) Labi....naman..sorry na..Please..Patawarin mo na ko...Please...

Tiningnan ko sya at naka puppy eyes pa...

Aly: Labi Pleas— waaaahhh...

Inipit ko sya sa kilikili ko..., niyugyog at niyakap ng mahigpit...

Ako: Kung di lang kita Love eh...baka nasapak na kita...
Aly: Ah ganon?
Ako: Hindi ko yon magagawa dahil loovvveee kitaaaa...(sabay yakap ng mahigpit)
Aly: Tama na di na ako makahinga...
Ako: ay..sorry. (sabay bitaw)
Aly: Bat ka nga pala napadalaw Labi?
Ako: Busy ka ba bukas?
Aly: Hindi naman.. Bakit?
Ako: Out of town tayo..Sabado naman bukas eh.
Aly: Saan naman?
Ako: Don sa resort na napuntahan natin kasama ang barkada.
Aly: Sasama din sila?
Ako: Hindi..tayo lang...para naman walang panira ng moment at saka may mga bagong offer na sila..Ano sama ka?
Aly: Hmmmmm...
Ako: Segi na Labi...
Aly: Kung papayag sila nanay...
Ako: Yon lang naman pala eh..Tara na..

Hinawakan ko ang kamay nya at lumakad.

Aly: Wait san tayo pupunta?
Ako: Ipapaalam kita sa Parents mo...tara..
Aly: Wait lang diko pa nasasarado ang clinic..
Ako: ..Kc..Pede kaw nalang magsarado ng clinic? Please..
Kc: No probs po Kuya...
Aly: Una na ko KC ha..Uwi ka na rin...
Kc: Opo Ate Ly...

Binuksan ko na ang pinto ng kotse at pumasok naman sya pumunta naman ako sa driver side. Nagsetbelt at nagdrive na...at mabilis naman kaming nakarating sa kanila..Nagpark na ako at hinawakan ang kamay nya..Pumasok na kami at sana pumayag yong parents nya. Nadatnan namin ang tatay nya nanonood ng Tv..

Aly: Tay (sabay Mano)
Ako: Mano po tay..
Tay: Kaawaan kayo ng Diyos..
Aly: Bihis po muna ako...

Umakyat na sya sa taas at ako naiwan kasama si Tatay Ruel.

Ako: Tay..May sasabihin po sana ako.
Tay: Ano yon.
Ako: Pwede po bang ipagpaalam si Ly? Mag out of town po sana kami don po sa resort na napuntahan na namin kasama nag mga kaibigan namin.
Tay: Kailan naman?
Ako: Bukas po sana..Kung papayag po kayo.
Tay: Kasama nyo ba ang mga kaibigan nyo?
Ako: Hindi po..kami lang dalawa po..
Tay: Ilang araw kayo roon?
Ako: Ano po bali pupunta kami bukas, matutulog kami ng isang gabi at sa sunday ng hapon o kung mamatatraffic baka gabi na kami makakauwi.
Tay: Segi papayag ako...
Ako: Yes..Salamat po Tay.
Tay: Pero...Kief alagaan mo sya..Ang laki ng tiwala ko sayo na di ka gagawa ng kahit anong masama..
Ako: Promise po..Iuuwi ko po sya ng safe sa inyo.
Tay: Malaki na kayo at alam ko na ang mga limitasyon ninyo..At lalaki sa lalaki wag kang gagawa ng melagro..

Napatawa ako sa sinabi ni Tatay.

Ako: Opo..Good Boy Po to...Promise..
Nay: Oi..Kief nandito ka pala..

Tumayo ako at nagmano..

Ako: Opo Nay..Ipapaalam ko lang sana si Ly na mag out of town bukas..ok lang po ba?


Nakita kong lumingon sya kay Tatay Ruel at tila nagkakaintindihan sila..

Nay: O segi basta..Alagaan mo sya.
Ako: Opo Nay..Promise..

Nakita kong pababa na si Ly...At nag thumbs up ako ngumiti naman sya..

Nay: O sya dito kana kumain ng hapunan...Segi maghahanda na kami..Neng, Tulungan mo ko..
Aly: Opo..

Umalis na sila papuntang kusina..

Tay: Ano nga ulit pinagkakaabalahan mo ngayon Kief?
Ako: Ano po...Pinapatakbo ko po ang sarili kong negosyo ang KABurger.
Tay:(nagulat) Ikaw pala ang may-ari nyan?
Ako: Opo..
Tay: Abay...ang sasarap ng burger nyo dyan ha..paborito namin yon lalo na ni Eneng..
Ako: Ay salamat po..Sinabi nga po sa akin ni Ly.
Tay: Ang sipag mo naman pala..
Ako: Salamat po..Para rin po yon sa future.
Tay: Ah..mabuti yon..
Aly: Tay kain na daw po...Kief halika ka na..

Tumayo na si Tay Ruel at ako Rin at agad na nagtungo sa kusina..Hinila ko ang upuan para makaupo si Ly. Ngumiti sya bilang tugon..Puro kulitan lang sila lalo na yong mga kapatid ni Ly..Tinutupak rin pala ang mga yon..hahahaha..Ang cute nila lalo na pagnag-aasaran. Nong matapos na kaming kumain ay nagpresenta si Ly na sya na ang maghuhugas ng pinggan.

Aly: Nay, ako na po ang maghuhugas ng pinagkainan.
Nikko: Sus, papansin din tong si Neng..Kasi nandito yong Labi nya...nagpapansin...
Aly: Wow..galing mo kuya...Segi kaw nalang!!
Nikko: Hahahaha joke lang...Manonood pa ko ng PBA..bye..
Aly: Tingnan mo tong si kuya Nikko..Tsk.Tsk. Pagpasensyahan mo na yong kuya ko Labi ha..
Ako: Sus..wala yon ganon din kami ng mga kapatid ko...Halika tulungan na kita.
Aly: Wag na..Bisita ka namin kaya re—
Ako: Sus alangan namang pabayaan kita..Ako na dyan..
Aly: Kaw bahala Labi basta di kita pinilit..

Dinala ko na ang mga Plato sa lababo at nagsimula ng maghugas.

Aly: Marunong ka palang maghugas?
Ako: Ah ganon..Anong sabi mo?

Kumuha ako ng mga bula at akmang lalagyan sya..

Aly: Joke lang..Joke..Peace (sabay peace sign) Waaaaaaahhhh...Labi tama na..
Ako: Halika rito...Madami pa oh!!

Winiwisikwisikan ko sya ng mga bula...Akala mo ha.

Aly: Tama na...Labi eh..Maghugas na tayo..

Pinaandar na nya ang gripo at..

Ako: Ah------
Aly: Hahahahahaha kwits na tayo Labi...Yan patas na ha...

Winisikan nya ako ng Tubig..

Ako: Oo na kwits na tayo halika ka na..maghugas na tayo baka pagalitan na tayo ng Nany Mo...
Aly: Promise di ka na mangwiwisik ng bula?
Ako: Oo..
Aly: Promise muna..
Ako: Oo nga..Promise..Cross my heart..
Aly: Promise yan ha..

Hinay-hinay syang lumapit at wiwisikan ko sana pero nangako na ko..Salamat at natapos rin...Nagpaalam na ako kina Nanay na mauuna gabi na rin kasi at hinatid ako ni Ly sa labas ng gate nila.

Aly: Labi paano mo pala sila napapayag?
Ako: Sus wala ka bang bilib sa kagwapuhan ng Labi mo? Ako pa.
Aly: Whoah Ang lakas ng hangin...segi na sumakay ka na sa kotse mo baka masapak pa kita.
Ako: Kiss mo na...(sabay nguso)
Aly: Itong kamao ko nanapak to..Ano gusto mong sampol?
Ako: Joke lang..Di na mabiro..Una na ako Dabs..Bye..Goodnight.
Aly: Bye..Good night..Ingat ka.
Ako: Mahal kita...
Aly: Segi na..alis na..
Ako: I love you muna..I love you..
Aly: Segi na nga..I Love You too Labi...
Ako: Payakap naman..

Diko na sya hinintay na makasagot at niyakap ko na sya..

Ako: Mahal na mahal kita Dabs...
Aly: Mahal din kita Labi...Segi na..

Sumakay na ako sa kotse at nag flying kiss..

Ako: Dabs, saluhin mo..

Sinalo naman nya..hahahahaha baliw din to..

Ako: Love you...

Nakita ko sa side mirror na nag wave sya.. Hahahay gusto ko ng mag-umaga na..Salamat sa Diyos at nakarating ako ng safe sa bahay at natulog na rin dahil maaga pa kami bukas.
-----------------------------KINABUKASAN----------------------

Maaga akong nagising at agad naligo..Pagkatapos maligo ay nag-impake na ng dadalhin at nag-almusal na..Eksaktong Ala Syete ay paalis na ako sa bahay..

Mama: Kief, mag-ingat kayo ha..at tandaan mo..Wag magloko..
Ako: Ma, goodboy to..Segi na..Una na ko Ma..Bye..(beso)
Ma: Ingat..hinay - hinay sa pagmaneho..
Ako: Opo..

Nakarating na ako kina Ly at pagkatapos ng limang minuto ay lumabas nya at grabe isang maleta talaga ang dala.

Ako: Dabs, pinalayas ka ba sa inyo?
Aly: Heee..Si Nanay kasi kung ano-ano ang pinadala sa akin..

Kinuha ko na ang maleta nya at nilagay sa likod ng kotse..Nakasakay na sya sa pasenger Sit at ako naman naman sa driver sit.. Mahaba habang byahe to ah..

Ako: Dabs..Kung inaantok ka matulog ka na muna..malayo-layo pa yon..
Aly: Hindi pa naman ako inaantok..Drive ka na..OK lang ako..

Nagdrive na lang ako at matapos ata ang 20 mins. Tulog na tong kasama ko..

Ako: Di daw inaantok..

Tiningnan ko sya at tulog na tulog talaga sya..siguro maaga tong gumising.. Hindi ko nalang sya inabala pa, nagdrive nalang ako.
-----------------------------------------------------------------

Ako: Dabs...gising na..Nandito na tayo..Dabs..

Hinay-hinay na dumilat ang mata nya at mukhang half tulog pa rin to kasi naman..

Aly: Ang gwapo- ang pogi mo talaga Labi (sabay pisil ng ilong ko at pikit ng mata)

Natawa nalang ako sa ginawa nya..Ganito pala sya pag half tulog..Ang cute..

Ako: Dabs.Dabs..Gising na..andito na tayo..
Aly: (dumilat-pikit dilat ulit pikit ulit sabay bangon) Ha? Hindi yon panaginip?
Ako: Hahahahahahahaha...Ikaw Dabs ha..pinagnanasaan mo ang kagwapuhan ko at alam mo Dabs wag mo ng ipaalala na gwapo ako dahil alam ko na yon..(sabay wink)
Aly: Ang hangin ah..Ako na ang magbobook ng room natin Labi..
Ako: Segi, Kukunin ko lang mga dala natin..

Pumunta na si Ly sa loob at ako naman naghanap ako ng pedeng mag park..At nong makakita ako ay nagpark na ako..Kinuha ang malaking travelling bag ko at maleta ni Ly tapos sumunod na rin sa loob. Pagdating ko doon ay nakita ko syang nakabusangot ang mukha..Ano naman kayang problema nito.

Ako: Oh..anong nangyari? Nakakuha ka ba ng room?
Aly: Oo..
Ako: Nakakuha ka naman pala eh bat ganyan ang mukha mo?
Aly: Kasi sabi ko don sa front desk One room with two beds eh wala na daw silang available na ganon..Puno na daw Lahat..
Ako: Dabs...Ha sana sinabi mong gusto mo akong masolo sa kwarto..Ikaw ha..May pagnanasa ka talaga..
Aly: Yaks..asa ka..
Ako: hahaha..Room number?
Aly: 215
Ako: Tara na..

Hinawakan ko ang kamay nya..At hinanap ang room namin..Nasa 2nd floor na kami buti nalang at nahanap namin kaagad..Binuksan ko ang pinto at itong kasama ko amaze na amaze..

Aly: Wow..ang ganda ng kwarto nila...at kitang kita natin ang dagat oh..
Ako: Ayaw daw ha..
Aly: Heee...
Ako: Tara sa baba kain muna tayo gutom na ako..

Nakarating kasi kami ng mga 1:30 pm so gutom na talaga kami..Nagpunta na kami sa kainan at nag order ng maraming pagkain..Kahit pa nagrereklamo tong Dabs ko ay order pa rin ako ng order ng kung ano ano hahahahaha...
Pagkatapos naming kumain ay dinala ko sya sa isa sa bagong offer nila ang Horseback riding. Nag rent kami ng isang kabayo..

Aly: Labi...ayaw ko dyan..nakakatakot..
Ako: Wag kang matakot..masaya to promise..
Aly: Naaa..baka kung mapano tayo...Baka mahulog ako..
Ako: Pag ako ang kasama mo Dabs..Safe ka..at kung mahulog man tayo sisiguraduhin ko na ang babagsakan mo ay ang katawan ko at ang sasalo sayo ay ang mga bisig ko..Pangako yan..Kaya halika na..

Nakita ko sa mata nya na narelieve sya ng konti dahil sa sinabi ko..Nakasakay na ako sa kabayo at binigay ko na ang kamay ko sa kanya para may makapitan sya..

Ako: Kumapit ka sa akin...
Aly: Bahala na nga..(kumapit sya sa akin at safe na nakaupo sa likod ng kabayo na nasa likod ko rin sya) Hey..Horsie Horsie..Be good ok..
Ako: Hahahahahaha segi ka pag sasagot yan..tingnan lang natin kung di ka mapapatalon...
Aly: Heee..
Ako: Kapit ka..

Kumapit sya sa balikat ko..

Ako: Wag dyan...sa bewang ko..
Aly: Ha? Ah..eh..kasi...
Ako: Segi ka kapag nahulog ka bali yang paa mo..
Aly: Segi na nga..

Nilagay nya ang dalawang kamay sa bewang ko...

Ako: Oi..si Dabs..hinahawakan ang Abs ko...Araaaayyy!!

Pinalo nya kasi ako..hahahahaha

Aly: Sira ka talaga..
Ako: Di ka na mabiro..Kapit na..

Hinigpitan nya ang paghawak sa bewang ko at pinatakbo ko na ang kabayo..Panay ang pagsigaw nya nong una tapos nang kalaunan nag eenjoy na sya gusto pa nga nyang bilisan ko ang pagpapatakbo...

Aly: Wait lang Labi..Hinto ka muna..
Ako: Bakit?
Aly: May kukunin lang ako sa bag..

Ay oo nga pala may maliit syang pack bag na dala...Hininto ko naman at akala ko kung ano ang kukunin ay monopad pala...Nilagay nya ang cellphone at nagvideo.

Aly: Let's go Labi...Whoahh!!!

Pinatakbo ko na ang kabayo at itong si Dabs..Kung ano-anong pinagsasabi sa video..Masaya daw sumakay sa kabayo at ang galing ko raw magpatakbo ng kabayo...Hahahahaha...Nong mapansin ko na mapapadaan kami sa may mga bulaklak ay pinahinto ko..

Aly: Bakit ka huminto Labi?
Ako: Wait lang Dabs ha...Bababa muna ako..Dabs..

Bumaba ako at pumitas ng daisies at binigay sa kanya...

Ako: Para sayo Dabs..Yan ha..pinitas ko talaga yan...
Aly: (ngumiti) Thank You Labi...

Sumakay na ulit ako sa kabayo at padilim na din kasi kaya bumalik kami sa hotel...Una akong bumaba at hinawakan ko ang mga kamay nya upang makababa sya ng safe..Pero sumabit ata yong isang paa nya kaya na out of balance sya buti nalang nasalo ko siya..

Ako: Diba..ang sabi ko mahulog ka man nandito palagi ang mga bisig ko na handang sasalo sayo...Pagkasama mo ako safe ka..

Nagulat ako dahil niyakap nya ako ng mahigpit..

Aly: Salamat Labi ha..Salamat sa lahat-lahat..Salamat sa araw na to at pinasaya mo ako...salamat..
Ako: Basta para sayo Dabs...handa kong gawin lahat mapasaya ka lang dahil mahal na mahal na mahal kita sobra...
Aly: Mahal na mahal din Labi...
Ako: Tara na Dabs..Pasok na Tayao sa loob..

Hinawakan ko ang Kamay nya at nilock ko sa kamay ko...In short naka holding hands kami papasok ng hotel..Hindi ko mapigilan na mapangiti..Masaya ako sobra lalo na at kasama ko ang mahal ko..mahal na mahal kita Dabs... At parang ayaw ko ng matapos ang araw na to..Kasi pagkasama mo ang mahal mo bawat sigundo ang saya-saya mo..Sana ganito lang kami palagi.

*************************************************


Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon